Chapter 15: out of place

7 5 0
                                    

Chapter 15: out of place

AUTHOR'S NOTE:
(Pwede namang hindi niyo basahin) pero kung babasahin niyo 'to, 'e 'di goods tayo. But anyways, sorry talaga if matagal ang update sa kwentong 'to. Buhay Senior High Student nga naman tas graduating pa this year, hahaha. (Hindi pa 'ko ready mag-collegeeeeee awie!)  Pero don't worry guys, as much as possible I will try mag-u-update ako sa story na 'to.

Take note the word "TRY"
Joke! God bless everyone!
Enjoy this chapter!

- WencyllSanti

   
-

------------------

    Hianna's POV
   
    MALAMIG na hangin na may kasamang panhi ng daga ang bumungad sa akin pagkabukas ko palang sa pintuan nitong rooftop. Agad akong napatakip sa aking ilong. Tila mahihilo na sa aking naamoy at mukha pa yata akong maduduwal sa labis na pandidiri.
   
    Sa kabila no'n, walang pag-aalinlangan naglakad ako at lumayo. Sa laki ng pundo ng eskwelahan na 'to, wala bang nagka-idea na paminsan-minsan ay aakusuhin din ang lugar na 'to?
   
    Nang makaramdam ako ng pagkaluwag-luwag ay inalis ko na ang kamay ko sa aking ilong. Ilang segundo lang tinakpan ko ang ilong ko pero mamatay-matay naman ako. Medyo may naamoy pa ako pero kumpara ngayon ay makakaya ko na. Tiniis ko nalang. 
   
    Biglang pumasok sa utak ko si Kliff.
   
    Syet.
   
    Asan na kaya 'yon?
   
    Iginala ko ang tingin sa paligid. Walang Kliff akong nakita. Ang nakikita ko lang ngayon ay ang mga gulong na nakatambak sa isang tabi, mga pader na puno ng mga sulat na kung ano-ano. Dagdagan pa ang mga natuyong dahon na nagkalat sa paligid.
   
    May mga ngilan-ngilan rin akong bote ng alak ang nakita pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin.
   
    Ang iniisip ko lang ngayon kung nasaan nagpunta si Kliff. Hindi ako nagkakamali. Alam kung dito siya pumunta. Alam kung narito lang siya sa rooftop na 'to. At kailangan ko siyang makita o malaman man lang kung bakit siya andito sa mabaho at maalimuot na rooftop.
   
    Marahan ang mga galaw na humakbang ako.
   
    Ingat-ingat na makagawa ng kakaibang tunog. Unti-unti kung inilibot ang paningin ko sa paligid. Nagbabakasakali na narito lang siya sa tabi. 
   
    Kung tutuusin ay malaki ang building na ito kaya natitiyak akong malawak dito. Taimtim na hinawi ko ang bote sa aking paanan gamit ang isa kung paa para lang makadaan ako. Agad naman iyon gumulong at huminto sa sulok. 
   
    Napasinghap ako saka nagsimula uli humakbang. May nakita akong isang pader at hindi ko alam ang nasa likod no'n.
   
    Lumapit ako dito saka pumasok sa loob. Agad rin akong nakapagtago ng makita ko si Kliff na nakatalikod. Napamura ako sa isip. Sumilip uli ako at nakita ko siyang nakaupo habang umiinom ng alak.
   
    Alak? 
   
    Nakapagtataka naman. Mahigpit ang eskwelahan na 'to. Kapag tuwing pumapasok ka sa school, hinaharangan ka ng mga guwardiya at tsine-check ang laman ng bag mo. 
   
    Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ng alak si Kliff. Bagama’t nakatagilid ito sa akin pakiramdam ko may problema siya. May bumagabag sa kanyang isip.
   
    Ilang minuto akong nagtago sa pader habang palihim ko itong tinatanaw sa malayo. Bawat segundo ay minamanmanan ko ang bawat galaw niya. Kung paano siya kumilos, paano siya huminga at maging sa pag-iling niya pagkatapos tumungga ng alak. Maski sa paggalaw ng kanyang adam's apple ay kinabisado ko pa. 
   
    Ramdam kung uminit ang pisngi ko. Natuon ulit ang paningin ko kay Kliff. Nakita ko na bigla niyang ibinato ang hawak niyang bote sa pader na nasa kanyang harapan dahilan na makalikha iyon nang ingay at kumalat sa sahig ang mga bubog.
   
    Agad akong napaatras. Sa isang iglap aksidente kung nasamid ang estante dahilan na matumba iyon. Nanlaki ang aking mata sa kaba. Mabilis akong napalingon kay Kliff na natigilan. Bago pa makita ko siyang lumingon, agad na akong nakapagtago sa pader habang mabilis ang tibok ng dibdib ko sa kaba. 
   
    Napapikit ako sa nerbiyos.
   
    Hindi naman niya ako nakita diba?
   
    Bago pa ako mahuli, agad na akong umalis doon sa rooftop at nagtungo sa classroom at pinili na lamang na kalimutan ang nangyari.

Unspoken Murder Thing | BOOK 1 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon