Chapter 29: connected

36 7 0
                                    

    Chapter 29: connected







   Third Person's POV

   "NAKATANGGAP ako ng balita. Kani-kanina lang, nakita ng isang ice-cream vendor ang babaeng si Riri habang nakasakay ito sa motor ng lalaki," Ang ulat ni SPO2 Frier Jaminto pagkarating ni Tedeo sa Campus Police Station.

    "Nakita ba kung sino ang lalaki?" Tanong niya. Pumasok sila sa office ni Chief Yuen Yazenco na noo'y mukhang hinihintay ang pagdating niya.

     "Good morning, Chief." Bati niya sabay saludo. Tumango ito bilang kompirmasyon.

    "Wala nga, e. Nakasuot kasi ng helmet. Pero masuwerte tayo may CCTV at kita ang name plate ng motor," Pagpapatuloy ni SPO2 Frier sa kanya saka sila umupo sa upuan. "Ayon sa ina nito na si Mrs. Susan Figueroa, nasa kusina siya nagluluto ng pagkain para sa anak niya. Tinignan niya ang oras, 9:10AM. Kaso, gaya nga sinabi niya sa 'ting interview kahapon pagbukas niya ng pintuan wala na doon ang dalaga. Nakita ang dalaga na may kasamang lalaking naka-motor sa CCTV na dumaan nasa bandang 9:20 AM. Nakita ito ng vendor, wala naman daw kapansin-pansin sa mga ito. Marahan lang naman ang takbo ng lalaki," ani nito.

    "Anong gagawin natin, Chief? Baka hindi pa nakakalayo ang mga 'yon." Aniya, nakatingin sa kanilang Chief.

    "Nakipag-ugnayan ako sa LTO. Kung naka-register man ang motor na 'yon, malalaman natin kung sino ang nagmamay-ari no'n." Sagot nito na sinabayan ng pagsinghap.

    Napahinga naman ng maluwag si Tedeo.

    "Pero hindi dapat tayo maging kampante. Hangga't hindi pa natin nakikita ang anak nila Mr. Figueroa, " Pagtutukoy nito sa dalagang si Riri.

    "May gusto din sana akong sabihin sa 'yo, Chief. Kailangan din niyong malaman ang nakita ko," Malakas na loob na wika ni Tedeo. Napatingin sa kanya ang Chief na animo'y hinihintay ang sasabihin niya. Napahinga siya nang malalim saka inilabas ang folder na dala niya, "Sa tingin ko... kailangan rin natin manmanan ang babaeng 'to,"

    Kinuha ni Chief Yazenco ang mga larawan at in-isa isa niya itong tinignan.

    "Lenn Parker?" Nanlaki ang mata ni SPO2 Frier Jaminto ng makita ang pangalan ng dalaga. "Anong mayroon sa kanya?"

    "Naghalungkat ako ng mga dating files at aksidente kung nakita ang dokumentong 'yan. Three years ago, may record na muntikan na siyang sugurin ng misteryosong babae no'ng gabing may party. Her parents tried to report the accident pero hindi nakita ang babae. After following that day, when student named Maeryll Reiko Parreno, found dead hanged herself one of the classroom at St. Galeriz University. Puno ito ng saksak sa katawan at ang hinala ay ang babaeng nakatakas sa mental institution na si Naiah De Vera ang nasa likod ng lahat." Salaysay ni Tedeo sa dalawa na lihim na nakikinig sa sinasabi niya.

    "So, sinabi mong 'yong umatake kay Lenn Parker at ang pumatay kay Maeryll Reiko ay..." Nanlaki ang mata ni SPO2 Frier sa kanyang hinuha. "... iisa lang na tao?" Doon na napanganga ang kanyang kasama. Habang ang kanilang Chief naman ay halatang nagulat rin at nagkaroon ng ideya sa sinabi ni Tedeo.

    "Oo, iisa lang na tao. At alam iyon ni Lenn Parker. Kompirmado ito, tignan niyo." Itinuro niya ang larawan na nasa mesa, "Mayroon siyang markang X, kapareho sa mga pinatay nitong Naiah De Vera." Ipinakita niya ang likuran ng dalaga na may X na nakaguhit at itinapat ni Tedeo ang mga nakuhanang larawan nina Freya, Jade, Loreen, Aika at kay Maeryll Reiko na may markang X sa likuran ng mga ito. "Ayon sa report, sinubukan siyang patayin ng babae sa party three years ago ang kaso nakita ito ng kaibigan nito na si Havey Kasey Ferrero kaya agad itong nakatakas. Bigo na kitlin ang buhay ni Lenn Parker, kaya kinabukasan ay naghanap ito ng unang mabibiktima at iyon ay ang studyanteng si Maeryll Reiko," salaysay niya.

Unspoken Murder Thing | BOOK 1 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon