NAPALINGON mula sa sala si Aling Esther nang marinig ang nagtatawanang mga tinig nina Rod at Margarette. Agad itong lumapit at sumalubong.
"May bisita ka at kanina ka pa hinihintay, hijo," anito kay Rod.
"Sino daw?" Walang anumang wika ng binata. Nag-utos sa isang katulong ng kamiseta. Hinubad ang basang damit at basta na lang itinapon ito sa sofa.
"Why, darling, do you expect somebody else?"
Magkasabay na umangat ang tingin nina Rod at Margarette sa malaking hagdan kung saan nakatayo roon ang sinasabing bisita ng binata. Si Zara.
Very beautiful as ever. The way she is standing seductively at the grand stair. Her eyes were fixed on Rod.
Ang ngiti sa labi ni Margarette ay biglang naglaho. Ang excitement at anticipation na kanyang naramdaman kaninang magkasama sila sa dagat ay naglaho rin.
May umusbong na pagkainggit sa dibdib niya. May kanya-kanyang ganda ang bawat tao, alam niya iyon. Ngunit ewan ba kung bakit niya iyon nararamdaman. Dahil ba aminado siyang hindi siya kasing ganda at sexy ni Zara? O baka naman naiinggit ka sa kung paano ito titigan ni Rod?
Wala sa loob siyang napalingon sa binata. Kitang-kita sa mga mata nito kung gaano kalaki ang paghanga kay Zara na para bang isang alipin sa kanyang panginoon.
Hindi niya alam kung saan nanggaling ang kirot na kanyang nadama. Para bang papel na pinagpira-piraso ang kanyang puso.
Bumaba mula sa hagdan si Zara habang hindi inaalis ang mapanuksong tingin kay Rod. Ang dibdib nito ay sumasabay sa imbayog ng katawan, sinasadya man iyon o hindi, aminadong wala siyang panama sa babaeng ito.
Nang makalapit ito kay Rod ay parang ahas na pumulupot ang mga braso nito sa leeg ng binata pagkatapos ay matamis na hinagkan.
Inaasahan na niya ang gagawin ng dalaga o ni Rod rito. Ang hindi niya inaasahan ay ang epekto niyon sa kanya. Hindi namalayang pinipigil na pala niya ang kanyang hininga.
"I missed you, darling, so much..." Zara blurted with trained seduction and kiss him again. This time, in full mouthed.
Walang kibong tinungo ni Margarette ang silid. Kung magtatagal siyang nakatayo at nakatitig sa dalawa ay baka himatayin siya! Nararamdaman niya ang kabog ng dibdib at tila nasa kanyang lalamunan ito.
Kung lumingon lang sana ang dalaga ay nakita na nito si Rod na nakasunod ang tingin. Sa mga mata nito ay panlulumo at panghihinayang.
NANG gabing iyon ay hindi siya bumaba para sa hapunan. Nang pasukin siya ni Aling Esther ay nagkunwang tulog siya. Alam na makakasabay niyang kumain ang dalawa at hindi niya bibigyan kasiyahan si Rod na makita siyang nasasaktan!
Kahit nasa loob siya ng silid at nasa pool side ang dalawa, naririnig pa rin niya ang tawanan at halakhakan ng mga ito. At naiinis siya!
Niluwagan niya ang dibdib. Isinuksok ang sarili sa makapal na comforter at ipinikit ang mga mata. Alas-diyes na nang gabi. Dalawang oras na ang nakakaraan at hindi pa bumabalik si Rod mula sa paghatid kay Zara sa tinitirhang unit nito.
Pipilitin niyang makatulog kahit pa nga ba ang gumugulo sa isip niya ay ang kasama ni Rod ay ang babaeng iyon at ginugugol ang bawat sandali sa condo nito o baka abutin pa ito roon hanggang mag-umaga.
Gumawa iyon ng kirot sa dibdib niya. Ang isipin ang ginagawa ng mga ito sa oras na iyon ay tinik sa kanyang dibdib! Kung paano karinyuhin ni Rod ang ibang babae at hindi siya... Oh god, it makes her insane at the thought of it!
Kung kailan nakukuha na ni Margarette ang tulog saka naman niya narinig muli ang tunog ng sasakyan ni Rod. Senyales na nakabalik na ito. Narinig niya ang pagsara at pagbukas ng sasakyan nito pagkatapos ay ang pinto sa entrada.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Pinili Ko, Ikaw Ang Mahal Ko(COMPLETED)
RomanceNamulat si Margarette sa munting pantasya na balang araw ay magkakaroon din siya ng "prince charming". At nakita niya iyon sa katauhan ni Jordan. Ngunit tila may kulang. At nang matuklasan niya ang panloloko nito ay lahat ng pantasya niya ay biglang...