Chapter 26 ( A Nightmare 2 )

911 22 4
                                    

Voice of Love

By: CatchMe

Chapter 26

A NIGHTMARE 2

NANLAKI ang mga mata ni Aileen nang makita ang unti-unting pagtumba ng katawan ng mommy niya sa malambot na kama. Kasabay ng pagkalabit ng lalaki sa gatilyo ng baril nito ay ang mabilis na pagbulwak ng dugo mula sa dibdib ng kawawa niyang ina.

She wanted to scream, pero walang katagang lumabas sa labi niya.

She was shocked, yes. But in the same time she was confused.

Hindi niya lubos maisip kung paano nagkaroon ng sugat ang dibdib ng mommy niya dahil wala man lang siyang narinig na ingay mula sa hawak na baril ng lalaki maliban sa sigaw ng daddy niya.

The man was holding a gun and pointing it to her mom but yet, she didn't heard a sound when he pulled the trigger.

Sobrang bilis ng pangyayari. Parang dinaanan lang ng hangin nang itutok nito ang baril sa mommy niya at natumba na ito kaagad.

At ngayon ang mommy niya ay wala ng malay na nakahandusay sa kama habang puno ng dugo ang katawan nito.

Ang daddy naman niya ay hindi mapigil ang pagbulwak ng mga luha nito habang sinisigaw ang pangalan ng mommy niya.

Her dad looked so helpless and weak while screaming her mother's name as what she was felt in silence. They have the same feeling at that moment.

Ang pagkakaiba lang nila ng daddy niya ay dahil nakatago siya at walang may nakakakita sa kanya.

God knows how she tried her best not make a little noise, kahit na gustong-gusto na niyang maghestirikal sa kanyang nasaksihan.

Her body was shaking in fear and her heart was in pain, but yet she manage to compose herself to be firm.

Pero makakaya nga ba ng mura niyang edad na magpakakatatag sa karumaldumal na kanyang nasaksihan?

"Oh, God... Oh, God...please help us..." she prayed in silence.

Ilang beses siyang napalunok kahit na ikinagat na niya ang kanyang mga ngipin sa kwelyo ng suot niyang damit para huwag makagawa ng ingay sa kabila ng kanyang hindi maipaliwanag na nararamdaman ng mga oras na iyon.

Ngunit muli siyang nag-panic nang humakbang ang lalaking bumaril sa mommy niya palapit sa daddy niya. At doon ay muli nitong itinutok ang dulo ng baril sa ulo ng daddy niya.

Gusto niyang sumigaw at magmakaawa para huwag barilin ang daddy niya ngunit wala talagang kataga na lumabas sa labi niya.

"Oh, good Lord, please...d-don't... Don't let my dad die...please help us..." piping dasal niya habang tila gripo ang kanyang mga luhang dumadaloy sa pisngi niya.

"Hayop ka! Hayop ka talagang demonyo ka!?" sigaw ng daddy niya.

Bahagyang yumuko ang lalaki para magpantay ang mukha nila ng daddy niya na ngayon ay nakaluhod nang tumitingkayad paharap sa lalaki.

Meron pa ring dugo na dumadaloy sa pisngi ng daddy niya at duguan na rin ang suot nitong puting t-shirt maging ang asul na short nito.

Namamaga na rin ang gilid ng labi ng daddy niya na meron ding dugo. Malamang nagkasugat din ang gilid ng labi ng daddy niya maliban sugat sa ulo nito.

"Sasabihin mo na ba sa akin kung nasaan ang Red Book?!" bakas sa boses nito ang otoridad ngunit napasinghap lamang ang lalaki ng matapang itong duraan ng daddy niya sa mukha na siyang mas lalong nagpagalit sa lalaki at napamura ng ilang beses.

Napatuwid ito ng tayo at pinunasan ng palad nito ang pisngi. Nang matapos punasan ng palad nito ang pisngi ay ipinunas naman nito ang palad sa likurang bahagi ng suot na pantalon nito.

Doon niya napansin ang suot nitong singsing sa palasingsingan nito nang kumislap iyon mula sa liwanag na nagmumula sa ilaw. Itim na kristal ang palamuti niyon at may hugis na parisukat. It's an Onyx gem na mas kilala sa tawag na solid black Chalcedony ang suot na singsing ng lalaki.

Pigil niya ang kanyang hininga nang makabawi ang lalaki at galit na namang humarap sa daddy niya.

He raised his gun again against her father's head.

"Huling pagkakataon mo na ito, Balanza. Binabalaan kita, huwag mong ubusin ang pasinsya ko!"

Anger was in his voice as he pointed the gun against her father. Ang daliri nito ay nakaambang na para kalabitin ang gatilyo ng baril kung saka-sakaling magmatigas pa ang kanyang ama.

But her dad had his dignity as his eyes looking straight on the mans' face. Parang handang mamatay ang daddy niya alang-alang sa pulang libro na hinahanap ng lalaki sa kanyang ama.

Ano ba ang meron sa librong iyon para ibuwis ng daddy niya ang buhay nilang mag-anak? Hindi pa ba sapat ang sinapit ng mommy niya at pati ang ama niya gusto pang patayin ng mga armadong lalaking ito?

"Isang tanong, isang sagot, Balanza! Nasaan ang Red Book?!"

"Kahit p-patayin mo man ako, wala kang makukuha sa akin!" matapang na sagot ng daddy niya.

Napasigaw ang lalaki sa sobrang galit at pinukpok ng baril ang ulo ng daddy niya dahilan nang pagkabagsak nito sa sahig. At hindi pa nakuntinto't sunod-sunod na pinababaril ang daddy niya.

Hindi siya nakatiis nang makitang halos maligo na ang daddy niya sa sarili nitong mga dugo't walang malay na nakahandusay sa marmol na sahig nila.

Napasigaw na siya at hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas para ibalya pabukas ang aparador kung saan siya naroon.

Her face was like an apple red and her eyes was full of tears running down her cheeks, her hair was messy as she keep screaming on her dad's name.

Sandali lang nabigla ang mga armadong lalaki maging ang boss ng mga ito nang bumulaga siya at patakbong lumapit sa daddy niyang tila wala ng buhay.

She cried as if there's no tomorrow.

Ni hindi niya alam kung makakatayo pa ba siya mula sa pagkakayakap niya sa duguang katawan ng daddy niya para lapitan din ang katawan ng mommy niya.

Nangininginig ang buong sistema niya at maging ang mga tuhod niya nanghihina.

She cried her parent's names as she burried her face on his father's bloody chest. Until she heard that devil's voice that made her raised her face to see him.

"Kill her too!" he said and fear was on her face as she shake her head.

Isa sa mga armadong lalaki ang lumapit sa kanya at itinutok ang hawak na baril sa kanya. Kitang-kita pa niya ang tatoo nito na mabangis na ahas na nakapulupupot sa naka-expose na braso nito papunta sa mga kamay nito.

His finger was on the trigger of the gun that made her body shakes in fear.

"Huwag po...please, huwag po---" hindi na niya natapos pa ang pagkakamaawa nang umusok ang dulo ng baril na nakatutok sa kanya.

Isang segundo lang ay naramdam niya ang matigas at mainit na bakal na bumulusok sa tiyan niya. Kasabay niyon ay ang mainit na likidong bumulwak doon at ang pagparalisa ng batang katawan niya at ang pagbagsak niya sa malamig na sahig ng kwartong iyon ng magulang niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Voice Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon