"MARGARETTE, magtimpla ka nga ng juice nitong si... ano nga bang pangalan mo, hijo?"
Nakaupo na ang dalawa sa sala nang magsalita ang matanda."Rod, ma'am," natawa ng marahan ang binata.
Nakamatang nakatitig si Margarette sa kanyang lola. Hindi makapaniwala. Isang daang libong taon niyang hinintay na gamitan siya ng matanda ng malambot na tono at si Rod Samente lang pala ang makakagawa? Ano'ng mayroon sa lalaki at ang bilis napaamo ang tigre?
Isa pa, sa unang pagkakataon, ngayon lang ginamit ni Azon sa kanya ang tunay na pangalan. Nangingiting tinungo niya ang kusina. Pagbalik ay dala na niya ang baso ng juice. Inilapag iyon sa mesa pagkatapos ay nagpasalamat ang binata sa kanya."Maupo ka dito, hija." Itinuro ng matanda ang katabing upuan nito. Tinitigan niya ang abuela, tila nakangiti ang mga mata nito. Kung hindi niya napigil ang sarili ay baka napasinghap siya ng malakas. Pinakaunang totoong ngiti nito na nakita niya sa buong buhay niya! At parang nabawasan ng sampung taon ang totoong edad nito!
"May... may gagawin pa ako, lola..." tanggi niya, ngunit nakangiti.
"Nakakahiya naman sa bisita mo kung hindi ka haharap dito, hindi ba, hijo?" Lingon ng abuela sa binata.
"Oo nga naman, Marga." Susog naman ng binata habang prenteng nakaupo sa sofa.
Napilitan siyang maupo sa tabi ng lola niya. Nag-uusap ang dalawa at nakikinig lang siya. Minsan ay napapasulyap siya sa binata na nakatitig rin sa kanya pagkatapos ay ibabalik rin sa kausap. Komportable sa isa't isa ang dalawa habang nag-uusap at nakadama siya ng kasiyahan roon, atleast hindi siya mapapagalitan mamaya ng abuela.
"Nililigawan mo ba ang apo ko?" Out of nowhere na tanong ng lola niya at ikinagulat nilang pareho ni Rod.
Ngunit saglit lang ang sa binata na agad nakabawi."Hindi ko nililigawan ang apo niyo, ma'am," may nakitang panghihinayang si Rod sa mga mata ng matanda, ngunit saglit lang iyon kaya naisip na baka imahinasyon lamang niya iyon.
Hindi siya ang tipong nanliligaw ng babae! Kung gusto niya ang isa ay sasabihin niya straight to the point, walang paligoy-ligoy. Kahit ngayong nagpapanggap lang siya bilang estudyante, nakukuha niya ang babae galing sa iba't ibang departamento ng eskwelahan, sa isang pitik lang ng kamay niya.
The time na dalhin niya ang babae sa kanyang apartment, nililinaw niya sa mga ito, ang tanging gusto niya'y iyong nasa pagitang ng binti ng mga ito, and that's precious! Hindi niya tatanggihan kapag inalok iyon ng mga ito!
"But, don't get me wrong," pambawi naman ni Rod, "You're granddaughter is beautiful, at kung may pagkakataon, liligawan ko ang apo niyo..." sinasabi nito iyon na hindi humihiwalay ang mga mata kay Margarette.
And damn her for blushing like a total virgin! Napangiwi si Rod. Higit kanino man ay mas alam niya kung may karanasan na ang isang babae at hindi isa si Margarette doon. He was sure about that."Kung gano'n ay may nobya ka na?" Muling tanong ng matanda.
Agad na sumingit sa usapan si Margarette. "Lola, nagma-matchmaker ka. Business woman ka hindi crystal gazer." Nagtawanan ang dalawa sa sinabi niya.
Ilang sandali pa ay tumayo na si lola Azon. "Siya, ihatid mo na sa labas itong bisita mo, Margarette, dahil gumagabi na."
Tumayo na rin si Rod at nagpasalamat kay lola Azon. "Salamat sa paanyaya, ma'am."
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Pinili Ko, Ikaw Ang Mahal Ko(COMPLETED)
RomanceNamulat si Margarette sa munting pantasya na balang araw ay magkakaroon din siya ng "prince charming". At nakita niya iyon sa katauhan ni Jordan. Ngunit tila may kulang. At nang matuklasan niya ang panloloko nito ay lahat ng pantasya niya ay biglang...