Ang Ikadalawampo na Kabanata

1.3K 80 11
                                    

"HEY, pare!" Kinawayan sila ni Norman at niyayang doon na maupo matapos silang um-order ng pagkain sa canteen.

Hinila ni Rod ang upuan para kay Margarette at ito naman ang naupo sa tabi ng dalaga. "Hindi mo yata kasama si Ami?" Bahagya pa siyang nailang. Hindi niya kayang magkunwari sa harap ng mga taong ito kung sakali.
Inakbayan siya ni Rod at nginitian, sinasabi ng mga mata nitong maayos lang ang lahat na tila ba nahuhulaan ang laman ng kanyang isip.

"Hindi ko nga alam kung bakit tahimik iyon sa mga nagdaang araw... may tampuhan ba kayong dalawa?" Nakakunot na tanong ni Norman.

Nag-umpisa nang kumain si Rod habang panaka-nakang nililingon silang nag-uusap. Nanagiling nilalaro niya ang kutsara sa pinggan, nawalan siya bigla ng ganang kumain.
"Mayroon lang hindi pagkakaintindihan sa pagitan namin." Pag-amin niya at umaasa rin siyang magkakaayos sila. Afterall, magkaibigan sila ni Amifaye.

"Tungkol ba kay Jordan?" Ang akmang pagsagot niya sa sinasabi ng lalaki ay pinigil ni Rod. "Eat first, Marga. Sabi ng lola Azon ay hindi ka nag-agahan kanina." Lihim siyang nagpasalamat sa kasintahan dahil hindi siya nakahandang pag-usapan ang tungkol kay Jordan.

Nang matapos silang makakain ay nagkukwentuhan na ang dalawang lalaki at nakikinig lamang siya. Sa nakikita ng dalaga ay malapit sa isa't isa ang dalawa kaya napapaisip siya kung matagal na bang magkakilala ang mga ito.

Ngunit lingid sa kaalaman ni Margarette, nang magkakilala sina Rod at Norman noong gabi ng JS prom ay nagkakuhanan agad ng loob ang mga ito na tila nga matagal ng magkaibigan at kung may isang taong parehong kinaiinisan ay si Jordan iyon. Sa parte ni Norman, hindi nito nagustuhan ang kagaspangan ng ugali ni Jordan nang minsang dalhin ni Amifaye ang kasintahan sa kanila at ipakilala sa pamilya bilang kasintahan nga nito. Nagpakita agad si Jordan ng disgusto kay Norman at nakarinig ng hindi magandang salita na kesyo mayaman ay hindi ito mauubusan ng babae at kapag nakuha ang gusto ay iiwanan siyang kaawa-awa. Simula nang mangyari iyon ay hindi na nagtungo pa si Norman sa bahay nila Amifaye. Nagtutungo na lamang ito doon kapag sumasapit na ang summer kung saan wala na si Jordan doon bilang boarder at nakauwi na ito sa bayan ng Tuao.
Rod had this feeling that he could trust Norman when they first met. At hindi kailanman nagkamali ang instinct nito sa pagkilatis ng tao dahil na rin sa uri ng kanyang trabaho.

Ilang sandali pa ay may pumasok na isang pamilyar na mukha. Lumapit ito sa mesa nila.
"So, you have my girlfriend now, huh?" Mapangahas nitong bungad. Nagdidilim ang mga matang nakatingin ito una kay Rod bago sa kanya. Pero hindi nagpatinag si Margarette. Itinaas niya pang lalo ang mukha at walang takot na tumitig sa mata ng lalaki.
Wala siyang madamang takot kundi galit!

"She was," Rod said rectifying the man. "And she's mine now." His arm went to her waist possessively.

Kulang na lang ay umusok ang ilong ng lalaki sa pagpipigil ng galit at gustong matawa ni Margarette sa hindi kaayaayang hitsura ni Jordan. Napatanong tuloy siya sa sarili kung ito ba talaga ang pamantayan niya sa isang boyfriend?
Well, pinilit lang naman siya ni Jordan para magustuhan ito at naniniwala si Margarette na kapag napilit ang isang relasyon, hindi iyon magtatagal.

"Paano mong naagaw sa akin si Margarette, Rod? Ginamitan mo ba siya ng mababangong salita tulad ng ginagawa mo sa ibang babae mo?"

"Hindi ko na kailangang gawin iyan," nasa labi nito ang nakakalokong ngiti. "Kayang-kaya ko silang makuha nang walang lumalabas na salita sa bibig ko, Jordan."

Ngumisi si Jordan. "Hindi na kataka-taka iyo. Knowing Marga, mabilis mo siyang nauto!"

"Atleast, I'm not a double-crosser," patuloy ni Rod na hindi pinansin ang huling sinabi ng lalaki. "I'm a one woman man. How about you, Jordan?"

Ikaw Ang Pinili Ko, Ikaw Ang Mahal Ko(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon