Ikadalawampu't Apat na Kabanata

136 8 0
                                    

HUMINTO sa paghakbang ang kasintahan sa pangatlong tawag niya. Bumulong siya ng pasasalamat sa hangin. Sa bilis nitong maglakad, isama pa ang malalaki nitong hakbang, halos lumabas ang puso niya sa paghingal.

Madilim siyang tinitigan nito nang humarap na sa kanya. "Pakinggan mo muna ako," nakikiusap ang tinig niya.

"Sapat na ang mga nakita ko, Margarette!" Napalunok siya dahil sa tila kulob nitong boses.
"Siguro ay hindi kita ganoon kakilala. Wala kang pinag-iba sa nanay mo, tulad mo rin siya!"

Napasinghap siya. Dahil hindi niya inaasahan ang mga binitiwan nitong salita, dumampi ang kanyang palad sa pisngi ng lalaki. Naningkit ang mga mata ni Rod na tumitig sa kanya.

"I...I'm sorry, h-hindi ko sinasadya. Nasaktan ako sa mga sinabi mo!"

"At ako ay hindi?" Nanunuyang sambit niya ngunit ang mga mata'y nag-aapoy sa galit! Napaatras siya ng isang hakbang. Ngayon niya pinagsisisihang nakipagtalo siya rito at inuna pa niya ang pride kaysa kausapin ito. Sana kasama niya ito ngayon. Sana hindi nagtagpo muli ang landas nila ng Jordan na iyon. Sana ay hindi sila nagtatalo ngayon at sa halip ay pinag-uusapan nila ang dapat gawin kapag nagkalayo na sila. Sana... sana... puro sana.

Tila nanginig ang kanyang mga tuhod at napaupo sa damuhan. Hindi na napigil pa ni Margarette ang sunod-sunod na pagbagsak ng mga luha sa mga mata. Hindi na niya maaninag si Rod dahil nanlalabo na ang kanyang paningin sanhi ng luha. Hanggang sa tuluyan na nga itong naglaho sa kanyang paningin.

MATAPOS ang pangyayaring iyon ay nawalan na nang gana pang pumasok si Margarette. Kapag tumatawag sa linya nila ang kanyang propesora ay pinasasagot niya iyon kay Azon. Ilang araw na siyang nagmumukmok sa kwarto at hindi kumakain ng maayos. At kapag tinatanong naman siya ng abuela ay hindi siya makausap.

Nabalitaan niyang hindi na pumasok pa si Rod. Kanya rin kinausap si Mrs. Valencia. Sinabi niya kung ano ang relasyon niya kay Rod para lang sabihin ng ginang kung nasaan ang binata. Wala na sigurong mas sasakit pa nang malaman niyang nag-resign na rin ito sa trabaho. Para bang gumuho sa kanya  ang mundo. Mas nanaisin pa niyang mawalan ng malay at hindi na muling magising. Ngunit malabo yatang mangyari iyon dahil sa bawat paggising niya sa umaga ay humihinga pa siya at buhay, ngunit ang kanyang puso ay wasak.

Hanggang isang araw ay kinatok siya ni Azon at sinabing may bisita ito. Ayaw man niya'y napilitan siyang papasukin ito. Inaasahan niyang isa sa mga guro niya ang dumalaw ngunit mali siya. Malayo sa inisip niya, si Amifaye.

Dinaanan lamang niya ito ng tingin at muli rin itinaob ang mukha sa unan. Ayaw niyang makita nito ang pamumugto ng mga mata niya dahil sa gabi-gabing pag-iyak. Naupo ito sa settee na nasa tabi ng kama.

"Besy, ano ba ang nangyayari sa iyo? Ilang araw ka nang hindi pumapasok..." umpisa nito. Maririnig sa tinig ang pag-aalala.

"Masaya ka bang nakikita akong ganito ngayon?" She's rude and angry.

Narinig niya ang pagbitaw nito ng mabigat na hininga. "Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagkakaganyan mo, Marga. Nang mapansin kong hindi ka pumapasok at nalaman kong ganoon din si Rod ay nag-alala ako kaya pinuntahan na kita rito." Paliwanag nito.

Hikbi ang tangin naisagot ng dalaga. Akala niya'y wala nang luha pang mailalabas ang kanyang mga mata ngunit mali siya.

"Ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Rod, Marga?" Patuloy ni Amifaye na naupo sa tabi niya at hinawakan siya sa kamay.

Hindi na nag-isip pa si Margarette. Agad itong yumakap sa kaibigan at doon ibinuhos ang pag-iyak, hinayaan lamang ito nang kaibigan.

Daig pa niya ang tinabunan ng mga bato at graba dahil sa sakit na nadarama. Hindi niya matanggap na tuluyan nang lumayo sa kanya ang taong pinakamamahal niya. Yes, she love him! Since the first day. Ngayon, wala na sa kanya ang puso niya. Kundi nasa taong iyon...

Kasama ang kaibigan, ipinagpatuloy ni Margarette ang buhay. Ikinwento nito ang mga nangyari kung bakit at paano humantong sa hiwalayan ang lahat. And that's includes Jordan. Labis ang galit ng huli sa ipinagtapat ni Margarette. Nangako itong hindi na kailanman makakalapit si Jordan sa dalaga dahil hindi na ito tatanggapin sa kanila.

"Hindi na kailangan, besy," wika nito. "Aalis na rin naman ako papuntang Maynila sa darating na mga araw at baka hindi na muling makabalik pa rito."

Nalungkot ang mukha ng kaibigan nito. "Oh, dear..." nagyakap ang mga ito. "I will miss you, besy... sana hindi na lang kita itinulak kay Jordan para hindi tayo nagkasamaan ng loob, para walang nasayang na mga araw..."

"It's in the past, let's forget about it. I will miss you too." She beam.

"Nga pala, if you don't mind, nasabi ko kay Norman ang nangyari dahil maging siya ay nagtataka kung bakit hindi nakikita si Rod... I'm sorry." Idinagdag ang huling salita nang mawala ang ngiti nito.

Iwinasiwas ng dalaga ang mga kamay sa ere. "No, I don't mind at all, he's a friend.  I just..." isang mabigat na hininga ang pinakawalan niya.
Tila tinik sa dibdib niya ang pangalan ni Rod at kapag naririnig ay bumabalik ang lahat ng masasakit na alaalang gusto nang kalimutan.

"Masaya ako na kahit paano ay nakaka-recover ka unti-unti," anang kaibigan nito mayamaya. "Sana'y magkausap kayong muli dahil hangga't hindi kayo nagkakaayos ay hindi ka rin makapag-uumpisa ng bagong pag-ibig."

Umiling siya. "Hindi ko kayang palitan siya sa puso ko, Ami," impit nitong sabi.

"You really love him, do you?" Tumango siya. "How about him? Mahal ka ba niya?" Hindi siya nakakibo roon. Nagbuntong hininga ito at nagpatuloy. "Kaya ngayon pa lang kailangan mo siyang kalimutan, besy, dahil ikaw rin ang mahihirapan, ikaw ang masasaktan..."

May punto si Amifaye. Pero ganoon ba kadaling makalimot lalo na kung ang taong kalilimutan niya'y ang siyang lahat-lahat sa kanya? Hihilom siguro ang mga sugat pero mananatili sa puso niya ang dahilan niyon.

HANGGANG sa dumating ang araw nang pag-alis nilang mag-iina ay naroon sina Amifaye at Norman upang ihatid sila sa istasyon ng bus. Nagpilit na sumama ang mga matatanda uang maihatid sila magkakapatid ngunit hindi niya pinahintulutan ang mga ito. Nag-aalala siyang baka hindi makauwi ang mga ito at maatake sa daan.

"Mag-iingat kayo roon, apo," gumagaralgal na tinig ng matandang babae habang yakap si Margarette.
"Dalawin mo sana kami paminsan-minsan ng iyong lolo."

Tumango siya at humalik sa noo ng matanda. "Gagawin ko po iyan."

"'Wag mo sana kami kalilimutan ng lolo mo," she smiled at the old woman.

"Maaari ba iyon?" At niyakap niya ito ng mahigpit.

Pagkatapos ay huling nagpaalam sa matandang lalaki. Nasa bukid ito at nagpapastol ng kalabaw.

"Lolo..." nakaupo ito sa damuhan, tumabi siya rito. "Aalis na kami..."

"Eh, de umalis ka!"

Natawa si Margarette. Kahit kailan ay isip-bata ang kanyang abuelo at iyon ang hindi niya malilimutan rito.
Nagulat pa siya nang bigla siya nitong inakbayan payakap.

"Hihintayin ko ang pagbabalik mo, apo." Hindi maitatago sa mga mata nito ang kislap dahil sa pinipigil na luha. Agad na niyakap ni Margarette ang abuelo habang paimpit na umiyak.

Isang marahang hinga ang pinakawalan niya. Umaasang hindi iyon ang huling pagkikita nila nang matatanda.

"Nasa iyo ang phone number ko, tawagan mo ako at balitaan, okay?" Ang tinig ni Amifaye na nagpabalik ng kanyang isipan. "Mag-iingat ka palagi doon." Tumango siya at niyakap ang kaibigan ng mahigpit.

"Thank you for everything, Ami," she said sincerely.

"Don't need to mention it, loka!" Pagkatapos ng walang hanggang paalamanan, sumakay na ang dalaga sa naghihintay na bus.

Sinilip niya sina Amifaye at Norman sa bintana ng bus at kumaway. Nag-umpisa na rin ang bus magmaniobra paalis.

Ikaw Ang Pinili Ko, Ikaw Ang Mahal Ko(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon