Chapter 16

964 25 2
                                    

By: CatchMe

Chapter 16

NAGPANTING ang tenga ni Aileen sa tinuran ng binata. Dagdagan pa ng katawan nitong mariin na idinikit sa kanya. Habang ang mukha nitong malapit na malapit sa kanyang mukha. At isang maling galaw lang niya ay tiyak niyang maglalapat ang labi nito sa kanyang labi.

Kaya mariin muna siyang napapikit at humugot ng malalim na paghinga. At sandali siyang nag-ipon ng lakas ng loob habang ang puso niya ay kanina pa nagreregudon ngunit ininda na lamang niya iyon. Muli siyang dumilat at kasabay niyon ay marahas niyang itinulak ang binata na nagulat sa kanyang ginawa.

"Manyak!" Pasigaw niya rito. "Subukan mong idikit ang katawan mo sa'kin at pasasabogin ko 'yang abs mo!" Dagdag pa niya at bahagyang lumayo sa binata.

"Manyak?" Ulit nito na humakbang palapit sa kanya ngunit muli siyang umatras mula rito. Narinig pa niya ang mahina nitong tawa na tila nanunudyo sa kanya kung kaya't napalunok siya at nag iwas ng paningin dito. "Hinaharass ba kita para sabihin mong-" hindi na nito naituloy ang sasabihin ng kapwa sila makarinig ng sigaw. Kaya sabay silang napalingon sa pinagmulan niyon at nakita niya ang isang residente ng naturang subdivision. "Damn!" Narinig pa niyang wika ng binata na tinalikuran siya at lumapit muli sa kotse nito.

Napabuga naman siya ng hangin at lihim na nagpasalamat na sinundan ng tingin ang likod ng binata. Dahan dahan narin siyang sumunod dito at lumapit na rin sa kotse nito at tiningnan ang tinamaan ng kanyang baril.

Samantalang nagsimula na ring magsilabasan ang iba pa'ng mga residente ng naturang subdivision. At iilan sa mga ito ay lumapit sa kanila at nagtanong kung anong nangyari.

Ilang sandali pa ay dumating naman ang gwardiyang naka-duty sa subdivision at masinsinang kinausap silang dalawa ng binata. Matapos magpaliwanag ng dalaga at humingi ng paumanhin ay nagpaalam na rin ang security guard sa kanilang dalawa at pinagsabihan na sana'y huwag nang maulit pa ang nangyaring pagpapaputok ng baril sa loob ng subdivion.

NAPABUGA ng hangin si Noel matapos makipag-usap sa guard na huwag na lang sanang ipaabot pa sa munisipyo ang nangyaring pagpaputok ng kanyang bodyguard ng baril. At ipinakiusap na rin niya na sana ay huwag makarating iyon sa medya. Kaya malaki ang pasasalamat niya nang sumang-ayon ito.

Pagkatalikod ng guard ay muli niyang hinarap ang kanyang personal bodyguard na nakatayo sa kanyang likuran. Muli na namang bumangon ang kanyang inis rito at bago pa man siya ma-highblood muli ay mabilis na lamang niya itong tinalikuran.

"T-Teka-" pigil nito sa kanyang braso na agad rin tinanggal ng marahas siyang humarap dito.

"What!?" Singhal niya.

"E-ahm," napakamot sa ulo na wala namang sinabi ito sa kanya kaya muli niya itong tinalikuran at naglakad pabalik sa kanyang bahay.

"Sir, Kuting.."

Tawag nito na sumunod sa kanya. Ngunit hindi na lamang niya iyon pinansin at tuloy-tuloy na bumalik sa kanyang bahay. Agad siyang pumasok sa loob at nagmamadaling tinungo ang kanyang kwarto. 'Tsaka niya kinuha ang susi ng isa pa niyang kotse na nasa drawer.

Muli siyang bumaba at nakasalubong niya ang kanyang personal bodyguard na pilit ngumiti sa kanya, ngunit kanya itong tinapunan ng matatalim na titig at dinaanan lamang.

"Sir, Kuting. Aalis ka?"

Inis siyang napahinto at hinarap ito. "Obvious ba? Hindi ba't sinabi ko kanina na mag-ge-guest ako sa isang talk show? At anong oras na, pero nandito parin ako sa bahay dahil sa kakagawan mo!" Sarkastiko niyang sagot dito. Kung kaya't napakagat labi ito at napangiwi.

"Eh, ikaw kasi, e-"

"Please.." Putol niya rito. "Ayokong makipagtalo sa'yo, lalo na't matigas iyang ulo mo!" Asik niya.

"Ano?! Uy, hindi matigas ang ulo ko ah! Ikaw pa nga itong--"

"Well you please keep your mouth shut up?" Muli niyang agaw rito at mabilis na tinalikuran.

NAPAAWANG ang labing sinundan ni Aileen ng tingin ang kanyang galit na amo. Napakamot pa siya sa kanyang ulo 'tsaka sinundan ang papalabas na binata.

"Sasama ako," sambit niya ng marating ang garahe at kasalukuyang binuksan ng binata ang driver's side ng isa pang kotse nito. Sandali itong natigilan na tila ba nagtitimpi na hindi niya maintindihan. Ah basta! Kahit na magalit man ito sa kanya ay wala siyang pakialam! Ang importante ay magawa niya ang kanyang trabaho.

"Would you please get out of my sight?" Lingon nito na hindi nanaman maipinta ang gwapo nitong mukha.

"Sorry, yan ang 'di ko magagawa. Diba yan ang trabaho ko? Ang bantayan ka para maprotektahan ka laban sa iyong mga-"

"Kaya ko na ang sarili ko at hindi ko kailangan ang serbisyo mo," agaw nito. "Dahil mas lalo akong minamalas 'pag kasama ka." Dagdag pa nito.

"Hindi ka naman-"

"Please!"

"Ah basta! Sa ayaw at sa gusto mo, sasama parin ako!" Inis narin niyang sagot dito at nagmamadaling umikot sa kabilang pintuan ng kotse. Tsaka mabilisan siyang sumakay bago pa siya nito maiwanan. Aba! Mahirap na!

"Hindi ka ba talaga makakaintindi?"

"Nakakaintindi ako, at wala ka ng magagawa pa dahil susundan at susundan parin kita saan ka man pumunta. At saka, pwede ba? Kung ayaw mong ma-late ay umalis nalang tayo kaysa naman makipagtalo ka pa sakin eh alam mo namang hinding-hindi ako makakapayag na mawala ka sa'king paningin, kamahalan.." Litanya niya dahilan parang mag-isang linya ang kilay ng binata.

Narinig pa niya ang marahas na pagbuga nito ng hangin at pabagsak na isinara ang pintuan ng kotse nito na hindi na nagawang pumasok sa loob ng kotse. Bagkos ay umikot ito papunta sa kanyang kinauupuang bahagi at marahas na binuksan ang pintuan ng kotse. Kung kaya't nakaramdam nanaman siya ng munting kaba lalo na't nasilayan nanaman niya galit sa gwapong mukha nito.

"Get out!" Mariing utos nito.

"Ayoko nga," sagot niyang sinalubong ang galit na titig nito.

"I said get out!" Ulit nito.

"Sabi ko nga rin na ayoko. Bingi kaba? Ha? Ha?"

"So, gusto mo magpakandong ako sa'yo?"

"Ano?!" Bulalas niya. "At bakit ka naman magpapakandong sa'kin? Nababaliw kana ba?"

"Kaya nga lumabas ka diyan at ikaw ang magmaneho ng kotse kung bubuntot ka rin lang naman sa'kin!"

"What the---sira ulo talagang lalaking to," mahinang sambit niya na inismiran ang binata.

"What did you say?"

"Wala! Sabi ko ayusin mo kung magsalita ka! May pakandong-kandong kapa diyang nalalaman! Eh pagmamaneho lang pala ang gusto mong sabihin! Oh siya, sir Kuting, pasok na po kayo, at ipagdadrive ko po kayo, sir Kuting.." Pang-iinis pa niya rito 'tsaka lumipat ng upuan para makapasok ang binata.

Ni hindi narin siya nag-abalang bumaba sa takot na iiwanan nanaman siya nito. Bagkos ay umusod na lamang siya palipat sa driver's side. "Where's the key?" Lingon niya rito nang ibagsak nito pasara ang pintuan ng kotse.

Marahas naman nitong inabot ang susi 'tsaka inayos ang sarili at iniwas ang paningin sa kanya. Nasa mukha parin nito ang pagkadisgusto na makasama siya pero hindi na lamang niya pinansin iyon.

"You know how to drive this car," Napalingon siya muli rito at salubong ang kilay na napaismid.

"Ofcourse! Ano ba tong kotse mo na hindi ko alam dalhin? Iba ba 'to sa mga kotseng nandito? Ano to? Lumilipad?" Patuyang sagot niya.

"This not just a car!" Mariing wika nito. "This is an Audi RB LMS ultra CSR! And this is the most expensive car--"

"Wala akong pakialam kung anong klaseng kotse itong sasakyan mo. As long as tumatakbo ito, kotse parin ang tawag dito at hindi eroplano!"

"I'm just telling you, para ingatan mo!"

"Whatever! Shall we go, sir Kuting?" Pag-iiba na lamang niya bago pa sila magtalo na dalawa. Narinig pa niya ang pagbuga nito ng hangin na sinundan naman nito ng pasupladong sagot kaya agad niyang pinaandar ang kotse nito para lisanin na ang bahay ng binata..

Voice Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon