Sa loob ng sasakyan ay wala silang imikan. Panaka-nakang nililingo niya ito. Maliban sa nagtatagis na bagang nito ay seryoso itong nagmamaneho. Bagaman wala gaanong sasakyan silang nakakasalubong o nakakasabay, hindi pa rin maiiwasan ang aksidente dahil zigzag ang daan na kanilang tinatahak.
Ilang sandali pa ay ipinarada na ni Rod ang sasakyan. Pinagmasdan nito ang kapaligiran. Wala naman nabago maliban sa nadagdagan lang ng iba't ibang uri ng halaman sa may gilid ng mga riles ng gate. Bumaba ito at binuksan ang pintong nasa tabi ng dalaga.
"Pumasok ka," anyaya niya sa binata na nanatiling nakamasid sa bahay. "Tiyak na matutuwa ang lolo at lola kapag nakita ka..."
Hindi ito kumibo at ngumiti lang sa kanya. Nagpatiuna na itong pumasok. Huminga siyang malalim. Napakaramot nitong magbigay ng ngiti. Hindi tulad noong una niya itong nakilala. Ganoon ba kalaki ang epekto ng kanyang ginawa rito? Samantalang hindi siya nito binigyan ng pagkakataong magpaliwanag?
"ROD, hijo!" Bulalas ni Azon. Agad itong tumayo at yumakap sa binata.
"How are you, lola?" Tanong nito.
"Heto, tumatanda na,"
"But stunning as ever..."
"At bulero ka pa rin!"
Natawa ang binata. Sunod namang kinamayan nito si Rolly. "Mabuti naman at napasyal ka, hijo..."
"Marga, hindi mo man lang sinabing bibisita si Rod dito, 'di sana'y nagpahanda ako ng masasarap na potahe!" Akusa ng matandang babae.
"Don't mind me. Kung ano ang mayroon ay ayos na sa akin." Agad na salo ng binata.
"Paano nga pala kayo nagkita ng apo ko, Rod?" Nagtatakang tanong naman ni Rolly.
"Nag-check in ako sa hotel na pinagtatrabahuhan ng apo niyo, doon kami nagkita."
Tumangu-tango ito. Nilingon ang asawa. "Magpahanda ka na nga ng hapunan, Azon, nang makakain na ang mga bata."
Hanggang sa kainan ay hindi magawang makipagsabayan ni Margarette sa tatlong nag-uusap. Hindi rin siya nag-aangat ng paningin dahil pakiramdam niya ay nakatingin sa kanya ang binata.
Mayamaya ay nagtanong ang kanyang abuela. "May girlfriend ka na ba, hijo?"
Tumawa ito ng marahan. "Wala akong girlfriend,"
Umaliwalas ang mukha ng matandang babae. "Ganoon din ang aking apo! Ano kaya kung magpakasal na kayo tutal ay nasa tamang edad na kayo?"
Napaubo si Margarette nang marinig iyon. Agad na inabot ang tubig at uminom.
"Azon, hayaan mo nang mga bata ang magdesisyon tungkol diyan." Nagkibit lamang ito ng balikat sa sinabing iyon ng asawa.
Hindi sinasadyang napatingin si Margarette sa binata at hindi inaasahang maging ito ay nakatingin din sa kanya! Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi! Nagyuko agad ito ng ulo at nagpatuloy sa pagkain.
Pagkatapos kumain ng mga ito, nagpaalam na ang binata upang umuwi. Inihatid niya ito sa labas ng gate.
"S-salamat sa paghatid..."
"Of course, my innocent cat." Sagot nito sa painsultong tono.
Nawala ang ngiti sa labi ni Margarette. Buong akala niya ay maayos sila kahit papaano. Masakit man isipin, tatanggapin niya kung kahit pakikipagkaibigan ang maibibigay ng binata. Ngunit kahit iyon man lang ay hindi pa niya makuha.
"Inaasahan mo ba na babalik tayo sa dati dahil lang tinulungan kita at inihatid kita dito sa inyo?" Ngumisi ito, "hindi nagbago ang tingin ko sa iyo, Margarette. Kung paano noon ay ganoon pa rin ngayon."
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Pinili Ko, Ikaw Ang Mahal Ko(COMPLETED)
RomanceNamulat si Margarette sa munting pantasya na balang araw ay magkakaroon din siya ng "prince charming". At nakita niya iyon sa katauhan ni Jordan. Ngunit tila may kulang. At nang matuklasan niya ang panloloko nito ay lahat ng pantasya niya ay biglang...