Chapter 16: Revenge
"IT'S BEEN a days ng hindi siya kumakain, ayaw nga magpa-disturbo sa loob ng kanyang sariling kwarto. Nagmukmok. Ilang araw narin siyang absent sa klase, dinadamdam parin ang pagkawala ng kanyang pinsan." Bakas sa mukha ng ginang ang pag-alala at pangamba habang nakatayo ito sa pintuan ng kwarto ng kanyang anak.
Sa loob ng kwarto, lihim na nakikinig ang dalaga.
May kausap sa labas ang kanyang ina. Kung sino, wala siyang ideya. Ang gusto lamang niyang mangyari ngayon ay maging mag-isa. Dinamdam parin ni Loreen ang pagkawala ng kanyang pinsan na si Aika. Hindi parin niya matanggap ang pagkawala nito. Hindi parin ma-proseso sa kanyang utak ang lahat nang nangyari.
Ang iba nilang kamag-anak ay nakapag-move on na ngunit siya ay hindi pa. Marahil gayon din ang nararamdaman ng kanyang Tito Loy at Tita Era ang pagkawala ng anak nito— si Aika. Gaya niya, hindi parin tanggap ang pagkawala ng anak ng mag-asawa.
Patuloy parin umuusad ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa nangyari ngunit mapa-hanggang ngayon ay wala paring impormasyon ang nalakap ng mga ito na makapagtuturo kung sino ang pumatay sa kanyang pinsan.
Si George, boyfriend ni Aika ay pangunahing suspek sa krimen. Dahil sa kakulangan ng ebedensiya na ito ang nasa likod ng pagpatay kay Aika at dahil narin sa mga ipinakita nitong ebedensiya na sinuportahan ng mga witness, agad rin itong nakalaya. Hindi naniniwala si Loreen na ito ang pumatay sa kanyang pinsan. Matagal na niyang kilala si George at wala itong sama ng loob sa nobya. Hindi rin ang mga dalawa nag-aaway kaya alam niyang hindi ito ang salarin.
"Anong gagawin ko po, doc? Ayaw ko namang nakikitang nahihirapan ang anak ko." Narinig ulit ng dalaga ang boses ng kanyang ina sa labas.
"Pwede ko ba siyang maka-usap ngayon?" Marahil boses iyon ng doktor. Nanlaki naman ang mata niya pagkarinig iyon.
Mabilis siyang nagtungo sa kanyang pintuan at mabilis na kinandado ang pinto. Sunod-sunod na katok ang kanyang narinig na sinabayan pa ng boses ngunit hindi nagsalita ang dalagang si Loreen. Nakahiga lamang siya sa kanyang kama at nakatalukbong ng kumot.
Ilang minuto ang lumipas huminto narin ang pagkatok. Narinig niya ang mga papalayo nitong mga yapak. Napasinghap si Loreen. Wala ng disturbo. Sana naman hindi na mag-aksaya ang kanyang ina na guluhin siya dahil wala naman itong mapapala.
Sa isang kislap tumulo na naman ang luha sa mata ng dalaga ng maalala ang kanyang pinsan na si Aika. Namamaga na ang kanyang mga mata sa walang humpay na pag-iyak ng iilang mga gabi at kakulangan ng labis na pagtulog. Namumutla na rin ang kanyang labi sa kakulangan ng tubig.
Alam naman niyang hindi pa siya mamamatay. Sa kabila ng lahat, ayaw niyang sumunod sa kanyang pinsan.
Napabalikwas sa pagkakahiga si Loreen ng makarinig ng pag-andar ng kotse sa labas ng kanilang bahay. Sumilip siya sa ka kurtina sa kanyang bintana at paalis na nga ang doktor na kausap ng kanyang ina.
Napabuntong-hininga na lamang si Loreen. Maya't maya'y narinig ng dalaga ang pagtunog ng kanyang cellphone sa ibabaw ng study table. Napatitig siya. Ilang araw narin ng hindi niya ito ginagalaw doon. Wala siyang balak na tignan kung sino ang tumawag at nag-send ng mga mensahe na puro pangungumusta lang rin naman at "condolences" para sa kanyang namayapang pinsan.
Sa pangalawang pagkakataon, tumunog uli ang kanyang cellphone. Nagdadalawang-isip siya kung tignan iyon at silipin. Natagpuan na lamang ng dalaga na hawak-hawak niya ito. In-on niya ang screen, tama nga ang kanyang hinala. Puro mensahe lamang iyon na umabot ng trenta galing sa iba't ibang senders. Ang iba, sa classmates niya.
BINABASA MO ANG
Unspoken Murder Thing | BOOK 1 | COMPLETED
Mystery / ThrillerHianna, a girl with a speech impediment is trying to face her new life without her parents. However, when crimes begin in Hartlon University as the rumor spreads about a girl who escaped from mental instituition everyone was alarmed. Lenn, Hianna's...