Ang Ikalabing-Apat na Kabanata

803 52 0
                                    

Hindi na nakarating sa pandinig niya ang iba pang sinasabi ni Rod. Napakalapit ng mukha nito sa mukha niya. Tila hangin sa dagat ang hininga nito na pumapaypay sa pisngi niya. Bakit ba parang kay bango ng hininga nito? Ganito ba ang lahat ng kalalakihan? No. Dahil makailang beses na siyang hinagkan ni Jordan ngunit hindi ganito ang naramdaman niya.

"Hey! Are you still listening?" Sa inis ng binata ay basta na lang siyang binitawan. Kung hindi nakabalanse si Margarette ay baka tumumba siya sa damuhan.

Napahawak sa batok si Rod at tumingala habang nakapikit. Halos maglabas ng hindi magandang salita ang bibig niya. Kanina ay halos ipako niya ang sarili sa upuan upang huwag sundan ang dalaga. Makalipas lamang ang ilang sandali ay hindi siya nakatiis at pinuntahan ito sa classroom nito.
He was crazy to think that Margarette would believe him.

"I'm sorry..." she started in small voice. "I very appreciate what you're doing... but in the end I will still listen to Jordan because he's my boyfriend."
Natigalgal si Rod. Wala sa loob na napaatras ito ng isang hakbang. Umalingawngaw sa pandinig niya ng paulit-ulit ang binitawang salita ng dalaga.

"For the second time, Rod," pagpapatuloy ni Margarette sa matigas na tinig. But deep in her heart of hearts she was hurting.
"Please, leave us alone."

Matagal nang nakaalis si Margarette pero nakatanaw pa rin siya sa dinaanan nito na tila ba magbabalik ito at babawiin ang mga nasabi. Hindi makapaniwala si Rod sa nakitang determinasyon sa mukha ng dalaga. Ganoon ba nito kamahal ang walang kwentang lalaking iyon? He doesn't deserve it! Hindi ang isang tulad ni Jordan ang nararapat kay Margarette! At sino ang nararapat? Ikaw? Halos isumpa ni Rod ang sarili sa sama-samang galit, frustration at insekyuridad.

Miyerkules, dalawang araw bago ang JS prom, nagtungo ang mag-lola sa bayan upang mamili ng maisusuot niya para sa party. Bahagya lang nabawasan ang excitement niya nang magkaroon ng pagtatalo sa pagitan nila ng kanyang lolo kagabi nang sabihin niya ang gaganaping programa sa eskwelahan.

"Susunduin ka ba ni Rod Samente?" Wika ng matandang lalaki habang sumusubo ng pagkain. Kasalukuyan silang naghahapunan.

"Paanong nasama na naman si Rod sa usapan, lolo?" Naiiritang sagot ni Margarette. Simula nang makilala niya si Rod ay walang araw na hindi niya naririnig ang pangalan ng hudyo!

"Gabi ang oras ng party, Rita." His voice reprimanding. At laging ang palayaw niya ang ginagamit nito kapag ganoong seryoso ito sa pangangaral sa kanya. Ang kanyang lola at lolo ang tanging gumagamit ng pangalan niyang iyon.
"Hindi ako papayag na pumunta ka roon mag-isa at uuwi rin mag-isa!"

She let out a deep sigh. Inayos ang kutsara sa pinggan. Nawalan na siya ng ganang kumain. "Nariyan ka naman para ihatid ako, lolo..."
Mabuway niyang tugon. Alam niyang hindi makapagmamaneho si Rolly dahil sinumpong ito ng arthritis.

"Alam mong hindi ako makakapagmaneho sa ganitong kalagayan ko. Ang mabuti pa ay huwag ka ng dumalo kung wala rin lang maghahatid sa iyo!" There was a finality in the old man's voice.

"Lolo!" She stumped her feet. And then her eyes flew to her brother Junior. Tahimik itong kumakain. "Ikaw na lang kaya ang maghatid sa akin, Jun?"

Huminto ito sa pagkain at napatitig sa kanya. "May exams akong kailangang habulin, Marga." Pagkatapos ay nagpatuloy na ito sa pagkain. Lumaylay ang mga balikat niyang tumingin sa abuelo.

Nagpatuloy ito. "Then you choose," dinuro nito ang apo.
"Susunduin ka ni Rod Samente upang makadalo sa party na iyon o magmukmok dito sa bahay?"

Hindi makapaniwala si Margarette. Nilingon nito ang lola upang humingi ng tulong para kontrahin ang abuelo ngunit nagkibit ito na tila ba sumasang-ayon sa asawa. Umikot ang mga mata ni Margarette. Malamang, dahil kulang na lang ay ipagduldulan siya ng abuela kay Rod!

Ikaw Ang Pinili Ko, Ikaw Ang Mahal Ko(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon