Chapter 6: Missing

14 9 0
                                    

Chapter 6: Missing




Hianna's POV

MAAGA palang ay agad na sinundo ako ni Lenn sa bahay at nakarating kami sa school nang mas maaga pa sa hindi namin inaasahan. Marami ng studyante ang nagkalat sa paligid pagkarating namin. Kadalasan nagkukumpulan ang ibang studyante at meron namang may kani-kaniyang ginagawa.

Pagkapasok ko sa classroom, ang maligkit na tingin nang lahat ay nakatuon nasa akin. Lalo na si Yam na nakangisi. Hindi nakaligtas sa aking mata ang marahan niyang pag-senyas sa mga kaklase namin na noon gaya niya may ngisi sa labi Doon ko din napansin na may hawak silang mga binolang papel.

Akmang babatuhin nila ako ng bigla nalang pumasok si Lenn kaya agad silang natigilan. Naramdaman ko ang paghawak ni Lenn sa aking balikat tanda na sasabayan ko siya at 'yon nga ang ginawa ko ayon sa plano namin.

Nang makaupo ako napatingin ako kay Lenn na nasa aking tabi na nakangiti bago ito napasulyap siya sa aking gawi. Nginitian ko siya. Labis-labis ang pasasalamat ko dahil sa kanyang pagtulong na hindi na ako sasaktan ni Yam.

"You okay?" Tanong niya, hindi man siya gumamit ng senyales, malinaw kung nabasa sa kanyang bibig ang mga letrang kanyang ibinigkas.

'Hmm-mm.' Tugon ko.

Maya-maya pa ay nagsimula na ang klase kaya abala ako sa pakikinig. Si Lenn naman ay wala ding imik marahil gaya ko mainam na nakatuon sa aming propesor na kasalukuyan nag-di-diskusiyon.

Natigil lang ang pagsusulat ko sa aking notebook nang maramdaman kung may taong nakaharang sa pintuan kung kaya't dahan-dahan akong napalingon doon.

Isang lalaking nakasuot ng uniporme ang nakita kong nakatayo. Nakatingin lang ito ng diretso habang seryoso ang mukha.

Pakiramdam ko bumilis ang pagtibok ng dibdib ko sa kilig ng makita ko ang istura niya. Ngayon lang ako nakakita ng taong kasing gwapo niya. Nakasuot ito ng maitim na hood saka may backpack na nakasukbit sa kanyang likod rason na magmukha itong misteryoso. Dagdagan pa na wala itong kangiti-ngiti, napaka-seryoso.

Nagising na lamang ako sa pagkatulala ng marinig ko ang boses ng lalaki. "Good morning, is this Class-B section?"

'Oo...' sagot ko ngunit natigilan rin ako nang malaman kung hindi ako makapagsalita kaya napatahimik nalang ako.

"Yes. What can I help you, Mr....?" Napahinto si Prof. Lumaig. Ang Biology Subject Teacher namin. "What was your name again?"

"I'm Kliff Bautista," Diretsong sagot no'ng lalaki na hindi parin nagbabago ang ekspresyon ng mukha. "I am a new student." Dagdag pa nito na may pilit na ngiti sa labi. Medyo napansin kung lumibot ang tingin nito sa loob at hindi ko inaasahan na mapatitig ito sa aking direksyon. Sa sobrang kaba at pagkabigla, napaiwas agad ako ng tingin at nagkunwaring may isinusulat sa papel.

"Pasok ka, iho." Napatigil ako sa pagsusulat. "Introduce yourself," medyo umangat ang aking tingin sa harapan ng pisara at mula doon ay nakatayo ito.

"Hi, I'm Kliff Bautista. It's nice to meeting you everyone," Nakangiti nitong pagpakilala at sinundan naman iyon nang tugon ng iilang classmates namin. Siyempre 'yong mga babae ang nangingibabaw ang boses na nagtitili pa. Napakasakit sa tenga. Naririndi ako, e.

"You can take your seat, Mr. Bautista." Untag ni Prof.

"Uhm.. where?" Napansin kung lumibot ang tingin nito. Bagaman nakayuko ako nararamdaman ko ang nakatato niyang imahe.

"You can seat there with Ms. Jumato," Pakiramdam ko nanigas ako sa kinauupuan nang marinig ko ang sinabi ni Prof. Lumaig. Nanlaki ang mata ko sa gulat at pagkabigla. Hindi naman ako nabibingi 'di ba?

Unspoken Murder Thing | BOOK 1 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon