NANG tumayo ang dalawa, upang marahil ay umalis, nagkunwa siyang niyuko ang kape at sumimsim. Napangiwi siya dahil malamig na ito at agad niyang binalik sa mesa.
"Narito ka pala, Rod?"
Nang mag-angat ng tingin si Rod ay nakahinto ang dalawa sa kinauupuan niya.
Magalang siyang ngumiti. Bahagya na niyang nakita ang gulat sa mukha ng dalagita.
"Wala na akong klase kaya heto," sadyang ibinitin ang sinasabi at nagkibit ng balikat. Napasulyap siya sa kasama nito.Possessively, inakbayan ni Jordan ang kasama. "Pare, this is Margarette Gonzales, my girlfriend," he said with a triumph smile, and then continued, "Honey, si Rod Samente. Classmate ko siya sa dalawang subject."
Napalunok si Rod nang ngitian siya ni Margarette. Simpleng ngiti lang iyon at kung tutuusin ay for courtesy lang. Ngunit napaka-sensual at hindi nanunukso. Talagang natural na ngiti. Kauna-unahan mula nang unang araw na makita niya ito.
"N-nice to meet you..." inilahad nito ang kamay. Kinuha ito ni Rod at imbes na kamayan ay hinagkan iyon. Napasinghap si Margarette sa ginawa niya. Hindi rin alam ng binata kung bakit iyon ginawa.
Napakalambot ng likod ng palad nito. Tila siya humalik sa pakpak ng paru-paro. Hindi man niya gusto ay kailangan niyang bitawan iyon.
"Nice to see you again, Margarette." He said in a husky voice habang hindi humihiwalay ng tingin sa dalagita."Magkakilala ba kayo? Paano?" Agad na tanong ni Jordan. Halatang nabigla. Bumitaw sa pagkakaakbay kay Margarette at hinarap ang kasintahan sa nanunuring mga mata.
Si Margarette ang sumagot. "Nagkita lang kami, Jordan, hindi magkakilala..." she said defensively.
"At isang beses lang iyon, pare, hindi pa sinasadya." He supplied, dahil nababasa niya sa mukha nitong hindi kumbinsido.
He gave a reassuring smile to the lady. Margarette mouthed her thanks."Ihahatid na kita sa inyo," pag-iiba ni Jordan, umaasang hindi ipapahiya ng kasintahan sa harap ng kaeskwela.
"Hindi maaari, Jordan, hindi pa alam ng lolo at lola kong may karelasyon ako." Sagot ni Margarette na tila batang makulit ang kasintahan. Hindi na niya napuna ang pagtatagis ng mga bagang nito.
"Please..." muling pakiusap niya. "Sa ibang pagkakataon ay papayag ako sa gusto mo..."
Huminga ng malalim si Jordan. "Alright, sa ibang pagkakataon." Nilingon nito si Rod. "Pa'no mauna na kami, pare."
"See you," mas para kay Margarette ang salitang iyon ni Rod.
Muling nilingon ng dalaga si Rod habang inaakay siya ni Jordan palabas ng kainan. Nakapanabay ito ng tingin sa kanila. Sinaluduhan siya nito at masuyong ngumiti.
Pakiramdam ni Margarette ay naiwan ang puso niya sa lalaki kaninang hagkan nito ang kamay niya. Napaungol siya. Si Jordan ang nobyo niya! Dapat ay dito siya mag-concentrate hindi sa ibang lalaki!SUMAPIT ang araw ng Intramural's day. She was glad na nakapagpaalam siya sa lola niya at pinayagan siya. Pero bago siya payagan ay siyempre, hindi mawawala ang sangkaterbang sermon.
But then, ang mahalaga ay pinayagan pa rin siya. Three days lang ang ginawang practice nila ng mga groupmates sa sayaw. Sa last day ng intrams sila magpeperform kaya may tatlong araw pa silang paghahanda. Ang iba sa grupo ay may sports activity na sinalihan tulad rin niya kaya chances are hindi din makakadalo ang iba kung may practice. Pero warm up na lang naman iyon dahil kabisado na ng lahat ang sayaw kaya wala silang problema doon.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Pinili Ko, Ikaw Ang Mahal Ko(COMPLETED)
RomanceNamulat si Margarette sa munting pantasya na balang araw ay magkakaroon din siya ng "prince charming". At nakita niya iyon sa katauhan ni Jordan. Ngunit tila may kulang. At nang matuklasan niya ang panloloko nito ay lahat ng pantasya niya ay biglang...