Voice of Love
By: CatchMe
CHAPTER 21
"HEY! Hey! What are you doing?!"
Napahinto si Aileen sa paghubad sa suot niyang jacket nang makitang halos magsalubong na ang malalagong kilay ni Noel na nakaharap sa kanya. Kasalukuyan silang nasa banyo nito at kakatapos lang magsepilyo.
"Naghuhubad, bakit? Bawal bang maghubad? O baka naman natatakot kang makita ang katawan ko at baka pagnanasaan mo ako, Sir Kuting?" Nakalabing sagot niya na ngiting-ngiti pa sa binata.
"You what?! Yah! At ano naman ang pumasok sa marumi mong isipan na pagnanasaan kita, ha? Ang akin lang naman ay kung paano mo yan mahuhubad, eh, nakaposas 'yang isang kamay mo sa akin!"
"So?"
"Anong so?"
Tumawa siya nang mahina at napailing na hindi na lamang pinansin ang binata. "Wala," aniya na kinuha ang maliit na gunting sa kanyang bulsa. Nakita niya iyon kanina sa kusina nang kumain sila ng binata.
"Anong gagawin mo diyan?" Tukoy nito sa hawak niyang gunting nang makita iyon.
"Tanggalin 'to. Alangan naman akong matulog nang marumi ang suot," aniya saka umpisahan na sanang gupitin ang manggas nang suot niyang jacket nang marinig niya ang pagbuntong hininga ng binata. Hanggang sa hawakan nito ang kamay niya kung saang may hawak siyang gunting. Hindi tuloy niya naiwasang mapaiktad nang maramdaman ang mainit nitong palad saka niya mabilis na binawi ang kamay mula rito ngunit bigo siyang gawin iyon.
"A-ano ba ang ginagawa mo? Bitiwan mo nga ang kamay ko," aniya sa hindi alam na kadahilanan ay biglang bumilis ang tibok ng puso niya.
"Let me, para 'di ka mahirapan." Kuha nito sa hawak niyang gunting na wala naman sa sariling ibinigay niya sa binata dahil sa pagsikbo ng malakas na kaba sa dibdib niya. "At saka 'pwede bang hubarin mo na 'yang jacket mo para hindi na ako mahirapang punitin 'yang manggas niyan?" Utos nito sa kanya. "Hayst! Ang babaeng 'to talaga. Gustong punitin ang suot na jacket pero 'di naman muna hinubad. Pinapahirapan lang talaga ang sarili niya." Kausap nito sa sarili na siya namang naririnig niya kaya di na lang niya iyon pinansin. Bagkos ay muli niyang tinanggal ang suot na jacket na hindi niya natuloy kaninang hubarin at itinira ang pink niyang t-shirt.
"How about that?"
Napatingin siya sa mukha ng binata at nakita niyang ininguso nito ang suot niyang t-shirt na may mantsa pa ng dugo mula sa sugat niya.
"Okay na 'to, itong jacket na lang ang alisin ko," sagot niya.
"At matutulog ka nang may dugo ang t-shirt mo? Akala ko ba maghuhubad ka?"
"Ano?!"
"Oh, bakit? Hindi ba't ikaw naman nagsabi na maghuhubad ka?"
Asar niyang tiningnan nang masama ang binatang may mapaglarong ngiti sa labi habang nakatingin sa kanya. Tinaasan lamang niya ito ng kilay saka asar na binawi ang gunting sa kamay nito ngunit iniwas nito iyon. Saka ito tumawa nang malakas na animo'y nag-i-enjoy sa pang-aasar sa kanya.
"Ikaw naman, hindi ka na mabiro," wika nito na hinawakan ng isang kamay na may posas ang kanyang jacket habang ang isang kamay naman nito na may hawak na gunting ay inumpisahan nang punitin ang manggas ng jacket niya. "Kung bakit kasi hindi mo na lang pinapunta dito ngayon ang kapatid mo, eh, 'di sana hindi ka na nahihirapan ng ganito," dagdag pa nito na may halo nang pag-alala ang boses nito.
Nanatili naman siyang tahimik at iniwas ang paningin mula sa ginagawa ng binata. Ngunit sa pagharap naman niya sa salamin ng banyo ay nakita niya ang repleka nilang dalawa. Siya na pinagmamasdan silang dalawa sa salamin habang ang binata naman ay nakatuon ang pansin sa pagpunit sa suot niyang jacket.
"Ang tigas kasi ng ulo mo, eh. At hindi ko maiintindihan kung ano bang meron diyan na pumapasok sa ulo mo. Tulad na lang nitong nangyari sa 'yo, mas naisin mo pang dito na lang sa bahay at huwag ipaalam ang nangyari sa atin kanina kaysa sa tumakbo sa hospital dahil may tama ka." Patuloy nito na ibinaba sa lababo ang kanyang jacket nang tuloyan na nitong mapunit at maputol ang manggas mula sa braso niya.
At nang mag-angat ito nang mukha ay nahuli siya nitong nakakatitig dito kaya mabilis pa sa alas-kwatrong nag-iwas siya nang paningin at wala sa sariling dinampot ang napunit niyang jacket. Kahit na sa kabila nang inakto niya ay nandoon pa rin ang lakas ng tibok ng puso niya.
Nagtataka na tuloy siya sa kanyang sarili dahil sa ikinikilos mismo niya. Dagdagan pa nang kakaibang napapansin niya sa binata. Ang pagiging maalalahanin nito sa kanya na siyang nababasa niya sa mga mata nito. Maging sa boses nito na hindi nito naitago sa kanya.
"S-salamat," aniyang hindi makatingin sa binata saka lihim na napalunok ng kanyang sariling laway para pakalmahin ang sarili dahil sa hindi niya kayang ipaliwanag na nararamdaman.
"Wait, c'mon."
Hinawakan siya nito sa braso at mas lalong hinila palapit dito dahilan para makaramdam siya nang panginginig ng kanyang tuhod at mas lalong pagsusumikbo ng kanyang puso. Ano ba ang balak nito sa kanya? Bakit iba na ang ikinikilos nito sa kanya mula pa kanina? Pinagtitripan na naman ba siya nito? O sadyang totoo ang nakikita niya sa mga mata nito na nag-aalala ito sa kanya?
"T-teka, a-anong gagawin mo?" naitanong niya.
"Huwag ka ngang maarte! Alam ko 'yang tumatakbo diyan sa utak mo. Para sabihin ko sa 'yo, wala akong pagnanasa sa 'yo. Pupunasan ko lang 'yang braso mo dahil may bahid pa ng dugo."
Biglang nagpanting ang kanyang tenga sa sinabi nito. At ano naman kaya sa tingin nito? Na may pagnanasa siya rito? "Hoy! Kung makapagsalita ka! Bakit? Ano bang iniisip ko ha? May sinabi ba ako na may pagnanasa ako sa 'yo? Ha?!"
"Bakit? Wala ba?" balik-tanong nito sa kanya.
"Aba! Aba!" asar niyang sinipa ang paa ng binata saka pinaghahampas sa braso sa hindi rin niya alam na kadahilanan. Malamang dahil siguro sa wala siyang maisagot na matino sa pang-aakusa nito sa kanya. Or should she say...dahil ba mukhang totoo ang sinabi nito sa kanya?
"Ouch! Hey! Hey! Ano ba?! Stop it!"
"Sige, mang-asar ka pa. Hindi porket may sugat ako, eh, hindi kita papatulan?" Sambit niya patuloy na hinahampas ang binata ng hawak niyang jacket.
"Ano ba? Nasasaktan na ako, ha? Kapag hindi ka pa tumigil, hahikan kita!" banta pa nito na sa kanya na hindi man lang niya pinansin.
"Subukan mo nang----" Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang sa isang iglap lang ay mabilis nitong hinuli ang kanyang kamay saka inangkin ang labi niya.
Dahil sa pagkabigla sa ginawa nito ay hindi siya nakagalaw. Pakiramdam niya ay tila naging tuod siya na hindi kayang igalaw ang kanyang katawan para makawala sa panghahalik nito sa kanya. Lalo na't tila naging blanko ang pag-iisip niya nang mga oras na iyon sa hindi inaasahang gagawin ng binata.
Tila naging tahimik ang kanyang paligid at ang tanging naririnig niya ng mga oras na iyon ay ang malakas na tibok ng puso niya. Pakiwari niya ay nabibingi siya at hindi siya makapag-isip ng tama.
Ngunit sa kabila niyon ay ramdam na ramdam niya ang mainit at malambot na labi ng binata na inaangkin ang labi niya. Sa una ay naging marahas ito na animo'y pinaparusahan ang labi niya. Ngunit kalauna'y naging marahan naman iyon nang maramdamang wala ni animong pagtutol mula sa kanya na siyang ipinagtaka niya.
Hindi kasi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit hindi man lang siya nakapagprotista sa pangahasan nito. Bagkos ay napapikit pa siya nang kanyang mga mata at tinanggap ang matamis na labi ng binata na walang pasintabing inaangkin ang labi niya.
BINABASA MO ANG
Voice Of Love
AçãoNoel Arnaiz was known as a hot and sexy bachelor singer of the Philippines na mas lalong sumikat dahil sa mala-Enrique Iglesias nitong boses. Hindi lang ang boses nito ang mala Enrique Iglesias, kundi kamukha pa niya ang naturang sikat na singer na...