Hinintay muna ng binata na mailapag ng waiter ang inumin bago nagsalita, "Kailan mo ako sasagutin, Marga?"
Gusto niyang matawa sa tanong. Pagkatapos ng ginawa nitong pag take advantage sa kanya ay nagawa pa nitong magtanong ng gano'n. Pero hindi na ipakikipag-usap ni Margarette iyon.Tumikhim siya. Inabot ang baso ng tropicana juice at sumimsim. Hindi niya alam ang sasabihin sa binata. Paano ba sinasabi ang bagay na iyon nang hindi mapapahiya ang isa? But she decided to tell anyway.
"Sinabi ko na sa iyo, Jordan, hindi ako nakikipagboyfriend sa may karelasyon na. Tyka ayaw kong malaman ng lola ko dahil kapag nagkataon ay pahihintuin ako sa pag-aaral."
Wala naman sinabing gano'n ang matatanda, ngunit sa pag-uugali ng lola niya ay baka gano'n na nga ang gawin nito.Hinawakan ni Jordan ang kamay niya at pinisil. "Isa lang ang masasabi ko, Marga, hindi kita sasaktan. Kung gusto mo ay ilihim natin ang relasyon natin kung iyon ang makakapagpanatag sa damdamin mo, walang problema sa akin..."
Gusto niya ang kung paano binibigkas ni Jordan ang mga salita. It suits her. Pero gusto ba niyang ilihim sa lahat ang relasyon nila? May babae bang may gusto ng gano'n? Hindi niya pinangarap ang makipagrelasyon ng maaga. Pero kung may darating man ay tatanggapin niya ito ng walang pasubali at hindi nagtatago.
"Hindi gano'n ang gusto kong mangyari, Jordan, ang sa akin lang naman ay sana tuluyan ka ng nakarecover kay Margie Ann..."
Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki. Bahagyang nabigla. "P-paano mo nalaman ang pangalan niya?"
Noong nakaraang linggong nagpunta siyang mag-isa sa library, nakasalubong niya si Jaylord. Hinintuan siya nito at sandaling nakipagkwentuhan sa kanya. And then out of curiousity, naitanong niya rito si Jordan.
"Nasa boarding house kasama si Margie Ann, 'yong girlfriend niya," kaswal na tugon ni Jaylord. Naisip niyang baka ang alam nito ay may nasabi na sa kanya si Jordan. Nagpatuloy ito sa pagkwento.
"Ewan ko ba roon sa dalawa panay ang away at bati.""K-kailan pa sila nagkabalikan?" May tila biglang galit siyang naramdaman.
Nagkibit ito ng mga balikat. "Malay ko." Sandaling nag-isip bago muling nagpatuloy. "Pero noong mismong araw na ihatid ka niya rito sa eskwelahan ay nagtungo sa boarding house si Margie Ann, hinanap si Jordan. At nang magkita ang dalawa ay parang walang away na nangyari. Lihim ko pa ngang kinausap iyong pinsan ko tungkol sa iyo. Ang sinabi niya'y wala naman namamagitan sa inyo at inihatid ka lang naman talaga."
Pinagdarasal ni Margarette na hindi makita sa mukha niya ang paghihimagsik ng loob. Pagkatapos siyang nakawan ng halik ni Jordan nang araw na iyon ay nakipagbalikan pala ito sa girlfriend! Ilang araw na hindi nagpakita si Jordan sa kanya at nawala na rin ito sa isip niya at pagkatapos ay heto na naman. Biglang sumulpot.
Ngunit hindi na niya sasabihin ang pag-uusap nilang iyon ni Jaylord tutal ay matagal naman na iyon."Marga?" Putol ni Jordan sa daloy ng isip niya.
Umangat siya ng tingin rito. "Nasabing minsan ni Amifaye.. " tumango lamang ang binata. Ang kaninang nakaguhit na tensyon sa mukha ay nawala at napalitan ng ngiti na hindi rin naman umabot sa mga mata. He's gorgeous but something's missing. O baka naman natural na ritong gano'n ngumiti.
"So, tayo na?" Wika nitong muli. Hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya na para bang nagsasabing naghihintay ito ng magandang sagot.
Hindi kaya masyado naman mabilis kung sasagutin niya ito agad?
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Pinili Ko, Ikaw Ang Mahal Ko(COMPLETED)
RomanceNamulat si Margarette sa munting pantasya na balang araw ay magkakaroon din siya ng "prince charming". At nakita niya iyon sa katauhan ni Jordan. Ngunit tila may kulang. At nang matuklasan niya ang panloloko nito ay lahat ng pantasya niya ay biglang...