MAKAILANG katok ang ginawa niya bago bumukas ang pinto.
"Ate!" Si Zai na agad yumakap sa kanya. "Nagbalik ka!"
Ginantihan niya ito ng isang mainit na yakap. Pitong buwan lang siyang nawalay sa kapatid ngunit tila taon na kung wariin.
"Kamusta kayo? Nasaan si Junior? Si mama at papa?" Tuloy-tuloy niyang sabi habang naglalakad papasok.
Walang pinagbago ang bunggalo nilang bahay. May nadagdag lang na kaunting dekorasyon ngunit ang hitsura at istraktura ay ganoon pa rin. Maganda at maaliwalas.
"Mabuti naman, ate, ganoon pa rin,"
Inilapag niya ang dalang maleta at naupo sa sofa. Tila siya hapong-hapo.
Si Zai ay nagtuloy sa kusina at nang magbalik ay dala na nito ang baso ng tubig. "Heto uminom ka muna..." uminom naman ang dalaga. Dahil natutuyo na ang lalamunan niya sanhi ng mahabang biyahe.
"Si Junior, 'ayun at may maayos naman ng trabaho. Mabuti at nakapag-isip na ng mabuti." Patuloy ni Zai.
"Ang mama at papa?" Tanong niya.
Mabigat na nagbuntong hininga ang kapatid. Nahuhulaan na niya kung bakit. "May bagong kinalolokohan na naman..."
"A-Alam ba ng papa?"
"Siyempre hindi!" Halos pumiyok ito. "Lagi nga silang nag-aaway dahil hindi na inaasikaso ni mama ang papa, ate," pagbibigay-alam nito.
Alam niyang hindi pa rin nagbabago ang kanyang ina sa pangit nitong gawain, kahit noong umalis siya. Ngunit anong magagawa niya? Hindi niya ito maaaring awayin at sumbatan. After all, ina niya ito at kung hindi dahil rito ay wala silang magkakapatid ngayon.
"Mamaya ay narito na ang papa, ate. May bagong trabaho ito sa construction site..."
"Ano!" Nagulat siya. Hindi maaaring mamasukan bilang construction worker ang papa niya dahil payat ito at may sakit pa sa baga.
"Iyan nga ang pinapayo namin sa kanya ngunit hindi naman nakikinig." Wika ni Zai na nahuhulaan ang kanyang nasa isip. "Kaya nga naghanap agad ng trabaho ang kuya. Pinalad naman siya at natanggap naman sa isang restaurant bilang crew."
Napahawak siya sa kanyang sintido. Tama lang ang desisyon niyang umuwi. May katuwang na ang mga kapatid ang papa niya. Hinarap niya si Zai at ngumiti. "Ikaw kamusta naman ang pag-aaral mo?"
Nagkibit ito at balewalang sumagot. "Heto magtatapos na sa isang linggo..."
Napahugot siya ng hininga. Agad na niyakap ang kapatid. "Congratulations!"
"Thanks ate,"
Maya-maya pa ay sumeryoso ang kapatid sa pagtataka niya. "M-may problema ba?" Pinakatitigan niya itong mabuti.
"Eh... kasi ate..." hinintay niya itong mulimg magsalita. She didn't interrupt.
"Niyaya na akong magpakasal ni Jace... isang buwan pagkatapos ng graduation ko."
Hindi niya nagawang magsalita pagkarinig niyon. Pakiramdam niya ay nakaringgan lamang iyon at hindi naman talaga iyon ang sasabihin ng kapatid. Maya-maya ay...
"B-buntis ka ba?"
Natawa si Zai. "Hindi, ate, ano ka ba,"
"Eh, ano?"
"Mahal niya ako, ate..." nahihiyang wika nito. "Sa lahat ng nakilala ko, siya lang ang nagparamdam na mahalaga ako..."
"Do you love him?"
"Very much..."
Isang marahang paghinga ang pinakawalan ni Margarette. "I am happy that you're happy..." at nagyakapan ang dalawa.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Pinili Ko, Ikaw Ang Mahal Ko(COMPLETED)
RomanceNamulat si Margarette sa munting pantasya na balang araw ay magkakaroon din siya ng "prince charming". At nakita niya iyon sa katauhan ni Jordan. Ngunit tila may kulang. At nang matuklasan niya ang panloloko nito ay lahat ng pantasya niya ay biglang...