Ang Ikapitong Kabanata

829 15 0
                                    

"Marga!" Sabay na napalingon ang dalawa. Si Jordan, in his white-red jerseys. Nagmamadali ang mga hakbang patungo sa kanila.
"Ang sabi ni Ami ay may tumama sa iyong bola..." tinitigan nito ang bukol sa noo na hindi niya namalayang nalapatan na pala ng bandage. Tinanguan ng binata si Rod na gumanti rin ng tango.

Masuyong nginitian ito ni Margarette. "Bukol lang naman ito at bukas ay wala na."

Nakahinga ito ng maluwang. "Mabuti naman kung gano'n..." tiningnan ni Jordan ang relo pagkatapos ay muling nagsalita. "Kailangan ko ng bumalik sa practice, honey."

"Maaari ba akong sumama?" Napangiti si Margarette. Gusto niyang mapanood ang kasintahan habang nagpapractice. At pagdating ng time out ay aabutan niya ito ng tubig at pupunasan ang pawis, pagkatapos ay tutuksuhin sila ng mga kasama nito na halikan siya sa harap ng mga tao at maiinggit ang lahat ng kababaihan sa kanya, gaya ng napapanood niya sa telebisyon. At pinapangarap rin niya na mangyari sa kanya.

"Puros lalaki ang mga naroon, Marga, maiinip ka lang do'n..." nakadama siya ng disappointment. Pero hindi niya ipinahalata sa kasintahan.

"Kahit sa malayo na lang ako, Jordan, gusto lang kitang makita magpractice...." she almost beg.

Napaungol si Jordan. "Wala kang makakasama roon." Tila siya batang makulit na pinagsasabihan. "Hindi kita maaasikaso kaya dumito ka na lang kasama si Ami, okay?"

"Pero..." hindi na siya pinatapos ng kasintahan. Mabilis siyang hinagkan sa labi pagkatapos ay iniwan na siya. Bumagsak ang mga balikat niya habang malungkot na sinusundan ng tingin ang paglayo ng kasintahan. Tila maiiyak ang hitsura niya. Hindi niya napapansin si Rod na nasa likod niya na kanina pa nagtatagis ang mga bagang habang nakikinig sa usapan nila ni Jordan.

"Margarette..." Rod said softly. So softly, that felt like a whisper.
Napalingon siya sa binata. She blink. She felt like crying.

"Damn!" He blurt out. At sa isang hakbang ay nasa mga bisig na niya ang dalaga.

Tila natigalgal sa pagkakatayo si Margarette. Strong arms covered her like a shield. At mahigpit siyang niyayakap nito! Aaminin niyang kay sarap sa pakiramdam ang pumaloob sa mga bisig ni Rod. Ang amoy nito ay parang... pinagsama-samang mga puno at halaman sa ilaliman ng araw. It's outrageously expensive. Nang sa palagay ni Margarette na magpapatangay na siya sa mainit na yakap ni Rod ay saka naman siya nito inilayo ng marahan.

"Are you okay?" Tanong nito.

Dahan-dahan siyang tumango. "I-I think so..."

"Oh god!" He exclaimed. "I was thinking you are about to cry!" Hindi malaman ni Rod kung matatawa o maiinis sa babaeng ito! Pinakakaba siya!

"W-why did you do that?" Nagtatakang tanong ni Margarette.

"Do what?" He said innocently.

"You hugged me..."

"Oh that?" Nagkibit ito na tila balewala ang pinag-uusapan. "To comfort you, of course!"

She smile at him sweetly. "Thank you, Rod..." she is a madwoman for being sentimental!

Rod sucked his breath. May mas maganda pa pala sa unang ngiting ibinigay ni Margarette sa kanya. She is lovely this time. Kung hindi siya nag-iisip ng tama ay baka kanina pa niya ito ikinulong sa mga bisig at hinagkan hanggang sa pareho silang mawalan ng hininga. Damn this brat. Dahil pagdating dito ay nakakalimutan niya ang sarili.

Ikaw Ang Pinili Ko, Ikaw Ang Mahal Ko(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon