Ewan ba niya ngunit para bang nag-echo sa pandinig niya ang huling sinabi ni Rod. Parang nagtipun-tupon muli ang mga paru-paro sa dibdib niya! Walang kasing saya ang nararamdaman niya dahil sa narinig. Para lang siyang nananaginip. Totoong hindi siya makapaniwala!
"I love you, Margarette Gonsalez. I love you since the first time I laid my eye on you," he declare lovingly.
"Please, marry me..."Namilog ang mata ni Margarette. Hindi niya makuhang mgsalita, ni huminga! Kung kanina ay nagulat siya, mas na ngayon.
"N-nagbibiro ka ba?"
He smile sweetly. He took her hand and kiss it. "Hindi ko kayang ipagbiro ang bagay na ito, mahal ko." Pagkatapos ay lumuhod ito. Mula sa bulsa ay may kinuhang kaheta. At nang buksan nito ay halos malula siya sa kislap na nanggagaling sa bato. Napakaganda at napakakinang ng maliliit na brilyante!
"Tatanungin ulit kita, Ms. Gonsalez, will you be my Mrs. Samente?"
"Yes..." she whisper.
"Yes?" Ulit nito.
"Yes, yes, yes!" Ngumiti ang binata at isinuot ang singsing sa palasingsingan ni Margarette. Pagkatapos ay niyakap ito. Inikot-ikot. Halos mapatili sa tuwa si Margarette. Hindi niya inaasahan ang ganitong uri ng kagalakan.
Muli ay hinawakan siya nito sa pisngi at hinagkan. Bumaba ang isang kamay nito sa dibdib niya. Hindi niya napigilan ang pag-alpas ng ungol. She want him, now, and she have nothing to do with it.
Tila may sariling isip ang mga kamay niyang nagtungo sa dibdib ni Rod at hinagilap ang butones nito at pinagtatanggal. Ganundin ang ginawa sa kanya ni Rod. Pagkatapos ay muling hinagkan siya tainga, pisngi at leeg, pababa sa kanyang dibdib. Pinigil niya ang mapasinghap. Hanggang sa maihiga siya ni Rod sa kama. At muli na naman nilang pinagsaluhan ang kaluwalhatian.
Nang magising si Margarette ng madaling araw, hindi pa rin siya makabawi sa pagkamangha sa ipinagtapat ni Rod.
Itinaas niya ang kamay kung saan suot ang singsing. Nakangiti siya habang sinasalat ito. Napakasaya niya. Pinakatitigan niya ang mapapangasawa. Isa sa mga araw na ito ay ikakasal na rin siya at sa taong mahal niya. Hinaplos niya ito sa pisngi at hinagkan dahan-dahan. Umungol si Rod at bahagyang nagmulat. Hinapit siya nito at hinagkan sa leeg.
"Sorry, nagising kita," she mouthed.
"Gusto mo ba?" He joke. His voice horse from asleep. He planted small kisses on her shoulder. She giggle. And so, he take her again.
Una siyang nagising kinabukasan. Naisipan niyang magluto ng agahan upang pagsaluhan nila ni Rod. Kahit pa nga ba alas-diyes na siya nagising. Napangiwi siya sa sarili. Hindi siya wife material pero excited na siyang maikasal kay Rod.
Ang mama at papa niya at si Junior ay hindi umuwi kagabi. Siguro ay pinanatili muna ang mga ito ng mag-asawang Ventura---ang mga magulang ni Jace.
Nagitla pa siya nang biglang may humawak sa balakang niya. "Uhmm... ang bango naman..." si Rod at ibinaon ang mukha nito sa kanyang batok.
"Me or the bacon?" She giggle.
"You."
Umismid siya. "Bolero."
Iniharap siya nito pagkatapos ay mapusok na hinagkan. Binuhat at iniupo sa kalapit na mesa ng lababo. Tuluyang nakalimot si Margarette at bumagsak sa lupa ang hawak nitong sandok. Marahan siyang hinahagkan ni Rod sa labi, sa baba at mukha. Sinasadya man o hindi, nararamdaman niya ang pagbangga ng pagkalalaki nito sa kanyang puson. Tinutukso-tukso siya. At tila naman siya baul na uhaw sa ulan.
Nasa ganoon silang ayos ng bumalandra pabukas ang pinto. Kasabay ng malakas na singhap ni Lisa ay ang pagtulak niya kay Rod palayo at mabilis na inayos ang sarili. Para siyang nahuli sa malaswang tagpo. Mabuti na lang ay nakaligo na siya at nakadamit ng disente. Habang si Rod ay nakapantalon at T-shirt. Tumitig siya rito. Walang ibang reaksyon sa mukha nito kundi iritasyon sa naantala nitong pag-angkin sana sa kanya. Dito mismo sa kanilang kusina. Nag-init ang pisngi niya sa naisip.
Sumunod na pumasok si Ruffy at Junior. Pagtataka ang sa mukha ng mga ito. "Anong ginagawa niyo!" Umpisa ni Lisa. "Bakit bigla ka na lang nawala kahapon sa kasiyahan, Rod, nang hindi nagpapaalam sa akin."
"Hindi ko kailangan magpaalam sa iyo kung saan ko gustong pumunta, Lisa." Nasa tinig ng binata ang awtoridad. "Bago ako magtungo rito kagabi---"
"Iniwan mo ako dahil sa babaeng iyan!" Nanlisik ang mata nitong nilingon ang dalaga.
Doon pumagitna si Ruffy at hinawakan sa kamay si Lisa. "Kinausap ako kagabi ni Rod tungkol sa nangyari sa kanila ng anak natin. Isa pa, nagpaalam siya ng maayos upang hingiin ang kamay ni Margarette."
Napasinghap si Lisa. "Hindi totoo iyan! Hindi maaari!" Padarang na hinila ang kamay sa asawa at nakahandang sugurin si Margarette. Mabilis na humarang si Rod.
"May sariling isip ang anak mo at alam na niyang pumili kung ano ang makakabuti sa kanya." Awat ni Ruffy sa asawa.
"Paano ang naging relasyon natin, Rod? Basta-basta mo na lang bang itatapon iyon?
"What?" Rod was hilarious. "Wala tayong naging relasyon, Lisa. Nirerespeto kita bilang ina ng babaeng mahal ko kahit alam ko ang lahat-lahat tungkol sa iyo." Napailing ang binata. Hindi makapaniwala.
"Mabuti pa umalis na tayo para makapag-usap ang dalawa, Lisa," ani Ruffy at inakbayan ang asawa.
Ngunit hindi nagpapigil si Lisa at itinulak ito. "Isa ka pa!"
Nang sa paglingon nito ay isang matulis na bagay ang nakita nito at itinutok sa sarili. Nabigla ang lahat. Si Rod ay hinawakan si Margarette dahil tangka nitong lalapitan ang ina. Ganoon din si Ruffy ngunit umawat si Junior.
"Kung hindi ka mapapasakin, mas mabuting mawala na lang ako!"
"Ano bang sinasabi mo! Bitiwan mo iyan at mag-usap tayo!" Humakbang palapit si Ruffy.
"Hindi ikaw ang gusto kong makausap!" Itinutok nito ang matalim na bagay sa asawa.
"No!" Sigaw ni Margarette. Tila siya mawawalan ng hininga sa nangyayari. Inawat siya ni Rod sa tangkang paglapit sa ina.
"Let me handle this, sweetheart..."
"Please, no!" Awat niya. "Baka masaktan ka niya at---"
"Walang mangyayari sa akin. Kailangan kong awatin ang mama mo bago pa siya makapanakit ng iba." Hinawakan siya nito sa mukha at hinagkan sa noo.
"Mag-iingat ka..." bulong niya.
Nang makalapit si Rod kay Lisa at itutok sa kanya ang patalim, mabilis na gumana ang reflexes niya at pailalim na hinablot ang hawak nito. Ang hindi alam ng binata ay nakahanda ito sa anumang mangyayari. Tinapakan nito ang paa niya at nasaktan siya. Nabitawan ang patalim na mabilis na nakuha ni Lisa sa sahig at walang kahirap-hirap na tinarak ito sa dibdib.
Parang huminto ang paghinga ni Margarette nang bumagsak sa lupa si Rod. Nakadilat pa ito at nakatitig sa kanya. Pagkatapos ng ilang sandali ay nawalan na ito ng malay. Nagpanic siya.
"Junior, humingi ka ng tulong!" Tumalina naman ito.
Si Ruffy ay agad na inagaw ang patalim kay Lisa na nakaestatwa at tila batang umiiyak. Tila wala na sa sarili.
Dahan-dahang nilapitan niya si Rod at napahagugol sa tabi nito. "No!" Nag-echo iyon sa buong kabahayan.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Pinili Ko, Ikaw Ang Mahal Ko(COMPLETED)
RomanceNamulat si Margarette sa munting pantasya na balang araw ay magkakaroon din siya ng "prince charming". At nakita niya iyon sa katauhan ni Jordan. Ngunit tila may kulang. At nang matuklasan niya ang panloloko nito ay lahat ng pantasya niya ay biglang...