Ang Ikasampung Kabanata

843 17 0
                                    

"ANO'NG mayro'n at mukhang masaya ka, besy?" Tanong agad sa kanya ni Amifaye, pagkalabas ng kanilang adviser sa asignaturang Filipino.
"Nag-propose na ba si Jordan, ha?" Tudyo pa nito.

Natawa ng malakas si Margarette. "Hindi, Ami. Though, I hope he does," she giggled. "Ihahatid ako ni Jordan sa bahay at ipakikilala ko siya sa lola bilang boyfriend ko!" Natutuwa niyang balita sa kaibigan.

"Natutuwa ako para sa inyong dalawa kung gano'n," nakangiti ang kaibigan niya ngunit iba ang sinasabi ng mga mata nito. Napailing si Margarette. Siguro ay imahinasyon lamang niya iyon. Mabilis na inalis niya ang agiw sa isip at nginitian ang kaibigan.

Kung hindi dahil kay Amifaye, hindi sila magkakakilala ni Jordan. Hindi pa man niya nakikita ang binata ay lagi nang ibinibida ni Amifaye ang pinsan. Guwapo at mabait, at ang pinakagusto daw nito sa pinsan ay maganda ang boses kapag nagsasalita. At totoo naman dahil iyon din ang unang napansin niya sa binata.
Nang ipakilala sila ni Amifaye sa isa't isa ay simple 'hi' and 'hello' lang ang ginawa ng dalawa. Matagal bago siya kinausap ni Jordan at ang unang pag-uusap nila ay nang biglang magsabi ito ng panliligaw sa kanya. Bagaman napakabilis ng mga pangyayari ay hindi na iyon mahalaga pa kay Margarette. Ang importante ay nagkakaroon na ng oras si Jordan sa kanya kahit minsan ay tahimik ito.

"Mauuna na ako sa iyo kung gano'n, Marga," pukaw ni Amifaye sa pagmumuni-muni niya.

Tumango siya rito at ngumiti. "Mag-iingat ka, besy." Kumaway si Amifaye dito habang palayo.

Nang makarating si Margarette sa lugar kung saan sila magkikita ni Jordan ay panay ang tayo at upo niya sa sementadong bench. Naiinip na siya. Halos lagpas tatlompung minuto ng late si Jordan sa usapan. Alas-singko na at four-thirty ang usapan nila ni Jordan.
Nababagot na naupong muli si Margarette sa paikot na bench. Sinuyod ang kapaligiran. Iilan na lang ang mga estudyante at naghihintay ng masasakyang jeep o tricycle at kapag nakasakay na ang mga ito ay maiiwan na lang siyang mag-isa roon. Biglang kinabahan si Margarette. Bagaman wala pa naman naibabalitang napahamak na estudyante sa paaralan ng Cagayan, hindi maiwasang matakot ni Margarette lalo at gumagabi na.
Ang paaralan ay napapaligiran ng mga puno, karamihan ay ng mga sampalok. May mga halamang daisy at birds of paradise.
Ang kinaroroonan niyang kiosk ay nasa tabi lang ng highschool department. Ang tapat na iyon ay natataniman ng santan sa iba't ibang kulay. Itinanim doon upang magsilbing gate ng kiosk. Ang boundary ng paaralan ay mga dormitoryo para sa mga babae at mga lalaki.
Walang makapapasok na taga-labas sa paaralan dahil may bantay na guwardya bente-kwatro oras ang main gate, at malayo pa iyon sa kinauupuan niya.
Natanaw niya ang mga estudyanteng nagsisakay na sa huling tricycle. Nagpalinga-linga siya ngunit wala na siyang matanaw na mga tao sa lugar. Muli siyang naghintay. Siguro ay may nangyaring hindi maiiwasan kaya natagalan ng ganoon ang nobyo.
Subalit tila siya naghihintay sa isang patay. Ni walang palatandaan kung may tunog man lang ng motorsiklo ng kasintahan.
Sunud-sunod ang hiningang pinakawalan ni Margarette bago tumayo at nagdesisyong maglakad hanggang main gate kung saan umaasa siyang may dadaang pampasaherong jeep. Pakiramdam ni Margarette ay kay bigat ng mga paa niya. Tila siya umaakyat sa bundok. Naisip niya ang oras ng uwi. Ginabi na siya. Tiyak na naghihintay sa kanya ang sermon. Lalo na ang lolo Rolly niya. Isa sa mga ayaw ng matandang lalaki ay kapag ginagabi siya ng uwi.

Gusto maiyak ni Margarette sa sama-samang disappointment, pagkapahiya, at takot sa kapaligiran. Ngunit hindi niya kailangan ang mga luha ngayon. Ang kailangan niya ay tapang upang makauwi siya sa kanila. Binilisan niya ang paglalakad. Hindi alintana ang kabang nadarama.
Natatanaw na niya ang gate ng eskwelahan. Iyon lang ang tanging may liwanag na nanggagaling sa ilaw ng poste at alam niyang naroon ang guwardyang nagbabantay.
Sa patuloy na paglalakad ng dalaga, nakarinig ito ng ingay ng motorsiklo. Sunud-sunod ang tahip ng dibdib niya, kung para sa takot ay hindi niya alam. Ngunit wala sa loob na napalingon si Margarette. Tinakpan niya ng bahagya ang mata ng palad dahil nasisilaw sa headlight ng sasakyan.
Huminto sa mismong tapat niya ang bike. Lumamlam ang ilaw ng headlight ng bike at nang magtanggal ng helmet ang sakay nito ay napakurap si Margarette. Hindi makapaniwala sa nakita. Nagngangalit ang dibdib niya sa malakas na pagkaba sa pagkakatitig sa mukha ng lalaki.
Si Rod ay nabigla rin. Sa malayo pa lang ay may ideya na siya kung sino ang naglalakad mula sa dilim. Ngunit hindi iyon makapasok sa isip dahil imposible. Ngayon ay napagtanto niyang tama siya. Si Margarette nga ang nakita niya. Ngunit bakit? Ano ang ginagawa ng babaeng ito sa gitna ng kadiliman?

Ikaw Ang Pinili Ko, Ikaw Ang Mahal Ko(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon