Chapter 1

2.5K 39 1
                                    

Voice of Love

By: CatchMe

Chapter 1

JANIUAY, ILOILO. Alas singko pa lamang ng umaga ay gising na ang binatang singer na si Noel. Napaunat siya nang tuluyang makabangon sa kama at mabilis na nagpalit ng damit. Plano kasi niyang mag-jogging ngayong umaga habang wala pang gaanong tao sa plaza. Malapit lang kasi ang kanilang bahay sa plaza. Pagkatapos mag bilis ng ternong cotton na gray jogging pants at sleeveless shirt na may hood ay agad na siyang bumaba.

Naghilamos muna siya at nagsepilyo ng ngipin bago tuluyang lumabas ng bahay.

"Woohh!" mahinang sambit ng binata nang sumalubong sa kanya ang presko at malamig na hangin.

Isinara niya muli ang gate ng kanilang bahay at nag-stretching muna sa kalsada ng ilang minuto. Pagkatapos ay nagsimula na siyang magjogging patungo sa gawi ng plaza.

KALAT na ang liwanag nang mapahinto si Noel sa pagjo-jogging. Hindi niya maiwasang mapangiti ng karamihan sa kanyang nakakasalubong ay napapalingon sa kanya.

Meron pang napapahinto at sadyang tumayo malapit sa kanya para pagmasdan siya. Partikular na ang mga babaeng nag-jo-jogging din sa plaza. Napailing na lamang siya at de-ni-ed-ma ang mga ito.

Umupo ang binata sa isa sa mga bench ng plaza at nag pahinga muna. Habang ang mga babaeng nakatanaw sa kanya ay tila kinikiliting nakatingin sa kanya.

"Women..." mahinang sambit niya na pinunasan ang pawis gamit ang maliit na towel na kanyang baon.

"Hi, can I join you?"

Napalingon siya sa kanyang likuran nang marinig ang malamyos na boses ng babae. Napangiti siya nang masilayan ang maamong mukha nito na halatang pinipigilang kiligin nang ngumiti siya rito.

"Yeah, sure."

"Thanks, bago ka lang dito?" tanong nitong naupo sa kanyang tabi.

Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang sumimangot ang tatlong babaeng hindi kalayuan sa kanila ng tumabi ang magandang babae sa kanya.

"Taga-rito rin ako," nakangiting sagot niya.

Tila naman nalaglag ang panga ng kanyang katabi nang ngumiti siya ng ubod tamis dito. Natulala pa ito dahil hindi na yata kumurap at bahagya pang nakaawang ang labi nito.

"Hey! Okay ka lang ba?" pukaw niyang hinawakan sa kamay ang dalaga.

Tila naman nahimasmasan ito at napakurap ng ilang beses bago nanlaki ang mga mata.

"Why?" nagtatakang tanong niya.

"You look so familiar!" bulalas nitong napahawak sa baba.

"Really?" naamuse niyang tanong dito. Natural lang naman na mapansin siya ng lahat kung titigan siya ng malapitan. Dahil isa siyang sikat na singer sa bansa at halos araw araw na yatang lumalabas ang kanyang mukha sa telebisyon.

"Are you, Noel Arnaiz?!"

"Ha?" ani niyang hindi napigilan ang mapatawa ng mahina. Sabi ko na nga 'eh. Talagang makikilala ako kahit gaano man kasimple ang isuot ko. "Hindi.." napailing na sagot niya.

"But, you look like him." insist ng dalaga.

"Yeah, marami nga ang nagsabing may kamukha daw akong singer." kibit balikat na sagot nito. Lihim niyang kinastigo ang sarili dahil kailangan pa niyang magsinungaling. Nandito siya para mag relax, at hindi para dumogin ng kanyang mga fans.

He needs peace of mind, dahil magulo ang utak niya sa kakaisip sa babaeng kanyang minamahal na si Frelyn. Kung hindi pa nga siya kumanta sa kasal ng pinsan niyang si Rebecca ay hindi pa siya makauwi ulit sa Iloilo. And yeah, malaki ang naitulong ng isang linggo nilang pagbabakasyon dito sa kanilang probinsya. Dahil kahit papaano ay narelax naman ang kanyang utak sa kakaisip kay Frelyn. Ang babaeng matagal na niyang nililigawan, ngunit hindi naman siya nito sinasagot. Naniniwala pa rin kasi siya na matutunan pa rin siyang mahalin ng dalaga balang araw.

Voice Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon