Chapter 28: fears
Lenn's POV
"NAWAWALA si Riri? Saan siya nagpunta, Tita Susan?" Alas singko ng hapon ng makarating kami sa bahay nila Riri at ito na ang nadatnan namin.
May mga pulis na sa loob ng bahay. Rinig mo ang pag-iyak ng isang babae at pagmamakaawa na doon ko napag-alaman na mama pala ni Riri.
"H-hindi ko alam... Nagulat nalang ako kanina ng buksan ko ang kwarto niya, wala na siya doon!" Iyak nito.
Napabuntong-hininga ako. Nawawala ngayon si Riri. Walang may alam kung nasaan ito ngayon. O kaya naman saan ito nagpunta.
"Celine! Bakit kayo nandito?" Sa isang iglap, napalingon kaming tatlo ni Azi at Celine na may lumapit sa 'min.
Nanlaki ang mata ni Celine ng makita ang kanyang Tito. "H-Hi, Tito..." Ang alanganin niyang bati na kita sa mukha nito ang pagkakunot ng noo at pagka-disgusto ng makita kami.
Hindi ito nagsalita. Sa halip lumipat ang tingin nito sa akin, tinitigan ako dahilan na kabahan ako. "Ikaw... Bakit palagi nalang kitang nakikita kapag may mga ganito?" Tanong nito sa 'kin rason na hindi ako makaimik. "Una ay doon sa aksidente no'ng Aika. Kasunod ay sa tatlong mga babaeng pinatay," anito.
"Baka nagkataon lang po." Mahina kung sagot. Kinakabahan sa susunod nitong sasabihin.
"Oo nga, Tito! Kayo naman. Atsaka, nandito kami dahil nabalitaan naming nawawala ang friend ni Azi na si Riri," Pagtatanggol ni Celine sa 'kin rason na makahinga ako ng maluwag. "And anyway, this is Ate Lenn Parker," Pakilala ni Celine sa 'kin dito.
Nakita ko naman ang pagsalubong ng mga kilay nito. "Are you related to Mrs. Suzzete and Mr. Klent Parker?"
Agad akong napatango. "They are my parents, sir."
"I see." Aniya. Ngumiti lang ako para mabawas-bawasan ang pag-kailang ko dito. May sinabi ito kay Celine bago ito umalis para kausapin ang mga kasamahan nito.
Naiwan naman kaming tatlo na nakatayo saka tinanaw ito na may kausap pa na isang pulis na familiar din sa 'kin. Nakita ko ito doon sa Campus Police Station. Hindi ko lang naalala ang pangalan no'n.
"So... What we gonna do? Riri's missing." Si Celine ang unang nagsalita na in-isa isa kaming tignan.
"This is bad..." Bulong ni Azi. "This is all my fault," ayon, umiiyak na naman ito at sinisi ang sarili sa nangyari sa kaibigan niya.
Napahigit ako ng hininga saka napatingin sa malayo at pinilit na mag-isip. Ngayon, nawawala si Riri. Patuloy parin ang banta nito sa kanya matapos nabalitaan kung nakaraang-araw pumunta daw ang babaeng naka-maskara at hiniwa ang kanyang braso.
Gosh. Kailan ba 'to matatapos.
"We need to find her," Giit ko saka sila tinignan dalawa.
"But how, Ate Lenn? We don't have any idea kung nasaan siya ngayon." Ani ni Azi na umiiyak. Patuloy parin siyang pinatahan ni Celine. Buti nalang sumama itong Celine. Ayaw ko nga siyang pasamahin ngunit wala na akong magawa no'ng nagpumilit siya.
Napasinghap ako, "I don't know. But we need to." Giit ko. "Or else, she will be the next victim." Puno ng pag-alala ang aking boses. Bakit sunod-sunod na lang? Una, sila Havey at Maia ang dinukot ng babaeng naka-maskara na alam kung hindi malalayong mangyayari din kay Riri.
"I will ask help to Tito Tedeo... We couldn't do this, we need to help from them." Ani Celine.
"Paano kung pagbawalan tayo?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Unspoken Murder Thing | BOOK 1 | COMPLETED
Mystery / ThrillerHianna, a girl with a speech impediment is trying to face her new life without her parents. However, when crimes begin in Hartlon University as the rumor spreads about a girl who escaped from mental instituition everyone was alarmed. Lenn, Hianna's...