"MARGA!" Tila kulog iyon sa pandinig niya. Ngunit hindi man lang lumilingon ang dalaga. Mas binilisan pa ang paglakad hanggang sa mahawakan ito sa braso. "I told you to stop! You always keep on running!" Naiiritang dagdag pa ng binata.
"Eh, de 'wag kang humabol! Simple!" Kung galit ito, mas na galit siya. Walang karapatan ang lalaking itong sigaw-sigawan siya at sa pampublikong lugar!
Lahat ng napapadaan ay pinagtitinginan sila, ang iba ay lihim na napapangiti.Agad ang pagpula ng mga pisngi niya. Iniisip ba ng mga taong ito na magkasintahan sila at may lover's quarrel? Napasinghap siya at napatingin sa binata.
Si Rod ay nakangising nakatitig sa kanya, para siyang tinutuya.
"Kung ayaw mong isipin ng marami na magkasintahan tayo, sumama kang maayos!" Humigpit ang hawak nito sa kanyang braso at halos itulak papasok ng kotse.Habang nasa biyahe ay walang kibuan ang dalawa. Panaka-naka niya itong nililingon, seryoso sa pagmamaneho at parang hindi kumukurap, nakatagis ang mga bagang na para bang isa itong hayop at handa siyang sakmalin!
Bigla ay marahas na nagpreno si Rod na muntik nang ikinasubsob ng kanyang mukha sa dashboard kung hindi agad ito nagkaroon ng mapanghahawakan.
"Ano bang problema mo! Kung gusto mong mamatay mauna ka!" At pilit na binubuksan ang pinto ng kotse ngunit naka-automatic lock ito.
"You are not marrying that bullshit!" Galit itong humarap sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Don't ever think about it, Margarette!"
Naningkit ang mga mata niya. Wala itong karapatang makialam sa kung anuman ang gustong gawin niya!
Itinulak niya ito at pinakawalan ang sarili mula sa binata. "Ano ang karapatan mo para panghimasukan ang mga desisyon ko sa buhay! Ikaw na rin ang nagsabi dating magkakilala tayo, hindi ba?" Pinakadiin-diinan nito ang huling sinabi.
Tila tigre ang mukha ng binata na nakatitig sa kanya at lalapain siya ng buhay. Ngunit nakahanda siya para doon. Tinaasan niya nang bahagya ang mukha upang bigyan ng diin ang mga sinabi.
"Hindi ka maaaring magpakasal sa lalaking iyon at ako ang masusunod sa ayaw o sa gusto mo, Margarette!" Tila kulog ang tinig nito dahil sa galit.
Pero mas na nagagalit din siya kaysa natatakot. Hindi siya magpapatalo! Patutunayan niyang hindi na siya ang estudyanteng Margarette na nakilala ng lalaki five years ago!
"Magpapakasal ako s a kahit kanino mang lalaki nang wala ang iyong permiso, Rod Samente!"
"Ah, gano'n!" Pagkasabi niyon, umangat ang isang kamay nito patungo sa batok ng dalaga, hinatak palapit at marahas na siniil ng halik ang mga labi.
Ang mga kamay niyang handang itulak ang binata ay nakulong sa magkadikit na dibdib nila ni Rod. Halos hindi niya makuhang huminga sa paraan ng halik na ginagawa ng lalaki, mapanakit at tila gumaganti! Napaungol siya sa sakit. Hindi ito humahalik kundi nagpaparusa. Buong pwersa niya itong itinulak palayo pero tila siya tumitibag ng malaking bato!
Nang sa pakiramdam niya'y wala nang lakas ang katawan, na balewala ang panlalaban, huminto siya at nagpaubaya.
Ang dalawang kamay ni Rod ay nasa kanyang mukha habang hinahagkan siya nang mariin, bawat sulok ng kanyang labi. Hindi nagbago ang paraan ng paghalik nito gayunman, dinadama, ninanamnam ang bawat sulok ng kanyang bibig na tila ba kay tagal nitong pinanabikan iyon.
She was so helpless and enchanted at the same time. It felt like she doesn't want it to stop. That all the years had lost and wasted only for nothing suddenly disappeared and became just a memory of the past.
Hindi na niya napigil ang sariling hagkan rin ito. She was panting and moaning at the same time. Wild and wanton.
Ilang sandali pa ay binitiwan ni Rod ang kanyang mga labi sa panghihinayang nito at dumaing bilang pagtutol.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Pinili Ko, Ikaw Ang Mahal Ko(COMPLETED)
RomanceNamulat si Margarette sa munting pantasya na balang araw ay magkakaroon din siya ng "prince charming". At nakita niya iyon sa katauhan ni Jordan. Ngunit tila may kulang. At nang matuklasan niya ang panloloko nito ay lahat ng pantasya niya ay biglang...