Hindi makapaniwala si Margarette. Kay bilis makapag-isip ng sasabihin ang binata. Ang nagpamangha pa sa kanya ng higit ay ang katapangang nasa mukha nito habang sinasalubong ang tingin ng abuelo. Kung siya iyon ay baka tumakbo na siyang palayo.
Naisip niya si Jordan. Paano kaya kung natuloy ang plano nilang pagtatapat? Kasintapang rin kaya nito si Rod sa pakikiharap sa kanyang lolo? Ngunit ang hindi nito pagsipot sa kanya ay tanda na nang hindi ito gano'n katapang. Hindi niya napigil ang paglabas ng hikbi. Sabay na napalingon sa kanya ang dalawang lalaki."Sinaktan ka ba ng lalaking ito, apo?" Mahinang tanong ng matandang lalaki. Nilapitan siya at masuyong hinawakan sa mga balikat. "'Wag kang matakot magsabi ng totoo, hija..."
Nahihirapan ang tinig ng kanyang lolo. Hindi maiwasan ni Margarette na makaramdam ng guilt.
"Hindi, lolo..." umiling siya at yumakap sa abuelo na tila ikawawala ng mga insecurities niya. "Gusto ko na lang magpahinga..." halos bulong na lang iyon na lumabas sa bibig niya. Tila siya nawalan ng lakas.
Kumawala ito mula sa pagkakayakap sa matanda at nagtuluy-tuloy sa loob.
Si Rod ay nakasunod ng tingin sa dalaga. His face was in restraint of anger.Hinarap siya ng matandang lalaki. "I'm sorry and thank you." Inilahad ang kamay sa harap niya. Pagkatapos titigan nito ng matagal ang nakalahad na kamay, tinanggap iyon ni Rod.
Si Azon ay nakahinga ng maluwang dahil nawala na ang tensyon sa pagitan ng dalawang lalaki. Nilingon ito ng asawa, "Azon, ako na ang magsasara ng gate. Pumasok ka na sa loob. 'Wag kang mag-alala, may mga bagay lamang akong lilinawin rito kay Rod." Idinagdag nito ang huling sinabi nang makita ang pagdududa sa mukha ng asawa.
Nang nasa gate na ang dalawang lalaki ay naunang nagsalita si Rolly. "Bantayan mo ng mabuti ang apo ko, Rod," gumaralgal ng bahagya ang tinig ng matanda na ikinalingon ni Rod.
"Wala ako palagi sa tabi niya upang ipagtanggol sa sinumang mananakit sa kanya." Nang hindi agad siya nakasagot ay mahigpit na hinawakan nito ang kwelyo niya.Matangkad ang matanda sa kanya ng isang pulgada. At the age of sixty, mukha pa itong malakas at wala siyang maaninag na taba sa katawan nito. Mukhang sanay magbuhat ng mabibigat.
"Ipangako mong babantayan mo ang apo ko, Rod!" Nagtataka ang binata sa nakikitang takot na nakabalatay sa mukha ng matanda. Gayunpaman ay nangako siya.
"I promise, sir." Binitiwan siya nito na nakahinga ng maluwag.
Mas nagtataka si Rod sa sarili. Maaari naman niyang sabihin na lang iyon ng walang emosyon. Tutal ay hindi naman malalaman ng matanda iyon at lalong si Margarette. Ngunit nang lumabas iyon sa bibig niya ay sigurado siyang gagawin niya iyon kahit hindi iutos ng matanda. Ikiniling niya ang ulo. Saan nanggagaling ang ganoong kaisipan niya? Tama bang gawin niya iyon gayong may nobyo naman ito at mukhang masaya naman ang dalawa. Siguro ay nagkaroon lang ng miscommunication sa pagitan ng dalawa. He's out of sight. Hindi na niya problema si Margarette. Isang desisyon ang nabuo sa isip ng binata bago paharurot na pinatakbonang sasakyan.
KINABUKASAN ay nasa harap na ng highschool building si Jordan at natanaw na ni Margarette. Ngunit nagkunwa ang dalaga na hindi ito napansin at nagtuluy-tuloy sa paglakad.
"Marga, wait!" Hinarang nito ang dalaga at hinawakan ang magkabilang braso.
Inikot ni Margarette ang mga mata sa paligid. Wala pang gaanong estudyante kapag alas sais ng umaga. Sinadya niyang pumasok ng maaga upang sana ay makausap si Rod at magpasalamat. Hindi niya inaasahang naghihitay sa kanya si Jordan.
"Mag-usap tayo, honey..." ani Jordan sa masuyong tinig. Ang galit ni Margarette ay agad na naglaho dahil nang tiingnan niya ang binata ay tila nagmamakaawa ang anyo nito.
Sapat ang paglambot ng reaksyon ni Margarette upang kumislap ang mga mata ni Jordan. "I know you'll forgive me, honey, you loved me..." at nihakap siya nito ng kay higpit.
Siguro nga ay tama ito, mahal niya nga siguro ito kaya mabilis na nawawala ang ang galit niya sa kasintahan kapag ganitong sinusuyo siya.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Pinili Ko, Ikaw Ang Mahal Ko(COMPLETED)
RomansaNamulat si Margarette sa munting pantasya na balang araw ay magkakaroon din siya ng "prince charming". At nakita niya iyon sa katauhan ni Jordan. Ngunit tila may kulang. At nang matuklasan niya ang panloloko nito ay lahat ng pantasya niya ay biglang...