Chapter 2: the one

35 10 0
                                    

Chapter 2: the one

"GOSH, what happened to your face, Yna? Sino ang gumawa nito sa'yo? Sila Yam ba? PLEASE, answer my questions!" Naghuhumerantadong sabay-sabay na tanong ni Lenn habang yinugyog ang balikat ko.

Hindi ako makatingin sa kanya nang direkta. Wala akong ni isang ideya kung bakit natunton ako ni Lenn dito. Hinanap ba niya ako? O marahil alam niyang tuwing may nangyari dito sa school dito ang lagi kung kanlungan kaya mabilis niya akong natagpuan? Kahit anong gawin kung pagpigil ng pagtulo ng luha ko ay kusa na lamang akong napapaluha sa nangyari kanina.

"Yna, please tell me everything that I want to know. We're best friends, right?" Nagmamakaawang anas ulit ni Lenn, pilit niya 'kong pinapatingin sa kanya pero ayaw ko siyang tignan dahil ayaw kong makita ang naluluha nitong mga mata dahilan na maiiyak na naman ako. "Yna…"

Napailing-iling ako. Takot na takot.  Ayaw ko siyang madamay sa problema ko at hindi ko gusto na masaktan na naman siya sa pagtatanggol sa 'kin laban kina Yam.

Mas lalo ko pang isiniksik ang sarili ko sa sulok nitong cubicle. Kapwa pinigilan ang paghikbi habang itinatago ang pagluha.

"Shhh... Ayos lang 'yan, Yna... PLEASE, 'wag ka nang umiyak..." Pagtatahan nito habang kayakap ako. "Magiging maayos lang ang lahat. Shhh..." Sinubukan kung patahanin ang sarili ko. Mabigat ang aking dibdib pero kailangan kong pakalmahin ang sarili ko.

Kanina hindi ako dumiretso sa klase. Dito ako pumunta sa CR at napaiyak.

Lumipas ang ilang minuto ay pakiramdam ko maayos na ang aking pakiramdam. Pansin kung si Lenn naman ay nakaupo lang sa tabi habang lihim akong sinusubaybayan.

Sa unang pagkakataon ay nilingon ko siya saka nginitian nang tipid pero hindi niya 'ko pinansin. Alam kung nagtatampo naman ito sa akin dahil hindi ko sinabi sa kanya ang nangyari kanina.

Matagal na kaming magkaibigan. Dalawang buwan narin simula ng mag-aral ako dito. Dahil sa kapansanan ko na hindi makapagsalita, lagi akong tampulan ng tukso at panlalait at siya lang ang naging kaibigan ko na tanggap ako kung ano ako. Tuwing may umaaway sa akin lagi niya akong ipinagtatanggol at mapa-hanggang ngayon.

Kaya nakokonsensya na ako. Hindi siya ang dapat pomoprotekta sa akin kundi ang sarili ko pero ang nangyari, siya ang lagi kung kasangga sa tuwing may umaapi sa 'kin.

Wala akong silbi…

"Tapos kana?" Walang emosyon na tanong nito kaya tumango ako. Galit kaba, Lenn? Bakit? Agad na tumayo si Lenn saka binuksan ang pintuan nitong cubicle. Siya ang unang lumabas at sumunod ako.

Mabuti nalang talaga ay kami lang ang dalawa sa CR kaya nakahinga ako nang maluwag. Dumiretso ako sa sink at binuksan ang faucet, pinunasan ko ang mukha ko sa kakaiyak.

"Pagkatapos mo d'yan ay magbihis ka ng uniporme. May extra pa ako sa locker room. Ang dungis muna, e. Pagkatapos mong magbihis, dumiretso ka na sa classroom. Malapit nang magsimula ang klase," aniya na nakasulyap sa salamin kaya nginitian ko si Lenn. "Hindi ka pumasok kanina kaya nagtataka ako kung ano ang nangyari sa'yo. Buti nalang talaga ay nahanap kita rito, Yna," dagdag ni Lenn saka ako nginitian bago iwanan.

Narinig ko ang mga yapag nitong papaalis.

Huminga ako nang malalim.

Kanina hindi ako pumasok sa klase dahil sa nangyari kanina doon sa hallway. Alam kung hahanapin ako ni Lenn at tama nga ang hinala ko.

Matapos kung magbihis ng uniporme na pagmamay-ari nito ay napahinga ako nang malalim sabay sirado ng locker kit ni Lenn.

Ako lang ang mag-isa sa locker room ng mga oras na 'yon. Tahimik… walang ingay, payapa, ito ang gusto kong maramdaman. Mapayapa.

Unspoken Murder Thing | BOOK 1 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon