April 30, 2004
"SA wakas natapos rin kita!" Bulalas niya.
Nasa likod-bahay siya para magwalis. Hindi pa man siya nakakalahati sa pagwawalis ay may pumasok na kapilyuhan siya sa isip.
Sa puno ng kaimito, naisip niyang iguhit doon ang letrang "R" na sumisimbolo ng initial ng unang lalaking mamahalin niya. At ang mga sumusunod na dapat ay katangian nito: guwapo, syempre; tall and dark; matalino dapat, iyong bang laging top sa klase; makisig ang katawan para kaya siyang ipagtanggol; ang panghuli at importante sa lahat ay iyong mahal siya at ipaglalaban siya hanggang sa huli.
Si Margarette ay ang uri ng dalagang sentimental and have a strong belief in so-called prince charming at sa edad niyang dose anyos, ha.
Nangingiting dinaanan ng kamay ni Margarette ang nakaukit na puso sa puno at sa loob niyon ay ang letrang "R". Well, dreams do come true."Hoy, Rita!" Biglang napalingon sa pinanggalingan ng matinis na tinig si Margarette.
"Anong ginagawa mo riyan!" Nakatawang puna ng maliit na babae.
Si Felly, ang katulong ng mayamang kapitbahay nila. Pandak at maitim ito pero hindi aeta.Inangat niya ang hawak na walis. "Nagwawalis ako." Sinasabi iyon habang palapit siya rito. Sa pagitan nila ang kahoy na bakod ng bahay nila.
"Anong chismis?" Biro niya.."Magtungo ka sa bahay ng mag-asawang Faustino, may handaan."
Dinadaos sa araw na iyon ang pista ng Sto. Domingo, ang bayan nila.
"Ay oo nga! Sige pupunta ako. Maliligo lang ako, Felly." Excited niyang sabi.
"O siya, magkita na lang tayo roon, hanapin mo ako para makapagbalok ka para kay Zai." Ang tinutukoy ay ang bunsong kapatid niya. Tumango siya at nagpasalamat.
Basta na lang itinapon roon ang walis. Hindi nagawang tapusin ang ginagawa. Dali-dali siyang naligo at nagbihis. Pagkatapos ay nagpaalam kay Lisa, ang mama niya, na magtutungo siya sa bahay ng mag-asawang Faustino. Nakahiga si Lisa at sinabi sa kanyang huwag magtatagal dahil masama ang pakiramdam at walang magbabantay kay Zai.
ISANG malawak na lawn ang agad na bumungad kay Margarette pagpasok pa lamang sa gate ng mag-asawang Faustino.
Iginiya siya ng unipormadong katulong sa venue ng handaan. Napakaraming tao. Walang pinipili. Lahat ng klase ay naroon, mahirap at mayayaman. Iyon ang pinakagusto niya sa mag-asawa, napaka-humble.
Nagsimula siyang sumandok at kumain. Halos manlaki ang mga mata niya sa masasarap na nakalatag sa mesa. Hindi nga niya alam ang pangalan ng mga pagkaing iyon. Parang mas gusto na lang niyang titigan kaysa kainin dahil sa ganda ng pagkakaayos ng mga ito. Hindi niya pinatawad ang pagkain. Bawat makita at ihanda ng mga servants ay tinitikman niya. Wala siyang hindi gusto. Hanggang sa matapos siyang kumain. Gusto man niyang magtagal ay hindi maaari. Walang magbabantay kay Zai.Magalang siyang nagpaalam sa mag-asawa.
"Maraming salamat po sa pagkain..."."Wala iyon, basta ikaw, Rita." Ang matandang lalaki. Tumawag ng katulong ito. "Ipagbalot mo nga ang batang ito ng iba't ibang klase ng pagkaing nakahanda. Sabihin mo kay Felly."
Napasinghap siya. "Naku, maraming salamat po!" Natutuwang wika ni Margarette.
"Ang nanay mo nasaan?" Tanong naman ni Mrs. Faustino.
"Nasa bahay po. May sakit..."
"Ang nanay mo talga." Naiiling nitong sabi at sinamahan ng buntong hininga.
Hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin. Itatanong sana niya ngunit nagsalita si Mr. Faustino.
"'Wag mong pansinin ang sinabi ng asawa ko, Rita..." hinarap nito ang asawa. "'Wag mong idamay ang bata, Melda." Marahang sabi ng matanda ngunit nagbababala ang tinig.Nang iabot sa kanya ni Felly ang nakabalot ay muli siyang nagpasalamat sa mag-asawa. Si Felly na rin ang naghatid sa kanya.
HINDI pa man siya nakakalapit sa gate ng bahay nila nang mapahinto sa paglalakad si Margarette.
BINABASA MO ANG
Ikaw Ang Pinili Ko, Ikaw Ang Mahal Ko(COMPLETED)
RomanceNamulat si Margarette sa munting pantasya na balang araw ay magkakaroon din siya ng "prince charming". At nakita niya iyon sa katauhan ni Jordan. Ngunit tila may kulang. At nang matuklasan niya ang panloloko nito ay lahat ng pantasya niya ay biglang...