Voice of Love
By: CatchMe
Chapter 11
NABIGLA man sa sinabi ng kinaiinisang singer ay pinilit parin ni Aileen ang sariling umayos mula sa pagkabigla. Pinaliit niya ang kanyang mga mata na tila gustong tunawin ang binatang nakangisi sa kanya.
"Ang kapal ng mukha mo!" mariin at paismid niyang wika dito. "Ako? May lihim na pagnanasa sa'yo? Hoy!" duro pa niyang itinutok ang daliri sa matigas nitong dibdib. Na agad naman niyang binawi ng tila may kung anong kuryenteng dumaloy sa kanyang daliri ng dumikit iyon sa matigas na dibdib ng binata kaya napabawi siya bigla at dinuro na lamang ang pagmumukha nito. "Itaga mo dyan sa bungo mo, hinding hindi ako magkakagusto sayo!" singhal niyang tila nandidiri sa kaharap na binata. "Narinig mo? Hinding hindi ako magkakagusto sa taong malambot ang braso! At singlakas lang ng isang kuting!" dagdag pa niya dahilan ng pagpalis ng nakakalokong pagkangisi ng binata.
She pouted her lips, ng makita ang pagbago ng anyo ng kaharap na kinaiinisang singer. Unti unting nagdilim ang mukha nito na gusto yata siyang sakalin sa leeg na siya namang tinaasan niya ng kanyang kilay.
"Baka mamaya niyan, ikaw ang mainlove sa'kin idol kuting?" napangisi pang dagdag niya na napahalukipkip.
"Ang lakas din naman ng bilib mo sa sarili mo ano?" nang uuyam ang boses na tiningnan siya nito ng matalim.
"Hush! Ikaw 'ah.. Baka sa sobrang galit mo sa'kin niyan 'eh..mainlove ka pa sa'kin, idol kuting?" pang iinis pa niyang kinindatan ang nagpupuyos sa galit na binata.
Pigil pigil naman niya ang sarili na huwag matawa sa mukha nitong nang-gagalaiti na sa kanya. At ewan niya kung bakit siya nag eenjoy pagmasdan ang gwapong mukha nito na kahit nagagalit na ay ubod parin ng gwapo. "Whattaface!" Bakit ba ngayon lang niya napansin ang kagwapohang pagkalalaki nito? Gwapo nga ba? Oh well, ayaw niyang magsinungaling kaya, oo na! Gwapo na siya! Pagkukumpirma niya sa sariling tinalikuran na lamang ang binata bago pa ito sumabog sa kanyang harapan.
"May araw karin sa'kin, tandaan mo 'yan!" Pahabol nito sa kanya.
"Hihintayin ko ang araw na 'yan, mahal kong Kuting." nangising lingon niya dito at natatawang itinuloy ang paglakad papasok sa police station.
NAGPUPUYOS ang kaloobang sinundan ni Noel ng tingin ang babaeng nagpapakulo sa kanyang dugo! Nangangati talaga ang kamay niya para sakalin ito sa mga pinagsasabi nito sa kanya.
"ANG kapal ng mukha mo! Ako? May lihim na pagnanasa sa'yo Hoy! Itaga mo dyan sa bungo mo, hinding hindi ako magkakagusto sayo! Narinig mo?"
Napasipa siya sa hindi kalakihang bato ng bumalik sa kanyang isip ang sinabi nito. Hinding hindi daw ito magkakagusto sa kanya? Who cares! Wala siyang pakialam kung hindi man ito magkakagusto sa kanya. Dahil nunca naman siyang magkakagusto sa babaeng iyon! At ang mas lalong nagpapagalit sa kanya ay ang sinabi nito na Hinding hindi ito magkakagusto sa taong malambot ang braso! At singlakas lang ng isang kuting!
Inis siyang napatingin sa kanyang mga braso. Malaman iyon at alam niyang malakas siya. Kinapa din niya ang kanyang matigas na Abs. Bahagya pa niyang tinampal tampal iyon habang nag iisip ng paraan kung paano makaganti sa kinaiinisang amazona!
Tsaka lang naagaw ang kanyang pansin mula sa malalim na pag iisip ng tawagin siya ng isang pulis. At siya na lamang daw ang hinihintay sa loob ng presinto para kunan ng testimonyal tungkol sa nangyaring pagtangka sa kanyang buhay.
HUMAHANGOS na dumating ang manager ni Noel na si Rowena sa presinto. Nag-aalala ang mukha nitong lumapit sa alagang sikat na singer sa Pilipinas kasunod ang personal assistant nitong si Niccaila.
"Okay kalang ba?" Napayakap na tanong nito na siyang tinugon naman niya. Hindi na nito pinansin ang mga taong nasa kanilang paligid lalo na ang kaharap niyang amazona na tahimik lamang na nakamasid sa kanila.
Nang mapanatag ang loob ng dalagang manager niya ay muli nilang hinarap ang kausap nilang pulis.
