Chapter 8: peace offering

15 7 0
                                    

Chapter 8: peace offering


Hianna's POV

MABILIS lumipas ang araw at Lunes na naman. Kasalukuyan akong nasa kama habang kapwa nakamulat ang mga mata at nakatitig sa itaas ng kisame.

Ayaw ko pang tumayo. Wala akong gana kahit alam ko namang tanghali na. Kapag hindi ako kikilos ngayon alam kung mali-late ako sa klase. Hindi ko mabilang kong ilang oras akong inaksaya ang oras sa katitig sa itaas.

Marami akong iniisip na mga bagay-bagay kabilang na doon ang nangyari noong nakaraang-araw. Ang pagpapahiya sa akin ni Lenn na ipaliwanag niya rin na hindi iyon sinadya at ang pagsama sa kin ni Kliff.

Kusa na lamang akong napatayo at nagtungo sa banyo. Nagsipilyo muna ako saka naligo. Hindi naman ako nagtagal sa loob pagkatapos no'n ay nagbihis na ako ng uniporme at umakyat sa ibaba ng sala.

Mabuti nalang ay natirang ulam kagabi kaya ininit ko nalang. Sa totoo lang naninibago parin ako sa bahay na 'to. Malaki nga at maganda kaso ako lang ang nakatira. Hindi ko din alam kung kailan ang balik nina mommy at daddy mula sa kanilang business trip.

Sa kasamaang palad ay wala akong natatanggap na mensahe galing sa kanila simula ng umalis sila sa bahay. Kahit tawagan man lang ako ay hindi nila ginawa.

Ayaw ko rin naman silang tawagan baka madisturbo ko sila. Basta, ang alam ko matagal pa raw ang kanilang balik at nakakatuwa ang bagay na 'yon. Masosolo ko ang bahay na ako lang ang mag-isa, magagawa ko na ang lahat nang gusto kung gawin at sa wakas ay matatahimik na.

Kung nasaan man sila mommy at daddy ngayon, alam kung masaya sila at nasa maayos na kalagayan. Sana nga matagal pa ang kanilang pag-uwi. Hindi sa ayaw ko na makasama ko sila, gusto ko... pero iba parin 'yong ikaw lang ang mag-isa.

Natigil lang ang pag-iisip ko ng makarinig ako ng kalabog mula sa itaas ng kwarto.

Napahinto ako sa pagkain. Inilapag ko ang aking kutsara't tinidor sa plato at napaangat ang tingin sa may hagdanan.

Napabuntong-hininga ako ng malalim. Siguro pusa lang 'yon...

Napasinghap ako at bumalik ulit ang tingin sa pagkain.

***

"SORRY Yna, hindi kita nasundo sa bahay niyo. May inaasikaso kasi ako." Ani ni Lenn pagkarating ko sa classroom. Agad niya akong nilapitan at yinakap.

Nginitian ko siya saka ko inilapag ang bag sa upuan. 'Ayos lang.' senyales ko. 'Ikaw? Ayos ka na ba?" dagdag ko, itinuro ko ang kanyang noo. May band aid pa iyon nakalagay dahil sa nangyari noong Huwebes.

"Ayos lang ako. Hindi naman masakit. Malayo 'to sa bituka." Nakangiting ani ni Lenn na ikatatango ko sa narinig. Sa kanyang itsura ngayon, mukhang ayos lang nga ang lagay ni Lenn.

May kinuha si Lenn sa loob ng kanyang bag. Nagtataka naman ako ng may ibinigay siya sa aking isang papel na nakatupi.

"Nag-effort pa ako niyan," aniya.

Napatitig ako sa papel na kanyang inabot. Nag-alinlangan akong kuhanin iyon. Para saan naman 'yan? Napatingin ako kay Lenn na nakangiti na mas lalong ikakunot ng noo ko.

Nang hindi ko iyon kunin, kusa na lamang niya ito inilagay sa aking desk.

Magtatanong sana ako kung para saan 'to pero pumasok na ang first subject teacher namin na si Ma'am Grace kung kaya't napaayos ako ng upo at si Lenn naman ay nasa aking tabi.

Mamaya pa ay nagsimula na rin ang klase. Napatingin ako sa papel na ibinigay ni Lenn sa akin kanina. Ano kaya ang laman nito?

Napalingon ako kay Lenn na nakikinig sa klase. Gusto ko sana siyang disturbuhin saka tanungin dito pero pinili ko nalang na hindi.

Unspoken Murder Thing | BOOK 1 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon