Chapter 14: Rumors
Hianna's POV
Tahimik at walang katao-tao ang eskinita na nilalakaran ko ngayon. Kunsabagay anong oras na ba? Medyo pagabi narin at hindi na kita ang araw sa kalangitan na ngayon ay napalitan ng makulimlim na ulap.
Napahigit ako ng hininga habang nagpatuloy ako sa paglalakad. Maraming nakasarang establishmento ang nadaanan ko at ng makalabas ako ay doon na bumungad sa akin ang maraming mga taong naglalakad.
Saglit akong natigilan at lihim silang pinapanood. Ang iba ay taimtim na naghihintay sa kilid ng daan ng mga sasakyan dumadaan upang makauwi na sa kani-kanilang mga tahanan. Ang iba ay nasa mga establisimyento, may kanya-kanyang ginagawa.
Sa pangalawang pagkakataon napangiti ako bago magsimulang maglakad. Huminto muna ako sa isang lumang store. Nang mabili ko ang pakay ko umuwi narin ako sa bahay.
***
"Oh, that was too close!"
"My gosh, wag mong banggain ang siko ko, Maia! Hindi ako makapag-pokus. Kung ako matalo nito, sasabunutan kita!"
"Break it on, Havey!" Malaki ang ngising ipinakita ni Maia habang nakikitang nahihirapan si Havey sa kanyang tabi. Nagkasalubong ang dalawa nitong kilay at halatang nararamdaman ang labis na inis at pagkaasar sa pagmumukha ng dalaga. Nakatingin lang ito sa screen ng telebisyon na animo'y doon lang nakasalalay ang kanyang buhay.
"No! Fvckng Shit!" Umalingawngaw ang malakas na tili ni Havey ng matalo siya sa e-sports game na agad naman tumawa sila Maia at Ambrose sa kanya.
"I hate this game!" Napasandal ang dalagang si Havey sa sofa, nakatingin sa itaas ng kisame habang nanlilisik ang mata sa galit.
"Sorry my friend. Bawi ka nalang. Marami pa namang next time, 'e." Pang-iinis sa kanya ni Maia na hindi niya agad pinalampas at binato niya ito ng unan na kanyang napulot sa kanyang tabi. Natalo na nga siya sa laro, balak pa yata siyang inisin nito! Nakakapikon!
"Aray! Tama na, Havey!" Pagsusumamo ni Maia ngunit maging siya ay hindi mapigilang mapatawa sa palaging pikon ni Havey. "Ambrosio!" Hingi ng tulong ni Maia kay Ambrose na nakatingin lang sa kanila ni Havey habang lihim na napatawa.
Kalaunan din ay tumigil na rin si Havey ng makaramdam ng pagod. Sa kabila ng lahat, may ngiting tagumpay sa labi niya ng makita ang itsura ni Maia na wala sa ayos. Magulo ang buhok nito na animo'y galing sa Word War 2 at hindi rin maayos ang damit nitong suot. She feel pity what she did to Maia but seeing Maia's face laughing despite of everything is kind different.
"You're monster," Maia said while gasping in her own breathe.
"I know." She smiled at her taking deep sighed, "there's nothing to blame yourself." Niyakap ni Maia si Havey ng makita niya ang mga mata nitong sising-sisi sa nangyari. Naaawa siya sa lahat nito. Kahit palagi silang mag-away ng dalaga, mahal parin niya ito sa kabilang ginawa nito sa kanila.
"Lenn's calling…" naagaw ang kanilang atensiyon ng magsalita si Ambrose at ng tignan nila ito hawak nito ang cellphone ni Havey na noo'y nakalagay sa mesa.
Agad na lumayo si Havey kay Maia at napahinga nang malalim.
"You should better fix yourself before Lenn notice you're crying," paalala ni Maia at kahit mugto ang mata saka namumula ang pisngi, sinubukang pakalmahin ng dalagang si Havey ang sarili.
"H-Hi." Napasinghot si Havey ng sagutin niya ang tawag.
"Hey, are you okay?" Nagtatakang tanong ng dalaga sa kabilang linya. Napaangat ang tingin ni Havey kina Ambrose at Maia na nakamasid lang sa kanya. Hinihintay ang kanyang sagot.
BINABASA MO ANG
Unspoken Murder Thing | BOOK 1 | COMPLETED
Mistério / SuspenseHianna, a girl with a speech impediment is trying to face her new life without her parents. However, when crimes begin in Hartlon University as the rumor spreads about a girl who escaped from mental instituition everyone was alarmed. Lenn, Hianna's...