Ngunti naagaw ang kanilang pansin ng bumukas muli ang pintuan at iniluwa nito ang nag alala at pamilyar na mukha ng gwapong binata. Ang kapatid ng babaeng kaharap nila na si Arnel Balanza.
"Kuya," napatayong sambit ng kanilang kaharap na dalaga at nilapitan ang nag alalang kapatid nito.
"What's wrong? Nasaktan kaba?"
"Hindi naman, kuya. Alam mo namang kaya kong protekhan ang sarili ko diba?" sagot nito sa kapatid.
Lihim namang napaismid si Noel ng marinig ang sagot ng kinaiinisang dalaga. Tsaka niya inalis ang paningin sa dalawang magkapatid.
"Arnel?" Napatayo din ang kanyang manager na nilapitan ang kakarating lang na binata at yakap parin ang kinaiinisan niyang babaeng Amazona. "Kapatid mo siya?"
"Rowena, nandito ka pala."
"Oo, magkapatid kayo? I mean, siya ba ang tinutukoy mong makakasama mo sana sa pagbabantay kay Noel?"
"Oo, pero malabo ng mangyari yun dahil tinanggihan nga ni sir Noel na maging personal guard niya-"
"Kuya, okay lang naman sa'kin kung ayaw niya." agaw ng dalaga.
"Teka lang, nagugulohan ako," awat naman ng dalagang manager ni Noel.
Habang tahimik na lamang na nakikinig si Noel na nakaupo sa silyang kaharap ng desk ng pulis na siyang nagtatanong sa kanila tungkol sa nangyari kanina.
"Kapatid mo siya na nanggaling pa sa Iloilo para maging personal guard ni Noel, na siyang tinanggihan ni Noel kaninang umaga at nagpapahanap ng panibagong bodyguard bilang kapalit niya?"
"Exactly po, Ma'am." mabilis na sagot ng dalagang si Aileen.
"So, anong ginagawa mo dito? I mean, bakit ka rin nandito at magkasama kayo ni Noel?" tila nagugulohang tanong ng Manager ng binatang singer.
"Kasi po, ako yung tumulong sa kanya kanina. Nagkataon kasing nadaanan ako ng pinagbabaril, ng mga armadong lalaki ang isang kotse. At bilang taong may tungkulin sa bayan ay ginawa ko lang nag nararapat bilang isang pulis. At yun nga, ako na ang sumaklolo doon sa hinahabol ng mga lalaking yun at nagkataon namang si Idol kut--Noel ang sakay pala 'nung kotse na binabaril ng mga armadong naghahabol dito." mahabang paliwanag ng dalaga na muntik na sanang madulas sa idol Kuting kung hindi lang nito napigilan ang labi.
Inis namang tinapunan ng nasamang tingin ni Noel ang dalagang napatingin sa kanya at lihim pa siyang tinawanan na tila nang iinis nanaman.
"You mean, you're the one who saves Noel's life!?" hindi makapaniwalang bulalas ng dalagang manager na napatingin sa binatang singer na mariing nakatikom ang labi na nakasandal sa kinauupuang silya.
"What? Bakit ganyan ka makatingin?" napataas ang kilay na sambit ng binata.
"Parang ganun na nga, Ma'am," sagot naman ng dalagang si Aileen.
"Dont you see that Noel?" biglang lapit ni Rowena sa alagang singer. "She save your life! At walang rason para tanggihan mo ang serbisyo niya bilang bodyguard mo. In the first place, she's the one who saves you from that stupid hudloms!"
"What!?" napamulgat ang matang sambit ng binata na lumipad ang paningin sa kinaiinisang dalaga na tila nabigla rin sa sinabi ng kanyang manager. "No! Ayoko!" protista niyang ibinalik ang paningin sa kanyang manager.
"No, Noel! Sa ayaw at sa gusto mo, siya na ang magiging bodyguard mo simula bukas!" mariin at may pinalidad na sambit ng kanyang manager.
Napalingon naman siya sa dalagang amazona ng marinig ang pagtawa nito at lumiwanag pa yata ang mukha ng marinig ang sinabi ng kanyang manager.
"Oh, parang ayaw yata ng alaga niyo, Ma'am Rowena." Sambit nitong ngumiti sa kanya ng nakakaloko. "Masakit kasi siyang tumingin sa'kin 'e. O baka..ayaw niya sa bodyguard niyang ubod ng ganda.." dagdag pa nito na siyang ikinalaki ng kanyang mga mata.
"Grabe! Ang kapal talaga ng babaeng ito! Maganda daw ito? Huh!? Ang laki talaga ng tiwala sa sarili niya!" reklamo ng kanyang utak na gusto na yatang burahin sa mundo ang dalagang nasa kanilang harapan!
BINABASA MO ANG
Voice Of Love
ActionNoel Arnaiz was known as a hot and sexy bachelor singer of the Philippines na mas lalong sumikat dahil sa mala-Enrique Iglesias nitong boses. Hindi lang ang boses nito ang mala Enrique Iglesias, kundi kamukha pa niya ang naturang sikat na singer na...