KINAWAYAN sila ni Norman nang makita sila nito. May tatlong lalaking kasama ito sa mahabang mesa may kanya-kanyang girlfriends.
Naramdaman ni Margarette ang tensyon sa kaibigan. Nagsasalubong ang mga kilay na nilingon ito.
"May problema?"Hindi ito agad nakasagot. Nanlalaki ang mga matang nakatitig sa mesa nina Norman. Mayamaya ay nagsalita ito.
"H-hindi pa kami kumain ni Norman na kasama ang mga kaibigan niya, Marga. Hindi ko gustong kasama ang mga ito dahil---"Pinutol niya ang sinasabi ng kaibigan
"Dahil mahirap ka lang at sila ay mayaman." Tumango ito.
Huminga siya ng malalim. Nakita niyang tumayo si Norman at patungo sa kanila.
"Kung mahal ka talaga ni Norman, tatanggapin niya ang estado mo sa buhay. At kung hindi ka niya ikinakahiya, tulad ngayon ay dapat na matuwa ka." She said matter-of-factly."Hello, Marga," bati ni Norman nang makalapit ito sa kanila. Tinanguan niya ito. Inakbayan nito ang kasintahan at niyuko. "What's the matter?"
Napilitang ngumiti ang kanyang kaibigan. "Hindi mo sinabing may mga kasama ka, Norman..." may bahid tampo ang tinig nito.
Umangat ang balikat nito bilang pagkibit. "Anong problema roon? Mga kaibigan ko sila at girlfriend kita." Sa tinig nito ay tila wala lang rito ang sinasabi ng kasintahan.
Naaaliw si Margarette habang nakatitig sa dalawa. Kilala si Jordan sa eskwelahan bilang heartthrobe at playboy. Idagdag pa ang ina nitong Dean sa eskwelahang pinapasukan. Nang ibalita sa kanya ni Amifaye ang panliligaw rito ni Norman ay walang kaabog-abog siyang kumontra. Kaliwa't kanan ang girlfriends nito sa eskwelahan man o sa labas. Kaya naman nang sagutin ito ng kaibigan ay hindi siya sumasama sa dalawa kapag niyayaya siya ni Amifaye. Ngunit nang malamang hindi ito sumasama sa ibang babae at tanging ai Amifaye lang ang kasama nito sa isang taong relasyon, unti-unti niyang nakapalagayan ng loob ang lalaki. And she's happpy for her bestfriend.
"Sinabi ko na sa iyo noon, Ami, hindi ko hahayaang husgahan at laitin ka ng mga kaibigan at kakilala ko. Hindi ko sila kasama rito kung hahayaan kong gawin nila sa iyo iyon..." Nanatiling walang kibo ang kaibigan ni Margarette.
"Ami, 'wag mo ng pahirapan ang boyfriend mo, alam ko namang kanina ka pa kilig na kilig diyan!" Tukso niya. Nakikita niya ang kislap sa mga mata ng kaibigan.
Pabirong umirap si Amifaye. "Okay, fine! Let's go. Sayang naman ang libre kung aalis lang tayo, friend!" Humawak na ito sa braso ng boyfriend na nagtatawa.
Ipinakilala sila ni Norman sa mga kasama nito. Wala siyang maipupuna sa mga kaibigang lalaki ni Norman. Mababait ang mga ito at hindi tinititigan si Amifaye na tila hindi welcome. Pero ang girlfriends ng mga ito ay nakataas ang mga kilay kay Amifaye. Ngunit naaaninag niya sa mukha ng kaibigan ang balewalang tugon. Maluwag siyang nakahinga. Atleast, hindi na iyon problema pa ng kaibigan.ALAS-tres ng hapon. Nakababagot na oras ng buhay niya. Ang oras dapat na iyon ay klase nila sa subject na Araling Panlipunan. Ngunit wala ang adviser nila dahil mayroong biglaang meeting sa Dean's office kung tungkol saan man iyon ay hindi na niya napakinggan kaninang inaanunsyo iyon ng principal.
Ang mga classmates niya ay abala sa kanya-kanyang agenda: may tinatawagan gamit ang mga cellphones, na minsan ay pinangarap niyang sana ay nagkaroon din siya. Ngunit ayaw ni Azon dahil ayon dito ay iyon na lang ang gagawin niya sa maghapon.
Nilingon naman niya ang kabilang bahagi ng classroom. Nag-uumpukang tila mga langgam ang mga classmates niya at nagkukuwentuhan habang naghahalakhakan, siguradong tungkol sa boys ang pinag-uusapan. Ang ilan naman ay nagbabasa ng pocketbook. Ang kaibigan naman niyang si Amifaye ay kausap si Norman. Halos magdikit ang katawan ng mga ito, walang pakialam kung makita ng kapwa estudyanteng naghahalikan at parang may sariling mundo.Huminga siya ng marahan. Ang boring naman ng buhay niya. Walang mapagkaabalahan. Dapat ay makumbinsi niya ang kanyang lola tungkol sa Intramural's day. Sisiguraduhin niyang mag-e-enjoy siya sa limang araw na programa.
Muling sinulyapan ni Margarette ang relo sa braso. Isang oras pa ang hihintayin bago mag-uwian.
Wala sa loob na napalingo siya sa may bintana. Pamilyar na mga mata ang bumungad sa kanya. Ang natutulog niyang puso ay biglang bumayo ng malakas! Ang lalaking iyon! Kinalma niya ang sarili upang magbalik sa normal ang paghinga. Palagi na lang bang ganito sa tuwing makikita ang lalaking iyon?
May kausap itong kapwa estudyante at manaka-naka siyang tinititigan. Wala naman makita si Margarette na ekspresyon sa mukha nito tulad pa rin ng dati. Ngunit anumang oras ay matutunaw siya sa simpleng titig lang nito. Nang titigan siya ng matagal ng lalaki ay hindi magawang magbawi ng tingin si Margarette. Tila nahihipnotismo siya ng asul na mga mata nito."Marga, may bisita ka sa labas..." napaigtad pa siya ng tapikin ni Amifaye. Hindi niya namalayang lumapit ito. Gano'n ba katagal silang nagtitigan ng estrangherong iyon? At nang lingunin niya itong muli ay wala na roon. Muli, nakadama siya ng panghihinayang.
"Sino bang bisita ang sinasabi mo?" Naiirita niyang sabad.
"Sino pa ba, eh, 'di 'yong manliligaw mo!" Nanunuksong sabi ni Amifaye.
Nawala sa isip niya si Jordan! Ni hindi nagawang sumingit sa isip niya ang huling pagkikita nila dahil ang buong pag-iisip ay nasa estrangherong lalaking iyon!
Guiltily, napaangat siya ng tingin sa kaibigan.
"Please, do me a favor..."Nagsalubong agad ang mga kilay ng kaibigan. "What favor?"
"Sabihin mo kay Jordan na busy ako... O kahit na ano, ikaw na ang bahala." She bit her lip. Hindi niya nais magsinungalung ngunit hindi naman niya kayang tanggihan ng harap-harapan si Jordan.
"Pero bakit?" Lalong lumalim ang kunot nito sa noo. "Akala ko ba ay nagkakamabutihan na kayo ng pinsan ko, Margarette?" Nagtaka ang dalaga sa biglang pag-iba ng tono ng kaibigan.
"Napakabait ng pinsan kong iyon. Madaling masaktan at sentimental. Guwapo rin ito. Ano pa ang hahanapin mo?"Nagbuka siya ng bibig upang magsalita ngunit muling sumingit si Amifaye.
"Bigyan mo ng pagkakataon si Jordan, Marga. Mabuting tao ang pinsan ko." Pagkasabi niyon ay mabilis na tumalikod.
Napuno ng pagtataka si Margarette. Parang may namuong tensyon sa kanilang magkaibigan. Gusto niyang isiping hindi siya binigyan ni Amifaye ng pagkakataon para sabihin ang nais. May pakiramdam siyang ipinagtutulakan nito ang pinsan sa kanya.
Ano ngayon ng gagawin niya? Hindi niya alam. Bahala na ang bukas.
Tumayo siya at tinungo ang corridor. Sa kaliwang bahagi ay naroon nakatayo si Jordan. Atubili siyang lumapit rito at pilit rin ang ngiting pinakawalan niya. More on obligation dahil ngumiti ang binata sa kanya."May kailangan ka ba?" Tanong niya nang makalapit.
Nagkibit ito. "I just missed you," nang akma siyang hahagkan ay umatras siya.
"T-this is a public place, Jordan, ayaw ko ng agaw atensyon..." at hindi lang iyon. Nasa paaralan sila at kapag may nakakita sa kanilang propesor ay baka ma-office siya at ma-suspend! Tiyak hindi magugustuhan ng lola Azon niya iyon!
Umangat ang kilay nito.
"Come on, hindi lang tayo ang gumagawa nito, Marga.""P-please, Jordan---"
Hindi niya nagawang pigilan ito at nagawang madali ang gusto. Saglit lang ang halik ngunit nakaramdam siya ng pagkapahiya. At isiping hindi pa man niya sinasagot ang lalaki!"Kung mamutla ka diyan ay tila hindi ka pa nahagkan." Nakatawang sabi ni Jordan.
Gusto niyang isigaw rito na hindi pa siya kailanman nahagkan at ito ang unang lalaking nakahalik sa kanya. Ngunit pinigil niya ang sarili. Mapapahiya lang siya kay Jordan at baka pagtawanan pa nga."Ano ang kailangan mo, Jordan?" Malamig pa sa yelo ang tono niya. Nagsalubong ang mga kilay ng kaharap.
"Sabihin mo ng mabilis at may ginagawa ako." Hindi niya gustong maging rude pero naiinis siyang talaga dahil sa pagkapahiya.
Malamang na pagpasok niya sa loob ay hiyawan ng mga classmates ang sasalubong sa kanya."Is that a drama?" Hindi matapus-tapos ang panunudyo nito. Nag-init ang pisngi ni Margarette. Hindi niya alam ang ganitong pag-uugali ni Jordan sa tagal nang pagkakilala rito. Nang hindi siya kumibo ay sumeryoso ito.
"Alright. Gusto lang kitang yayain sa Tab's..." ang tinutukoy nito ay ang kainan/tambayan ng mg estudyante kapag walang klase. At malapit lang naman iyon doon.
Pinakatitigan ni Margarette ang binata. Namumula ang mga mata nito. Ipagkakamali niyang umiyak. May problema ba ito? Kaya ba siya niyayayang lumabas para maglabas sa kanya ng saloobin?Huminga siya ng malalim bago, "Hintayin mo ako at kukunin ko lang ang mga gamit ko." Ngumiti sa kanya ang binata at hinintay siya.
Kumuha ng pangdalawahang mesa si Jordan sa isang sulok at tinawag ang waiter. Umorder ito juice para sa kanya at beer para sa sarili.
Nagtaka siya. Bakit nagseserve ng alak ang karinderya gayong puro estudyante ang customers? Baka sa likod ng karinderya ay mayroon pang bar, naisip niya."Ano ang gusto mong kainin?" Tanong nito.
"Ayos na sa akin ang juice..." nang wala naman magustuhan ang binata sa menu ay binalik na ito sa waiter.
"Ano ang gusto mong sabihin at kailangang dito pa tayo magtungo?" Tanong ni Margarette.
She surveyed the place. Karamihan sa ginamit na materyales ay kawayan na maninipis at nalinahan. Ang mga dingding naman ay mga buho na galing din sa puno ng kawayan. Ang bubong ay nipa hut kaya presko sa loob.
Paminsan-minsan ay dito sila nagtutungo ni Amifaye kapag may budget dahil may kamahalan ang mga pagkain. At madalas, maraming tao ang kumakain dito. Ngunit ngayon ay iilan lang.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Pinili Ko, Ikaw Ang Mahal Ko(COMPLETED)
RomanceNamulat si Margarette sa munting pantasya na balang araw ay magkakaroon din siya ng "prince charming". At nakita niya iyon sa katauhan ni Jordan. Ngunit tila may kulang. At nang matuklasan niya ang panloloko nito ay lahat ng pantasya niya ay biglang...