Chapter 18

893 20 1
                                    

Voice of Love

By: CatchMe

Chapter 18

“After 11 months, nagawa ko rin siyang i-update, hahaha!”

-CatchMe

DUMAAN ang maraming araw at ganoon pa rin ang pakikitungo ni Noel sa kanyang personal guard na si Aileen. Tila aso’t pusa ang dalawa at walang may magpapatalo sa kanila.

Si Noel na laging tinatakasan ang dalaga dahil tuwing magkasama sila, sakit ng ulo lamang ang idinidulot sa kanya. Pakiramdam nga niya ay mas lalong iiksi ang buhay niya kapag kasama ito.

Paano ba naman kasio, kung hindi sila hinahabol ng hindi kilalang tao na sumusunod sa kanila, eh, muntikan naman silang maaksindente sa sobrang bilis ng pagmamaneho nito na tila ba ito hinahabol ng demonyo.

Madalas din siya nitong tutukan ng baril tuwing magrereklamo siya na tila ba ito ang boss at hindi siya. Kaya palagi niya itong tinatakasan para makaramdam man lang siya ng kaunting kapayapaan kapag wala ito sa paligid niya.

Tulad ngayon, kasama niya ang pinsan niyang si CatchMe sa isang mall sa Marikina. Pumayag kasi siya sa pamimilit ng pinsan niyang si CatchMe na samahan ito para sunduin ang pinsan nilang si Cher na pansamantala itong may amnesia dahil sa aksidente may isang buwan na ang nakalipas.

Plano kasi nila na ilapit ang pinsan nilang si Cher sa kasintahan nitong si Trance na hindi man lang naaalala ng dalaga dahil sa sakit nitong amnesia.

"Sa tingin mo, magkaka-ayos kaya sila?" tanong ni Noel sa pinsang si CatchMe na nakangiting nakatanaw sa papalayong kotse nina Trance kasama ang kasintahang si Cher.

"Sana nga kuya." napabuntong hiningang sagot ni CatchMe. "Sana, bumalik na rin ang alaala ni Cher 'no? Para maging masaya na sila ni Trance."

“Idol Noel," napalingon silang dalawa nang may tumawag sa pangalan niya. Nakangiting lumapit sa kanila ang may ari ng Taxi na inupahan nila para sa pagsundo kay Cher kanina. Sinalubong naman ito ni Noel, at mahinang tinapik sa balikat.

"Ito na pala ang bayad, kuya." saad niyang kinuha ang pera sa pinataka.

Masaya namang tinanggap ng driver ang perang inabot niya. Nakipag kamay pa ito sa binata at akma ng tumalikod ng muling tawagin ni Noel. Humakbang si Noel palapit sa kotse nito at binuksan. Maya-maya pa ay nakangiting may ianabot ito sa driver ng taxi na masayang niyakap ang binata.

"Thank you, idol. Matutuwa ang asawa ko nito at mga anak." wika nito. malapit na kasi ang concert niya kaya tudo-insayo siya para masatisfied ang mga fans niya.

"Huwag kayong mawawala sa concert ko ha?" natatawang sagot niya. Masaya yumuko ang driver na tila hindi makapaniwala na binigyan siya ng ticket ng hinahangaang singer.

Ilang sandali pa ay muli silang naiwang dalawa sa parking lot ng mall. Kapwa sila napalingon sa uma-arangkadang pag park ng isang motor single malapit sa kotse ng binata.

"Hoy, Leon! Pinapahirapan mo talaga ako!" sigaw ng nakasakay sa kaka-park lang na motor single.

"Damn!" mahinang sambit ni Noel, na hinawakan sa kamay ang pinsang si CatchMe bago patakbong tinungo ang entrance ng mall.

"Kuya, sandali lang. Madadapa ako.." reklamo pa ng dalaga sa panghila niya.

"Huwag ka ng magreklamo, at maaabutan tayo ng amazonang 'yun." 

"Anong hindi magrereklamo, 'eh madadapa na ako sa sobrang bilis ng lakad natin. Tsaka, bakit mo ba kasi laging tinatakasan 'yung bodyguard mo na'yun?"

"Huwag ka ng magtanong. Bilisan mo nalang ang paglakad." sambit ni Noel. 

Pumasok sila sa department store kung saan ay maraming tao ang naroon. Palinga-linga pa silang dalawa sa paligid. Habang siya naman ay pilit itinago ang mukha sa suot niyang t-shirt na may hood.

"Saglit lang kuya, may sale dito 'uh." turo ng pinsan niya nang mamataan ang malaking karatola na may nakasulat na up to 75% sales.

"Doon, tayo." hila naman niya sa pinsan sa kabilang bahagi.

"Dito may sales 'eh." reklamo naman nito hinila siya pabalik.

"Huwag nga diyan. Dito tayo." muling hila naman niya sa kamay nito.

"Ayoko nga dun. Dito ang gusto ko dahil dito may sales." pilit pa rin nito. Kaya nagkahila-an silang magpinsan hanggang sa nakatawag na sila ng pansin ng mga namimili sa department store.

"Noel Arnaiz?!" may kalakasang tanong ng isa sa mga grupo ng mga teenager na nakatingin sa kanilang dalawa.

Bigla silang napahintong magpinsan at napatingin sa paligid. Matigas niyang iling. "Hindi ako si Noel." kaila pa niya at  iniyuko pa ang ulo.

"Kamukhang-kamukha niya si Noel." sambit din ng isa pang teenager. Sumang-ayon naman ang iba hanggang sa dumami na ang mga taong nakatingin sa kanila.

"Akala mo makakatakas ka sa akin ha?" gulat na napatingin sila sa babaeng nasa kanilang likuran. Mabilis nitong nahawakan ang kamay niya at nilagyan ng posas na ikinabigla niya.

"Ano bang ginagawa mo?" galit na lingon niya.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko?" balik tanong nito sa binata. "At may plano ka pa lang dito sa mall mag practice ng rehearshal mo ah." dagdag pa nito.

"Tumahimik ka!"

"Oh,Bakit? Nasa sayo ba ang bunganga ko?" patuya pa’ng sagot nito na binalingan ang mga taong nasa paligid. 

Nagpupuyos ang dibdib niya sa sobra galit lalo na nang pagtulakan siya ng kanyang amazonang bodyguard para lumakad. Gusto niya itong singhalan at ipamukha rito na siya pa rin ang boss at dapat siya ang masusunod ngunit hindi niya magawa dahil nagsimula nang magkislapan ang mga kamera sa harapan nila.

“Excuse me lang po, tapos nap o ang palabas  at kailangan na naming umalis,” wika pa ng bodyguard niya na nagawa pang ngumiti ng matamis sa maraming tao samantalang siya ay hindi naman maipinta ang mukha sa sobrang galit. Hanggang sapilitan siya nitong hinila palabas ng mall at tinungo ang naka-park nitong motor single. “Sakay!”

“What?”

“Ang sabi ko, sakay!”

“Teka lang-,”

“Ano? Magrereklamo ka pa, ha? Hoy, Leon, kung hindi lang ako nagtitimpi at nangako kay Rowena na poprotektahan kita, matagal ko nang binitiwan ang pagbabantay sa’yo. Pero ako ang klase ng tao na pinaninidigan ang binitiwan kong salita kaya wala ka nang magagawa kahit takasan mo pa ako. Dahil hahanapin at susundan pa rin kita!”

“Pero wala kang karapatang--,”

“Sige, salita ka pa kung gusto mong sumabog ang iyong bunganga!” putol nito na hinawakan ang kamay niya. tinanggal ang isang posas at inilipat sa manibela at doon naman ipinosas kaya mas lalo siyang nagalit sa ginawa nito.

“Do you have to do this? For god sake! Ako pa rin ang boss sa ating dalawa at ako ang nagpapasweldo sa’yo, dammit!”

Ngumisi lamang ang dalaga na tila ba hindi ito apektado sag alit niya. “Para sa pakanan mo at hindi ka makakatakas, yes. Gagawin ko ito.” sagot nito na ikinibit pa ang mga balikat. “And ops! Huwag ka nang magreklamo dahil hindi ko tatanggalin ang posas mo hangga’t hindi tayo makarating sa pupuntahan natin, Sir Leon. So, kung ako sa’yo, sasakay na ako at baka masunog pa ang gwapo mong mukha sa init ng sikat ng araw, hmmm?” pang-iinis pa nito na siyang mas lalong nagpadilim sa gwapo niyang mukha sa sobrang galit.

Voice Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon