HINDI niya alam kung ano ang nagpagising sa kanya. Mataas na ang araw. Hindi niya magawang magmulat dahil tumatama ang sikat ng araw sa mga mata niya. Nang mapagtantong wala siyang saplot at tanging kumot ang nagtatakip sa katawan ay agad siyang napabangon upang mapangiwi lamang. Pakiramdam ni Margarette galing siya sa isang digmaan at nakipaggiyera. Sumasakit ang buong katawan niya. Lalo na ang ibabang bahagi nito.
Inalala niya ang naganap sa kanila ni Rod sa nagdaang gabi. Napangiti siya. Siguradong bagong gisiing lang nito dahil naroroon pa rin ang bakas sa unan nito. Inabot niya ito, niyakap at nilanghap ang mahipnotismong amoy na naiwan mula sa binata.
Ang naunang pagtatalik nila ay nasundan pa ng dalawa.
"Hindi ko makakayang pagsawaan ka, Margarette..." minsan sabi nito habang siya ay inaangkin nito.
Alas-tres ng madaling araw na nang mapagpasyahan ni Rod na bigyan siya ng magandang tulog. Hindi niya kayang pigilin ang pag-alpas ng masarap na kiliti paibaba. Tila nasa alapaap ang isip niya nang biglang bumukas ang pinto.
"Hija, dinalhan na kita rito ng agahan dahil hindi ka pa bumababa." Ani Aling Esther na binalewala ang kanyang pagkakabuhol ng kumot. Gayunpaman itinaas pa niya hanggang leeg ang kumot upang matakpan ang kanyang kahubdan.
"Hindi na ho sana kayo nag-abala pa..." nakadama siya ng pagkapahiya.
"Naku! Ang batang ire," iwinasiwas nito ang mga kamay. "Oh, siya bababa na ako, hija. Si Rod ay nasa veranda nagkakape."
Nag-init ang mga pisngi niya sa pagkapahiya. Mabuti na lamang ay tumalikod na ang matanda upang lumabas ng silid.
Ipinulupot niya ang kumot sa katawan bago tumayo. Nalanghap niya ang amoy ng kapeng dala ni Aling Esther kanina. Kinuha iyon mula sa mesa at humigop. Sa tabi nito ay kaning sangag, pritong itlog at tocino. Mukhang masarap ngunit hindi pa siya nagugutom.
Saka pa lamang inilapag muli ang baso sa mesa nang makalahati na niya ang laman nito. Pagkatapos ay tinungo ng mga paa niya ang teresa na kanugnog ng silid. Binuksan niya ang french door at bumungad ang kagandahan ng paligid. Nasa bandang tagiliran ang teresa kaya naman nakatapat ito sa malaking swimming pool na hugis paa. Naroon din ang iba't ibang uri ng halaman sa iba't ibang kulay.
May mesang bakal roon at tatlong upuan na bakal rin ang disenyo. Nakatayo roon si Rod na tila may kausap. Hindi siya ipinanganak na tsismosa ngunit nanaig ang kanyang kuryosidad. Lumapit pa siya sa dulo ng veranda at doon nakita niya si Zara.
Ito ba ang sinasabi ni Aling Esther na kausap ni Rod? Siya na rin ang sumagot sa sariling tanong. Dahil basa ang buhok ng mga ito at mukhang galing sa paliligo sa pool. Si Rod ay suot ang swimming trunks at si Zara ay ang two piece yellow bikini nito. Napalunok siya. Pakiramdam niya ay babagsak na ang mga luha niya anumang oras.
Kahit pala napatunayan niya kay Rod na walang ibang lalaki ang umangkin sa kanya, wala pa rin palang kwenta iyon. Dahil heto at pagkatapos niya ay kay Zara naman ito nagpakasasa!
Napigil sa mga mata niya ang nagbabadyang luha nang malingunan siya ni Zara. Naramdaman marahil nito anv presensya niya. Nakangiti ito para kay Rod ngunit sa mga mata nito ay ang matinding galit pagkakita sa kanya. Lalo na nang mapansin nito ang kanyang ayos.
At nang ipulupot nito ang mga braso kay Rod at hagkan ito sa mapusok na paraan ay daig pa niya ang nakakita ng ahas. Ang nakabiting mga luha ay nag-umalpas. Ang kirot sa puso ay kanyang damang-dama. Tila siya mawawalan ng hininga sa puntong iyon. Hindi na siya nakatiis at patakbong pumasok muli sa silid. Nadaanan niya ang kama na kagabing pinagsaluhan nila ni Rod. Naroon ang bahid ng dugo katunayang pag-aari na siya nito. Impit siyang napaiyak. Itinakip roon ang ibinuhol na kumot sa sarili.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Pinili Ko, Ikaw Ang Mahal Ko(COMPLETED)
RomanceNamulat si Margarette sa munting pantasya na balang araw ay magkakaroon din siya ng "prince charming". At nakita niya iyon sa katauhan ni Jordan. Ngunit tila may kulang. At nang matuklasan niya ang panloloko nito ay lahat ng pantasya niya ay biglang...