Ang Ikadalawampu't Tatlong Kabanata

144 3 0
                                    

Nang ihatid siya ni Rod sa kanila'y may nakaparadang tricycle sa kanilang gate. Dalawa lang iyon, maaaring may bisita ang kanyang lolo na kainuman o mayroon nagpapagawa rito ng salamin para sa sidecar---sideline nito kapag may sapat na oras.

"May bisita ang matatanda?" Tanong ni Rod habang nakasunod. Nagkibit lamang siya ng balikat at nagpatuloy sa paglakad.

Bumubungad pa lamang sila ay naririnig na niya ang bangayan sa pagitan ni Azon at isa pang tinig na pamilyar sa kanya. Nilingon niya ang binata na nakatingin sa pinanggagalingan ng mga tinig.

Halos takbuhin ni Margarette  ang sala. Ano ang ginagawa rito ng kanyang ina? Bakit nagtatalo ang dalawa? Ang kanyang lolo nasaan? Sunud-sunod na mga tanong na hindi niya kayang sagutin.

Pagbukas niya ng pinto ay napahinto ang dalawa at napatingin sa kanya. Pinaglipat-lipat niya ang tingin kina Azon at Lisa. Hindi niya alam ngunit wala siyang nararamdamang excitement o tuwa pagkakita sa kanyang ina. She would be a brat but that's the truth.

"Rita!" Nakaplastar na ang ngiti sa labi ni Lisa. Lumapit ito at yumakap sa kanya. Gumanti rin siya ng yakap bilang pagbibigay galang.
"Kamusta ka na anak?" Tanong pa nito ngunit hindi na niya iyon nasagot dahil lumipad ang tingin nito sa binata.

"At sino naman ang magandang lalaking ito?" Nasa mukha ni Lisa ang obvious na paghanga para kay Rod.

"Rod, meet my mother. Mama, si Rod Samente..." pagpapakilala niya. Pagkatapos ay nilapitan si Azon dahil tila nahahapo itong naupo sa sofa. Agad siyang kumuha ng tubig at inabot sa matanda.
"Ayos lang po ba kayo?"

"I'm Lisa Gonsalez, you can call me anything 'wag lang tita," tumawa ito. Tawang lahat ay mahuhumaling dito. Nagkamay ang dalawa. Hindi nakalusot sa paningin niya ang hindi pagbitaw ni Lisa sa kamay ng kasintahan.

"Paano kayo nagkakilala ng anak ko, Rod?" Wika nito sa pinakamapang-akit na tinig.

"She's my girlfriend, ma'am. Humihingi ako ng paumanhin kung hindi ko naipagpaalam sa inyo."
Nawala ang ngiti ni Lisa at binitiwan ang kamay ng binata.

"Nasaan ang lolo?" Muling tanong ni Margarette kay Azon. Sa pagkakataong iyon ay naroon na rin si Rod upang umagapay sa matandang nakahawak sa dibdib.
May sakit sa puso ang kanyang abuela at anumang oras ay maaari itong maatake!

"Inatake dahil sa kagagawan ng babaeng iyan!" Sagot nito. Nanlilisik ang mga matang nakatutok kay Lisa kulang na lang ay manakit. "Mabuti na lamang at hindi nakasama sa lolo mo ang atake nito... nasa kwarto siya at nagpapahinga." Sunud-sunod ang paghinga nito. Mabilis na inalalayan ni Rod ang matanda.
Nakadama ng takot si Margarette. Baka may mangyari sa dalawang matanda! Paano ang gagawin niya?

"Margarette, mag-impake ka na dahil sa Maynila na tayo titira!" Utos ni Lisa. Nagulat ang dalaga. Hindi makapaniwala sa narinig. Ngunit mas ang gulat sa mukha ni Rod.

Humagulhol ng iyak si Azon. Sa unang pagkakataon ay nakita niya itong umiyak nang ganoon.

"Hindi ako sasama!" Mabuway niyang sabi sapagkat hindi niya mapipigil ang ina kapag ito na ang nagdesisyon pagdating sa kanya.

Mabilis na nakalapit si Lisa at hinatak siya patayo. Tama ang hinala niya tungkol sa ina at hindi iyon nabago ng mga taong nagdaan.

Pahatak siyang dinala ni Lisa sa kwarto at naabutan niyang nag-iimpake ang dalawang kapatid.

"Mag-impake ka ngayon din, Rita! 'Wag kang matigas ang ulo!" Padarang na binitawan ang dalaga.

"Hindi ako sasama sa iyo, mama!" Protesta pa niya.

"Walang magagawa ang lola mo sa gusto mo! Mas papanigan ako ng batas dahil ako ang ina at karapatan ko iyon!"

She groan in frustration. How she hates that kind of law! Ang muli niyang pagpoprotesta ay naputol nang magsalita si Junior.

Ikaw Ang Pinili Ko, Ikaw Ang Mahal Ko(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon