ISANG linggo matapos ang graduation ng kanyang kapatid na dinaluhan nila ng kanyang ama, naganap ang magarbong kasalan ng taon. Si Zai ay napakaganda sa bridal gown nitong Monique Lhullier ang may gawa. Siya ang napisil nitong maid of honor. Kinawayan niya ang mga ito at lumapit.
"Ate!" Agad itong yumakap sa kanya.
"Your so blooming and inlove!" She giggled. "Congratulations to both of you." Kinamayan niya si Jace na napakatikas sa suot na barong Tagalog. Nakilala niya ito noong graduation ng kanyang kapatid.
Nagtatrabaho ito sa isang firm kung saan security guard ang papa nila at doon nag-umpisang magkakilala rin ang dalawa.
"Thanks, Marga," nakangiting wika nito at magalang na tinanggap naman ang pakikipagkamay niya.
Pinili nitong bestman si Junior na tahimik lang sa isnag sulok. Humingi siya ng paumanhin sa dalawa at tinungo ang kapatid.
Nakangiti siyang lumapit dito. "Ang gwapo mo sa suot mo, ah," tukso niya. Inayos niya ang nayuping kwelyo nito.
Sa pananatili niya sa bahay, hindi pa sila nagkasarilinan magkapatid. Palagi lang siya nitong tinatanguan o kaya ay nginingitian.
"Salamat, ate," kudlit itong ngumiti.
"Ang daming kadalagahan dito," sinuyod niya ng tingin ang mga babaeng nakatingin sa direksyon nila at lihim na napapangiti. "Imposibleng wala kang iuuwi." Natatawang sabi niya.
Napakamot sa ulo si Junior na nakangiti. Ilang sandali pa ay sumeryoso ito at niyakap siya. "I'm sorry..."
Pinigil niya ang luhang nagbabadyang pumatak. Alam niya ang ibig tumbukin ng salita ni Junior. Alam nito ang mga kalokohan ng kanilang ina noon pa man ngunit imbes na pagsabihan ay tila wala itong pakialam at sarili lang ang iniisip.
Nagbago ito nang umalis siya. Sinabi sa kanya ni Zai na palagi nitong pinagsasabihan ang kanilang ina. Nagsimula na rin itong maghanap noon ng trabaho.
Tila may natanggal na tinik sa dibdib niya dahil sa mga salitang iyon. "Ayos lang. Nakalipas na iyon..."Ilang sandali pa ay nag-umpisa na ang seremonyas ng kasal. Si Ruffy ang naghatid sa altar kay Zai. Mula sa ritwal na ginagawa ng nagkakasal para sa dalawang ikinakasal. At ang pagpapalitan ng vows at pagbibigay ng singsing sa isa't isa.
Hanggang sa ianunsyo ang: "You may now kiss your bride." At lahat ay nagsipalakpakan.
Bago sumakay ang bride at groom sa bridal car ng mga ito, nakahanda ang bride na ihagis ang hawak nitong bulaklak. Walang balak na makisali si Margarette kaya sinadya niyang sa hulihan pumwesto. Hindi siya naniniwala sa ganoon.
Malakas na inihagis ni Zai ang bungkos ng bulaklak sa ere. Tila may sariling paa ito alam niyang sa direksyon niya ito papunta! Umatras siya, nakahandang saluhin ito. Ngunit bago pa man iyon bumagsak sa mga kamay niya ay may nakasalo na sa likuran niya. Nagsitilian ang mga kababaihan sa kung sino man ang nakasalo.
Pagharap niya upang makita kung sino ang babaeng nakasalo niyon ay laking gulat niyang lalaki ito! At iyon ay si Rod!
"How are you? It's been a long time." His mouth twitched in a wry smile. A gorgeous smile for that matter.
She blush. "H-hi..." ang tangi niyang nasabi. Muy estupida!
Tila ba kay tagal niyang hindi ito nakita. At tila ba sila lang ang tao roon. Ang mga mata nila ay nagsasayaw sa tuwa at galak. Aaminin niyang nagagalak siyang makita ang binata. Nakahanda itong iabot sa kanya ang bulaklak. Nasa puntong tatanggapin na sana niya iyon ngunit may biglang sumulpot sa likuran nito at hinablot iyon.
"Thank you, lover boy..."
Si Lisa, ang kanyang ina! Masayang sinamyo nito ang bulaklak at sinasadyang idinidikit ang katawan nito kay Rod! Nanlaki ang mata niyang hindi makapaniwala. Paanong nagkakilala ang dalawa? Saan? Kailan?
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Pinili Ko, Ikaw Ang Mahal Ko(COMPLETED)
RomanceNamulat si Margarette sa munting pantasya na balang araw ay magkakaroon din siya ng "prince charming". At nakita niya iyon sa katauhan ni Jordan. Ngunit tila may kulang. At nang matuklasan niya ang panloloko nito ay lahat ng pantasya niya ay biglang...