Voice of Love
By: CatchMe
Chapter 23
NAPILITANG tumigil si Aileen sa kakatawa nang makitang halos umusok na ang ilong ng binata dahil sa kanya. Sino ba naman kasi ang hindi matawa sa hitsura ng binata na animo'y isa itong cute na kuting na hindi alam ang gagawin sa mga oras na iyon. Lalo na nang idiin pa niya sa labi nito ang dulo ng hawak niyang baril.
"Tapos ka na?!" halos pasinghal na tanong nito sa kanya na pinasingkit pa ang mga mata at mariing itinikom ang mga labi na nakatingin sa kanya.
Hindi siya sumagot sa tanong nito bagkos ay tumalikod na lamang siya rito para lumabas ng banyo. "Inaantok na ako at gusto ko nang magpahinga," aniyang hinila ang kamay ng binata na sumunod din sa kanya.
Ayaw na niyang magsalita pa at baka kung saan na naman sila humantong nito lalo na't pikunin pa naman ang boss niya.
"Alam mo ikaw, hindi ko maintindihan kung ano ang meron diyan sa utak mo! Mukha ka namang matino pero kung minsan mukha kang---"
"Noel, please," pigil niya sa sasabihin pa sana nito. "Ayoko nang makipag-argumento sa'yo. Pagod ako ngayon at gusto ko nang magpahinga. Saka, m-masakit ang sugat ko kaya kung pwede ay huwag na tayong magbangayan," aniya rito na pinalambot pa ang aura ng kanyang mukha.
Effective naman yata ang drama niya at biglang gumuhit ang pag-alala sa gwapong mukha nito na napatingin sa kanyang braso. Hindi na naman niya napigilang sumikdo ang puso niya dahil sa nakitang pag-alala nito.
"Kung bakit kasi hindi na lang tayo pumunta sa hospital para magamot nang maayos 'yang sugat mo---"
Hindi na nito natapos ang sasabihin nang wala sa sariling itinaas niya ang kanyang kamay sa mukha nito. Partikular na ang dalawang daliri niya na kusang dumapo sa labi nang binata dahilan para hindi nito naituloy ang sasabihin pa sana.
Nang maramdaman ang malambot at mainit na labi nito na nakadaiti sa daliri niya ay mabilis niyang binawi ang mga kamay at tumalikod dito. "Hindi na kailangan, kaya ko naman ang sarili ko. Kunting pahinga lang ito at magiging okay na ako," aniya na itinuloy ang paglakad at tinungo nila pareho ang malaking kama nito.
"Pero---"
"Shhh! Tama na, okay? Matulog na lang tayo," agaw niya muli rito. "Dito ako, doon ka sa kabila." dagdag pa niya na itinuro ang kabilang bahagi ng kama rito na animo'y siya ang may ari ng kwartong kinaroroonan nila.
Narinig pa niya na mahinang natawa ang binata na nauna nang sumampa sa kama at napasunod na lamang siya nang mahila nito ang kamay niya. Ewan niya kung ano pa ang pumapasok sa utak nito at sa mga gusto pa nitong sabihin sa kanya dahil hindi na niya tinapunan ng tingin ang binata hanggang sa ibagsak niya ang sarili sa malambot na kama nito.
"Hay...this is life," nasambit niya nang lumapat ang katawan niya sa malambot na kama. Napangiti pa siyang ipinikit ang mga mata at ninanamnam ang masarap na pakiramdam na nakahiga sa napakalambot na higaan. Dagdagan pa nang presko at malamig na temperaturang nanggagaling sa nakabukas na aircon na siyang nagtutulak sa kanya na matulog na.
Bigla kasi siyang nakaramdam ng pagod at antok dahilan para hindi na niya nagawa pang imulat ang mga mata at natuloyang nakatulog na nakatihaya sa malambot na kama.
"SILLY," mahinang natawa si Noel na pinagmamasdan ang personal bodyguard niyang mabilis na nakatulog nang ibagsak nito ang katawan sa kama niya.
Malaya niyang pinag-aralan ang maamo nitong mukha na animo'y isang bata kung matulog. Kung pagmasdan itong maigi ay malayong-malayo ang pagkaamo ng mukha nito habang natutulog kaysa gising ang dalaga.
Daig pa kasi nito ang isang mabangis na tigre kung gising ito. At ngayong tulog na tulog ito ay lumabas rin ang tunay nitong ganda. Partikular na kung gaano kaamo ang maganda nitong mukha.
Napangiti siya nang dumapo ang paningin niya sa mapula nitong labi na bahagya pang nakaawang. Ang malambot at mapulang labi na kanikanila lang ay angkin niya.
Sino ang makakapagsabi na ang amazonang babaeng 'to na kung umasta ay may angking maamong mukha at malambot na labi.
A sweet soft lips indeed.
Wala sa sariling nakagat niya ang kanyang pang-ibabang labi. Pakiramdam kasi niya ay nalalasahan pa niya ang tamis ng labi nito nang inangkin niya ito kanina. At ano bang pumasok sa utak niya at hinalikan niya ito kanina?
"Damn you, man! May pagnanasa ka na yata sa kinaiinisan mong amazona," bulong ng isang bahagi ng utak niya dahilan para mapahilamos siya sa kanyang mukha gamit ang isang kamay niya na walang posas.
"Am I?" naitanong niya sarili. "No. No, no, no. Hindi ko siya gusto! Galit lang ako kaya hinalikan ko siya! 'Yon lang 'yon," sagot din niya sa sariling katanungan.
"Galit ka, pero nagustohan mo rin di ba? Aminin," sulsol pa nang malanding bahagi ng utak niya!
"Ofcourse not!"
Bigla niyang naibulalas na hindi napigilan ang sariling magtaas ng boses dahilan para mapaiktad ang dalaga.
Napatakip tuloy siya sa kanyang labi at lihim na humiling na huwag magising ang dalaga. At nang hindi naman ito gumalaw ay dahan dahan niyang inalis ang kanyang palad na nakatakip sa labi niya saka itinukod ang kamay sa ulo niya at tumagilid ng higa habang nakatitig sa dalagang malayang natutulog sa tabi niya.
Nang mapansing may ilang gahiblang buhok na naligaw sa mukha nito ay dahan dahan niya iyong tinanggal saka muling napangiti na pinagmamasdan ang magandag mukha nito. Hanggang sa napabuntong hininga siya habang nakakatitig dito.
Alright, he admit it. Maganda ang bodyguard niya.
Pero rason na ba iyon para patulan niya ang kanyang bodyguard?
"No, Noel. Stay away from her, man," nasambit na lamang niya na sinundan nang malalim na pagbuntong hininga.
At nang dumapo ang tingin niya sa nakabendang braso nito ay tila kinurot ang puso niya. Alam kasi niya na kung hindi dahil sa kanya ay hindi ito mapapahamak. Kaya kahit papaano ay nakukunsinsya rin siya sa pinanggagawa niya sa kanyang bodyguard. Lalo na ang pagpapahirap niya rito na alam naman niyang hindi biro ang responsibilidad nito para lamang maprotektahan siya.
She might hurt herself again just to protect him like what happened today. At iyon ang ayaw niyang mangyari. Ang may masasaktan nang dahil sa kanya.
Muli ay napabuntong hininga siya at napabuga ng hangin na nakatitig pa rin sa maamong mukha nito.
"From now on...i'll be good to you..." nasambit niya at dahan dahang hinaplos ang malambot nitong pisngi.
BINABASA MO ANG
Voice Of Love
ActionNoel Arnaiz was known as a hot and sexy bachelor singer of the Philippines na mas lalong sumikat dahil sa mala-Enrique Iglesias nitong boses. Hindi lang ang boses nito ang mala Enrique Iglesias, kundi kamukha pa niya ang naturang sikat na singer na...