Chapter 5

1.1K 24 0
                                    

Voice of Love

By: CatchMe

Chapter 5

NABUHAYAN ng loob si Noel nang marinig ang serena ng patrol. Bigla namang nagmenor ang humahabol sa kanilang pulang kotse at natigil ang putok. Nang tingan niya mula sa rear view mirror ay huminto ang pulang kotse kaya mas binilisan pa niya ang pagpatakbo ng minamaneho niyang sasakyan.

"K-kuya.."

Napabaling siya sa pinsang dalaga na si CarchMe. Namumutla ito at tila nanginginig pa. Narinig niya itong mahinang napaungol ng maagaw ang kanyang pansin sa pulang likidong nagmumula sa braso nito.

"Damn, your bleeding!"

"Catch, may tama ka!" nag alala ding sambit ni Cher na dinaluhan ang pinsan. Ilang sandali lang ay nawalan na ito ng malay.

Nagpapanic si Cher habang inaalalayan ang walang malay na si CatchMe. Kinakabahan man, ay kailangan muna niyang huminto ng makasalubong ang patrol na mabilis na rumisponde sa kanila.

Matapos kausapin ng mabilisan ang rumisponde sa kanila ay mabilis niya muling binuhay ang makina ng kanyang kotse at isinugod sa hospital ang natamaang pinsan.

"ANONG nangyari? Okay lang ba kayo? Ang pinsan mo? Kamusta na?" nag alalang sunod sunod na tanong ng manager niyang si Rowena. Sa likuran nito ay ang nag alala ring P.A niya na si Niccaila.

"Hindi pa lumabas ang doctor, Weng.." nag alalang sagot niya dito.

"Sino naman kaya ang may pakana nitong aksidente? Hindi kaya si Daniel ang may pakana nito?" baling ng kanyang manager.

"Bakit naman niya gagawin iyon? Tsaka baka aksidente lang talaga ang nangyari." aniyang napahawak sa batok.

"Noel, hindi naman lingid sa kaalaman mong masama ang loob sayo ni Daniel. At wala na akong naisip na gumawa nito sayo. Maliban nalang sa kanya."

"Kahit na, wala pa rin tayong ebidensya na siya ang may pakana nito."

"So, ano ang plano mo ngayon?" napabuntong hiningang tanong nito.

"Hindi ko alam." kibit balikat na sagot niya.

"What if, kumuha nalang tayo ng bodyguard mo?"

"Bodyguard? For what? Hindi ko kailangan ng bodyguard!" nagtatakang baling niya.

"For your safety! For god sake, Noel! Muntik kana ngang mamatay hindi mo ba naisip 'yun? Paano kung natuloyan kana? Paano kung isa sa inyo ang may namatay? Paano kung babalik pa ang nagtangkang pumatay sayo? Sa inyong tatlo. Hindi mo ba naisip yun?"

Marahas siyang napabuntong hininga. Tama nga ang manager niyang si Rowena. Kung saka-sakaling isa sa mga pinsan niya ang namatay ay hinding hnidi niya mapapatawad ang kanyang sarili.

"Tsaka nalang siguro, Weng. Magmatyag muna tayo, baka coincidence lang ang nangyari.."

"Noel, hindi lang yun coincidence. Dahil talagang planadong patayin kayo. O baka nga ikaw talaga ang sadyang patayin. Dont you see? They have a guns, and they tried to kill you!" paliwanag ng dalagang manager.

Bakas pa rin sa mukha nito ang takot at pagkabahala. Habang siya naman ay sumasakit na ang sintido sa kakaisip kung sino ang may pakana ng lahat ng ito, simula pa kanina.

"Noel.." mahinang tawag ni Niccaila na siyang nagpabaling ng kanilang pansin dito.

"Why?" si Rowena na nagsalubong ang kilay.

"Siguro ngang kailangan mo na ng bodyguard."

"Bakit?" si Noel na nagtataka sa ikinikilos ng dalagang personal assistant. Mukhang nag aalangan kasi ito at tila natatakot ang mukha.

Voice Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon