Ikadalawampu't Siyam na Kabanata

202 7 2
                                    

Nakangiting nagmulat siya ng mga mata. Liwanag ng sikat ng araw ang gumising sa kanya. Hinanap ng kanyang mga kamay ang unan at niyakap iyon, nakahandang umidlip muli nang bigla ay may maalala. Napabangon ito. Nasa ibang bahay nga pala siya!

Inihilamos niya ang palad sa mukha. Sinuri ang paligid at may nahagip itong dalawang maletang kanyang pag-aari! Ang mga gamit niya!

Kay bilis namang ipinadala ng kanyang abuelo at abuela ang mga iyon. May gumuhit na kirot sa dibdib niya. Marahil ay gusto na ng mga itong umalis siya.

Kanyang nilapitan ang maleta at kumuha roon ng walking short at blouse. Dumeretso siya sa banyo upang maligo.

Pagbaba ay dumeretso agad siya sa dining area. Doon ay nabungaran niya si Rod na nagkakape.

"Good morning, Marga," nakangiting bati nito.

Hindi niya madisisyonan kung gaganti ba siya ng ngiti o hindi. Ngunit kay hirap naman yatang tanggihan ang isang ito sa pagkat hindi pa nakapag-aagahan ay ngiti pa lang nito ay busog na siya!

Sa huli ay nginitian ang binata. "Morning..."

Nagpatimpla si Rod ng kape para sa kanya at ito na rn ang naglagay ng pagkain sa pinggan.

"Nilutong lahat ni Aling Esther iyan,"

Nakaramdam agad siya ng gutom dahil sa sangag na madaming bawang, daing, home-made tocino, pulang itlog at kamatis.
"Hindi ka raw bumaba kagabi para sa hapunan."

"Hindi ko namalayang nakatulog ako..."
Humigop siya ng kapeng dinala ng katulong habang sumusubo ng pagkain.

Totoong masarap ang mga hinandang pagkain kaya hindi na niya napigilang maparami ang kinakain. At imbes na magktsara ay nagkamay siya. Nagpakuha pa ang dalaga ng toyo na may kalamansi at doon isinawsay ang tocino, hindi tulad ng kinakain niyang tocino sa kanila, ang gawang tocino ni Aling Esther ay hindi mataba mas maraming laman.

"Toyo at kalamansi?" Tumaas ang isang kilay ng binata habang pinagmamasdan itong kumakain na may kasiyahan.

"Kung ang tapa ay sa suka ng Ilocos, ang tocino naman ay sa toyo at kalamansi." Nakatawang sagot ni Margarette.

"Nice experiment, huh?" Ngumuso lamang siya at nagpatuloy sa pagkain.

"Mabuti naman at nagustuhan mo ang mga niluto ko, hija." Si Aling Esther nang dumating.

"Masarap ho talaga at marami akong nakain..." nahihiya niyang tugon.

Iwinasiwas nito ang mga kamay, "'Ku! Wala iyon. Siya, maghugas ka na ng kamay roon at mukhang may lakad kayo ni Rod."

Nilingon niya ang binata upang itanong rito ang ibig sabihin ni Aling Esther ngunit mabilis siya nitong sinagot.
"Ipapasyal kita sa buong farm." Iyon lang at tumayo na ito dala ang kape at tinungo ang veranda.

"ANG lawak ng inyong lupain..."

Napakalakas ng hangin at hindi alam ni Margarette kung narinig pa siya ng binata. Aminado siyang mas malawak ito kaysa sa lupain ng kanyang lolo. Kung sa abuelo ay taniman ng mga palay, mais at tabako, ang kay Rod naman ay tubo.

"Hindi ba mahirap iyan?" Inginuso ng dalaga ang mga  nagtitibag ng mga tubo sa di kalayuan. Sa lawak niyon malamang na hindi kayang tapusin ng maghapon iyon kahit na ba trainta katao ang gumagawa.

Sabi sa kanya ng abuelo niya, ang pinakamahirap na gawain sa lahat ay ang pagtutubo. Dahil maliban sa madaming proseso, hindi rin madali ang magtibag nito. Kaya nga mais at palay lang ang tinatanim ng kanyang abuelo. Siya na rin ang sumagot ng kanyang tanong.

"Ang lugar na ito ay sakop ng bayan ng Sta. Barbara. Ito ang hacienda Leoncia. Ipinangalan sa namayapang lola ng aking ama. Nang mawala ang mga magulang ko ay nahirapan akong itaguyod muli ang lupaing ito," sinuyod ng tingin ang lupaing pag-aari nito. "Sa tulong ng mga tauhan ay unti-unting nakabawi ang farm."

Ikaw Ang Pinili Ko, Ikaw Ang Mahal Ko(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon