Ang Ikalawang Kabanata

1.5K 31 0
                                    

"TO ALL students who wants to join different activities for our Intramural's day, please inquire our incharge....." anunsyo ng college Dean matapos ang flag ceremony.

Anunsyo iyon para sa Intramural's Day na gaganapin sa susunod na linggo. At hindi niya pa iyon naipagpaalam sa lola niya!
Tiyak niyang hindi siya papayagan nito. Iisipin lang nito na nagsisinungaling siya at gusto lang maglakwatsa.

Nasa pangatlong taon na siya ng highschool, edad labing-anim at mandatory ang program na iyon. Mamaya na lamang niya iisipin kung paano magpapaalam sa kanyang lola Azon.

Sinuyod niya ng tingin ang mga kapwa estydyante. Mula highschool, BSED, BSCRIM, BSIT at BSA---college department, naroon lahat nakapila.
Kahit paano, isang maunlad na paaralan ang Cagayan State University o CSU sa bayan ng Piat. Kapag may gatherings ang eskwelahan ay nakakayanan naman ng budget kahit na government school ito. Hindi nagkukulang ang eskwelahan sa pagbibigay ng iba't ibang activities para sa mga estudyante nila. Hindi iyong puro aral lang, minsan kailangan din mag-enjoy. Tulad na lang niya kapag may pagkakataon ay sumasali siya sa dance contest. At ang pinakagusto niya ay ang cash price na natatanggap kapag nananalo. Galante ang eskwelahan sa part na iyon. Kahit madaming nagsasabing pangmahirap lang ang paaralan, she knows better!

Ibinalik niya ang tingin sa mga Criminology students nang walang makitang guwapo sa ibang college department. Natuon ang mga mata niya sa isang lalaki roon na matamang nakatitig sa kanya!

Tinitigan niya ang lalaking hindi naman nakangiti, hindi rin nakasimangot. Gusto niyang mag-iwas ng tingin, ngunit tila hindi rin naman niya magawa. Hindi sa dahil siya nahipnotismo, kundi gusto niya titigan ang guwapo nitong mukha.
Matangkad ito. Six footer. Ang edad nito ay kung hindi siya nagkakamali ay nasa mid-twenties. Ang balat nito ay kulay bukayo. Halatang babad sa araw. Ang kulay maroon nitong damit na may logo ng paaralan sa kaliwang dibdib ay hapit sa katawan kumpara sa iba. Halos nakikita niya ang mga muscles nito sa tiyan. Nakarubber shoes ito ng puti at pantalong hapit din sa mga binti.

Napasinghap siya. The guy was extremely handsome but rugged. Definitely not her type pero hindi niya ipagkakamali ang atraksyon dito. And that's ridiculous! At sabihing noon lang niya ito nakita at wala pa marahil isang minuto!
Hindi malaman ni Margarette kung totoo ang ngiti nito o nangtutuya.

Nagulat pa siya nang dagilin siya ni Amifaye----classmate at bestfriend niya. "Beshy, anong sasalihan mong program sa sports?" Tanong nito. "Magsasayaw ka ba?" Nanunukso ang tinig nito.

Umikot ang mga mata niya. Mahilig siyang sumayaw at kung may pagkakataon ay sumasali siya sa dance competition sa loob ng eskwelahan at inililihim niya iyon sa kanyang lola dahil nga para sa matanda ay gastos lang iyon.

Napilitan siyang ituon ang atensyon sa kaibigan.
Nagkibit siya ng balikat. "I'm not sure, but I like the idea."

Tumangu-tango ang kaibigan niya.
"Naipalista na kita sa secretary in-charge." Bigay impormasyon nito. "Alam kong may sasalihan ka."

"Oh, yeah, without my knowing!" Halos umikot ang mga mata niya. Hindi malaman kung maiirita o matutuwa sa ginawa ng kaibigan na hindi man lang muna nagpaalam sa kanya bago gumawa ng ganoong hakbang.

Tumawa ng malakas ito. "Gusto ko naman na may manalo sa department natin, ano." President ito ng highschool department. Ag kaya lang naman ito nanalo sa eleksyon ay dahil may boyfriend itong taga college department na kilala sa buong eskwelahan isama pa na mayaman ang lalaki.

"Alam kong kaya mong gawin iyan kahit wala akong salihang contest, Ami." Hindi niya gustong manudyo pero iyon ang lumabas sa tinig niya.

Lumabi si Amifaye. "Hindi naman hawak sa leeg ni Norman ang mga Dean. Nakakapandaya iyon pero hindi sa mga co-teachers at coordinators ng mama niya." It said with a shy smile.

Ikaw Ang Pinili Ko, Ikaw Ang Mahal Ko(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon