Ang Ikalabing-Anim na Kabanata

774 20 0
                                    

"MAGANDA ang lugar ninyo rito..." may paghanga sa mga mata ni Rod habang dinadaanan ng tingin ang malawak na bukid sa likod bahay ng matandang mag-asawa. Nataniman na iyon ng binhi ng palay at sa nakikita niya ay magandang klase iyon. Malakas ang hampas ng hangin gayong tumitirik ang araw. Alas-otso pa lamang ngunit masakit na sa balat ang init nito.
Sa bawat hangganan ng lupain ay nakatanim ang mga puno ng mangga, nagsisilbi bilang bakod.

"Mayroon pa silang lupain sa ilang bahagi ngunit malayo na rito. Tinataniman naman iyon ng mais."
Sa may bahagi paroon, naaninag ni Rod ang tatlong kabayo na nililiguan ng isang matanda. Bago pa makapagtanong ay sinagot na ito ng dalaga.

"Kay lolo ang mga kabayong iyan. Isa diyan ay palahian, ang dalawa ay lalaki." Nakita niya ang admiration sa mata ng binata habang nakatitig sa mga hayop.
Iginiya niya ito papunta roon.
"Iilan na lang ang nag-aalaga ng kabayo dito sa amin. Ang iba ay ibinebenta para may maipangbili ng pananim at pataba. Ang dalawa diyan ay binenta lang kay lolo ng kakilala at ang isa naman ay binili pa sa isang dayuhan na minsang namasyal sa lugar." Paglalahad ng dalaga.

"Do you ride them?" Tanong nito habang curious ang mga matang nakatitig sa dalaga.

"A little..." she giggle. "Inaaral ko pa. Minsan lang akong turuan ni lolo dahil abala ito lagi sa sakahan." Hindi niya nakita ang umusbong na paghanga sa mga mata ng binata para sa kanya dahil sa matanda ito nakatingin at tinawag.

"Mang Tonio!" Tawag niya sa lalaking nakasumbrero. Marahil ay nasa edad singkwenta pataas.

Lumingon ang tinawag at kinamayan agad si Rod. Pinakilala ni Margarette sa isa't isa ang dalawa. "Mabuti at nakapasyal ka rito sa farm. Marami kang makikitang maganda rito, hijo." Lumapit ito sa binata at kunwang ibinulong: "Isa na si Margarette doon..."

"Mang Tonio, kay aga-aga, eh, binobola ako." Umikot ang mga mata niya gayunma'y nakangiti.

Tumawa ang matanda. "Binobola ko nga lang ba siya, hijo?"

Sandaling tinitigan ni Rod ang dalaga sa paraang sensual. At sa pagaw na tinig ay nagsalita. "The most beautiful woman I have ever met..." halos magpigil ng hininga si Margarette. Naramdaman niya agad ang pag-akyat ng init sa mga pisngi niya.

Si Mang Tonio ay nanunuksong pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa. Gustong mainis ni Margarette sa ginawa ng matanda ngunit napakababaw naman niya kung gagawin iyon. Sa halip ay tumikhim siya at binalewala ang sinabi ng binata.

"Anong kabayo ang maaari nang sakyan sa dalawa, Mang Tonio?"

"Aba, mamili kayo rito kina Kidlat at Buhawi." Itinuro nito ang dalawang stallion. "At ito naman si Bliss." Ang tinutukoy nito ay ang mare.

Nilapitan ni Rod si Kidlat. Gusto nito ang kulay bukayo nitong balat at kapag nasisinagan ng araw ay nagiging kulay ginto.
Maganda rin ang kulay ni Buhawi. Itim naman ito na may halong puti. Parehong magaganda ang uri ng kabayo at pareho niyang gusto.
Hinimas nito ang kabayo. Sa umpisa ay umalma ito. "Easy, boy..." he whisper soothingly, habang hinihimas-himas ang batok ng kabayo. Tila naman nakakaintindi ito at hindi na muling umalma.

"Mukhang madali mong napaamo ang kabayo, hijo." Si Mang Tonio na namangha. Hinawakan nito ang renda ni Bliss upang ibalik sa kwadra. "Siya, maiwan ko na muna kayo." Ipinadala ni Margarette si Buhawi rito.

"Marunong kang mangabayo?" Nakataas ang isang kilay ni Margarette na tanong sa binata.

Wala sa hitsura nito na marunong itong mangabayo. May kung anong umusbong na paghanga para sa binata.

He smirk. "Try me." Hinimas nito ang buhok ng kabayo. "May farm ako sa probinsya ng Solana, doon ako lumaki at natutong mangabayo. At hindi basta kabayo, huh, imported stallions." Wala sa tinig nito ang pagyayabang kundi ang pagmamalaki at wonderness.

Ikaw Ang Pinili Ko, Ikaw Ang Mahal Ko(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon