Chapter 6

1.1K 29 1
                                    

Voice of Love

By: CatchMe

Chapter 6

"LEN-AY! Gising na!"

Napapungas ang dalagang pilit imulat ang kanyang mga mata. Mapait pa iyon at gusto pa sana niyang matulog. Pero alam naman niyang hindi siya tatantanan ng kuya niya hanggat hindi pa siya makabangon sa kanyang kama. Kaya, kahit gusto pa niyang matulog ay wala na siyang nagawa kundi pilitin ang sariling bumangon at maligo.

"Ang aga pa nga kuya." napakamot sa ulong sambit niya ng makitang binuksan ng kanyang kuya ang kurtina ng kwartong nakalaan sa kanya.

"Mas mabuti nga 'yung maaga pa. Para walang masabi ang kliyente natin sa ating serbisyo. Aba, alalahanin mong sikat na singer ang ating protektahan sa ngayon. Maswerte nga tayo dahil tayo ang napiling magprotekta kay sir Noel." mahabang paliwanag nito na tuluyang binuksan ang bintanang gawa sa glass.

"Oo na, oo na kuya!" aniyang tumayo sa kama at patamad na naglakad papunta sa kanyang kabinet. Kumuha siya ng isang malinis na towel pati na rin ng bagong bihisan. "Bakit, ba kasi pati ako idinamay pa ni ninong? Kaya mo naman 'yun kuya diba?"

"Hush! Huwag kana ngang magreklamo Len-ay!"

"Eeeh! Huwag mo nga akong matawag na Len-ay kuya! Para naman ako niyang nasa paligsahan ng mga bini-bini sa probinsya!" inis niyang reklamo sa kapatid na tatawa tawa lang na lumapit sa pinto.

"Sige na, maligo kana. Para makaalis na tayo," anitong tuluyang lumabas sa kanyang kwarto.

Napailing na lamang siyang pumasok sa sariling banyo ng kanyang kwarto. Iyon ang kwartong inilaan sa kanya ng kanyang kuya tuwing pupunta siya ng Manila.

Isa ring magaling na Pulis ang kanyang kuya at nagakataong nasa Quezon City ito naka destino. Samantalang nasa Iloilo naman siya. Kung saan ay nanatili siyang nasa tabi ng kanyang ninong na siyang itinuring nilang tunay na ama simula ng mamatay ang kanilang magulang.

Biglang nag init ang mga mata ng dalaga ng maalala ang sinapit ng kanyang mga magulang. Hindi niya rin maiwasang mapakuyom ng kanyang palad ng mabilis na dumaloy sa kanyang isipan ang kanyang nasaksihan 20 years ago. Ang kanyang nasaksihan na kahit sa murang edad niya ang nangyari noon at ni minsan ay hindi nawala sa kanyang isipan ang nasaksihang trahedya sa kanilang magulang.

"Len-ay! Pagkatapos mong maligo kumain ka nalang ha? Lalabas muna ako. Babalik ako kaagad."

Napaigtad siya ng marinig ang pagkatok ng kanyang kuya sa pintuan ng banyo.

"Sige kuya!" pasigaw niyang sagot dito at nagsimula ng maghubad ng kanyang damit pantulog.

Mabilis siyang naligo, at agad na nagbihis. Paglabas ng banyo ay agad siyang nagsuklay at inayos ang dadalhing mga gamit sa bahay ng bago niyang kliyente. Napangiwi siya ng maalala kung sino ang kanyang magiging kliyente.

Naalala pa niya ang mahabang diskusyon nila ng kanyang ninong ng malaman at makita ang pagmunukha ng taong kanyang babantayan. Kahit anong pilit niyang pagmamakaawa sa ninong niya ay hindi siya nito pinakinggan at talagang siya daw ang inatasang magbabantay sa kanilang bagong kliyente. Ang sikat na singer daw umano ng Pilipinas na si Noel Arnaiz.

Ang lalaking halos binali-bali niya ang buto nito noong nasa Iloilo ito. Ang lalaking napagkamalan niyang magnanakaw. Ang lalaking nagpakilalang si Leon Arnaiz, na siyang tinawag tawag niyang kuting ay siya pala ang taong pinapantasya ng halos lahat ng mga kababaihan ng kanilang bayan. No, hindi lang yata ng kanilang bayan, kundi halos lahat na siguro ng mga kababaihan ng Pilipinas!

Dahil si Leon Arnaiz at si Noel Arnaiz ay iisang tao lang! Muli siyang napakamot sa basa pa niyang buhok ng maalala ang insedenteng nangyari sa pagitan nila ng binatang singer sa Iloilo.

"Maalala pa kaya niya ako? Sana hindi.." piping dalangin niyang at isinara na ang zipper ng maliit niyang overnight backpack bag. "Bahala na!" mahinang sambit niya sabay buga ng hangin.

Hindi naman siya natatakot dito. Pero ng maalala niya ang nanggagalit nitong mata noon, na halos gusto yata siyang lusawin nito ay kinakabahan siya. Hindi dahil sa takot siyang saktan nito. Dahil alam naman niyang kayang kaya niyang ipagtanggol ang sarili mula sa binata. Kundi kinakabahan siya dahil baka gaganti ito sa kanya at pahihirapan siya!

"Hinding hindi mo ako pwedeng pahirapan, Noel Arnaiz! Alyas Leon! Ngunit parang kuting naman!" tila baliw na wika ng dalagang isinukbit na ang kanyang backpack at lumabas ng kanyang kwarto.

Dumulog muna siya sa hapag-kainan at kumain. Napangiti siya ng malamghap ang mabangong amoy ng sinangag. Meron ding bacon, hotdog at sunny side up fried egg na siyang namiss niyang kainin tuwing magkasama sila ng kuya niya.

"Yummy!" tila batang sambit niya at naupo na sa mesa tsaka kumain.

KAKAPARADA lang ng kotse ng kanyang kuya sa labas ng isang malaking bahay. Kulay puti iyon ay napapaligiran ng nagtataasang pader. Nakikita niyang may tatlong nakahelirang puno ng niyog sa loob ng bahay. Sa labas naman ay merong halamang yellow bells na siyang nagsisilbing palamuti sa labas ng bahay.

"Tara na, Len-ay.." yaya ng kuya niyang nagpatiuna nang bumaba sa kotse nito.

Napakagat labi siyang bumaba na rin ng kotse nito at napasunod sa likod nito. Pinindot nito ang door bell, habang siya naman ay pinag-aaralan ang paligid.

"Bantay sarado din naman siguro ang mga security guard dito." niya sa sariling inikot ang paningin.

Halata kasing puro mayayaman ang nakatira sa subdivision na iyon, ayun sa nakikita niyang laki ng mga bahay. Pati na rin sa kung ano ano ang hiningi sa kanila ng security guard kanina sa guard house bago sila pinapasok ng naturang subdivision.

Ilang beses pa siyang nagpalinga-linga ng maramdaman ang mahinang pagtapik sa kanyang balikat ng kanyang kuya.

"Tulog pa yata si sir Noel, paki doorbell mo nga ulit, Len-ay. Tatawagan ko lang si Rowena para ipaalam na nandito na tayo."

"Kuya!" napamulagat na bulalas niya. "Huwag mo sabi akong tawaging Len-ay! Ang pangit pakinggan! Para naman akong hindi pulis niyan!" inis niyang sambit dito.

"What's wrong with that? Simula noon, yan na ang tawag ko sayo diba--"

"Kuya, I'm not a kid anymore! Malaki na ako. Tsaka ang pangit talagang pakinggan ng Len-ay!" reklamong agaw niya sa sasabihin pa sana ng kanyang kuya.

"Okay, Fine! Oh, siya. Balanza, paki doorbell mo na nga at tatawagan ko si Rowena." natatawang sambit nitong tinalikuran na siya at tumungo sa kotse nito.

Natatawa na ring sinundan din niya ng tingin ang binata pa niyang kuya. Tsaka pa siya lumapit sa mataas na gate at sunod sunod na pinindot ang doorbell na akala mo ay hinahabol siya ng sampung demonyo.

"Kainis naman 'tong lalaking 'to! Ang tagal lumabas, sarap pasabogan ng granada ang tenga nito!" inis niyang sambit ng kanina pa siya nagdo-door bell ay talagang hindi pa rin ito lumalabas. "Akyatin ko nalang kaya itong gate?" maya-maya ay kausap niya sa sarili.

Nilingon muna niya ang kuya niyang may kausap pa rin sa hawak nitong cellphone. Napailing na lamang siyang bahagyang umatras at pinasadahan ng tingin ang may kataasang pader at gate ng bahay ng sikat na singer.

Tsaka muli siyang napangiti at lumapit muli sa mataas na bakal ng gate. Napabuga muna siya ng hangin at akma na sanang akyatin ang bakal na gate ng bigla naman iyong bumukas.

And oh my holy adan! Lihim siyang napasinghap ng masilayan ang mukha nito. Tulad ng una niyang reaksyon ng makabangga ito noon, ilang buwan na ang lumipas ay ganun pa rin ang epekto nito sa kanya.

What a dummy hot---no! Bigla niyang pigil sa sarili ng makita ang gulat na reaksyong unang rumihistro sa gwapong mukha nito.

"You!? What the hell are your doing here!?" haois mag iisang linya ang malagum nitong kilay na tanong bito sa kanya. At take note, dinuro pa siya ng binata.

Nang makabawi naman siya sa pagkaover whelmed sa kagwapohang nasa kanyang harapan ay napangiti siya ng ubod tamis. Yung ngiting, ni minsan ay di pa niya nagawa na ni hindi niya alam na marunong pala siyang ngumiti. Nang dahil lamang sa lalaking kaharap niya ngayon ay napangiti siya ng mala ala-asukal sa tamis na ngiti.

"Good morning, sir Kuting!" masaya pa niyang bati dito sabay saludo ng kanyang kanang kamay dito.

Voice Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon