Ang Ikatlong Kabanata

1.2K 21 0
                                    

"HI, Marga..." naagaw ng tinig na iyon ang atensyon niya. Napilitan siyang lingunin ang may-ari ng tinig.

"Hello." Kaswal siyang ngumiti kay Jordan.
Ang akmang pagbuka ng bibig nito ay nahinto dahil sa pagsasalita ni Jaylord.

"Wag mong pansinin iyang pinsan namin, miss beautiful," anito, nakangiti. "May girlfriend na 'yan!" Nagtawa ito at si Rumuel.
"Ako ang dapat ang pansinin mo dahil single pa ako." Kumindat ito sa kanya.

Umikot ang mga mata ni Margarette, bagaman nakangiti.
Dalawang taon na sila sa highschool. Gano'n din katagal na kilala niya ang tatlo. Si Jaylord ay pilyo at mapagbiro. Mestiso ito at maliit na lalaki. Si Rumuel ay palakwento at palakaibigan. At si Jordan ay ang tipong seryoso. Laging tahimik at tila nag-iisip. Minsan ay nahuhuli niya itong nagnanakaw ng tingin sa kanya. Ngunit binabalewala iyon ni Margarette dahil alam na may girlfriend ito at pumupunta pa minsan sa bahay ni Amifaye dahil doon nangungupahan ang tatlong magpipinsan.

"Bakit wala ka pang boyfriend?" Muling tanong ni Jaylord.
"Gusto mo turuan kita kung paano?"

"Back off!" Naiiritang tinabig ni Jordan ang balikat ni Jaylord.
"Ako ang nauna. May dalawa pang babae sa harap mo na kanina mo pa pinopormahan."

"Eh, itong si miss beautiful ang gusto ko." Balewalang wika nito habang nakangiti.

"Nako, may boyfriend na 'yan, 'no!" Singit ni Joan sa usapan. Hindi na ito pinansin ni Margarette. Lagi na'y naiinsecure sa kanya si Joan. Alam niya dahil pinakikita at pinararamdam nito iyon sa kanya sa lahat ng pagkakataon. Ipinagkikibit na lamang niya iyon dahil umiiwas siya sa gulo.

Ang namamagitang tensyon ay nawala sa pagbabalik ni Amifaye. Dala na nito ang mga pinggan at kutsara. Inilabas na rin ni Margarette ang lunchbox niya na laman ay kanin at pritong hita ng manok.

"Maaari ba kitang ligawan, Marga?" Walang kagatol-gatol na wika ni Jordan, ilang sandali matapos nilang kumain.
Kung hindi siya maingat ay madudulas sa kamay niya ang basong hawak.

Nang titigan niya ang lalaki ay walang ekspresyon ang mukha. Tila nasabi lang nito iyon out-of-the-blue. Lahat ng mga mata ay nakatuon sa kanya. Naghihintay ng sagot. Huminga siya ng malalim. Ibinalik ang baso ng tubig sa mesa.

Walang maipipintas si Margarette kay Jordan. Guwapo ito, matangkad at tila seryoso kapag pumasok sa isang relasyon. Ngunit alam ng dalaga na tama ang sinabi ni Jaylord kani-kanina lang. May girlfriend na ito.

"J-Jordan, hindi ako pumapatol sa---"

"Wala kang dapat alalahanin, Marga." Putol nito sa sinsabi niya.
"Hindi ko sasabihin iyon kung may kasintahan ako."
Umani iyon ng tukso sa naroong mga kasama. Gusto niyang mapahiya. Ngunit may kung anong hindi tumutugma sa sinasabi ni Jordan. Pilit man isipin ni Margarette ay hindi iyon makuhang sumingit sa isip.

Marahan siyang tumango. "Pag-iisipan ko ang bagay na iyan, Jordan." Marahan siyang tumayo. Sinulyapan si Amifaye.
"Mauuna na ako, Ami, may kailangan pa akong gawin sa library. Magkita na lang tayo sa school."

"Pero maaga pa, Marga?" Gusto niyang mainis sa kaibigan. Alam niyang alam nito na umiiwas siya kay Jordan.

Tumayo si Jordan. Napalingon siya rito. "Ihahatid na kita." Nasa anyo nito na hindi siya maaaring tumanggi. Kinuha nito ang bag niya at ito ang bumitbit niyon. Hinawakan siya nito sa siko at magkasabay na lumabas.
Naririnig pa niya ang malakas na tuksuhan ng mga kasama niya at ng dalawang pinsan ni Jordan.

Nakita ni Margarette ang motorsiklo ni Jordan na nakaparada sa gilid ng bahay nila Amifaye ngunit hindi siya inalok nitong iyon ang gamitin nila imbes na maglakad. Hindi tuloy mapigil na magtanong ni Margarette.

Ikaw Ang Pinili Ko, Ikaw Ang Mahal Ko(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon