Chapter 13: curiousity
Hianna's POV
NANG magising ako ay hindi ko na nakita si Lenn sa loob ng kabahayan. May iniwan siyang sulat sa ref. Ang sabi niya umuwi na daw siya sa kanila at mukhang hindi kami magkakasabay na pumasok sa school ngayon. Magkita nalang daw kami sa classroom. Iyon ang sabi niya sa sulat.
Ewan ko, hindi ko rin alam.
Sariwa parin sa loob ng campus ang nangyari noong nakaraang-araw. Kaliwa't kanan parin ang bulong-bulungan.
Binuksan ko ang aking locker at kinuha ang mga libro. May quiz pa pala kami ngayon sa isa sa mga major subject ko. Pagkasirado ko palang sa locker ko ay nagulat ako ng bumungad sa akin si Kliff na nakatungo habang naglalakad sa malayo.
Saglit akong napatingin sa kanya. Tuloy hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Maya-maya pa'y marahan kung isinarado ang aking locket at nang mapansin kung malapit na si Kliff lihim akong sumunod sa kanyang likuran.
Habang naglalakad siya nakasunod lang ako sa kanya ng palihim. Paminsan-minsan napapahinto ako tuwing binabagalan niya ang kanyang paglalakad baka mahalata niya pa ako at mabisto na sinusundan ko siya. Lagot talaga ako.
Ano nalang kaya ang maipapalusot ko sa kanya? Na sinusundan ko siya dahil trip ko? Ayaw kung mapahiya, no!
Hanggang sa elevator, nagkunwari akong hindi ko siya napansin. Mukhang wala naman siyang pakialam sa akin dahil kanina pa siya wala sa sarili. Nakatitig lang siya sa pintuan ng elevator kung kailan ito bubukas.
Ganyan ba talaga siya lagi? Ayaw talaga niya akong pansinin? Kunsabagay, sino ba naman ako para mapansin diba? Kahiya. Pakiramdam ko para akong maiihi sa kaba ng mapansin kung kami lang pala dalawa dito sa elevator.
Bakit hindi ko agad iyon napansin?
Tumagal ang ilang minuto, sa wakas bumukas narin ang elevator. Unang pumasok si Kliff sa classroom habang kasunod naman ako. Pagkapasok ko sa loob, nagtaka ako ng mapansin kung tahimik ang lahat.
Anong problema nila?
Napatingin ako kay Lenn na nakatungo. Agad akong umupo sa kanyang tabi. Ewan. Pakiramdam ko naninibago ako ngayong araw na ito. Siguro, nasanay na ako na pagkapasok ko miserable na agad ang aking araw dahil kina Yam. Ngayon, parang may nanibago.
Sa isang iglap, nanlaki ang aking mata ng tumayo ang aking kaklase na nasa unahan. Nang sundan ko ito ng tingin, gano'n nalang ang paglaki ng aking mata ng lumapit ito sa upuan ni Aika na blangko saka may inilapag na puting rosas. Agad din itong umalis at gano'n din ang ginawa ng iilan.
Awtomatikong napalingon ako kay Lenn. Nakatingin siya sa akin na may kaunting kalungkutan sa kanyang labi. Hindi agad ako makakilos.
Napalingon ulit ako sa upuan ni Aika na maraming mga rosas ang nakapatong. Ang naguluhan kong awra ay napalitan ng malungkot na emosyon.
Ngayon naiintindihan ko na.
Patay na pala si Aika.
Ibang-iba na ang lahat sa dati simula nang may nangyaring krimen noong isang nakaraang-araw. Natapos ang klase na tahimik ang lahat. Alam kung may nagbago. Alam ko 'yon. Hindi ko nga alam kung ikasasalamat ko ba ang nangyari dahil sa wakas hindi na ako ginulo nila Yam. Oo, sino ba naman ang hindi gusto magkaroon ng mapayapang pamumuhay? Pero sa estado ngayon, ewan, hindi ko alam.
Napasinghap ako ng lihim.
Mag-isa akong naglakad sa isa sa CR. Saglit akong nagpaalam kay Lenn na magbabanyo muna ako. Pagkapasok ko sa CR, ako lang ang mag-isa. Napabuntong-hininga ako nang malalim at pumasok sa isa sa mga cubicle at umupo sa inidoro. Inilabas ko ang aking cellphone at kumunot ang aking noo ng makatanggap ako ng text message galing sa isang unregistered number.
BINABASA MO ANG
Unspoken Murder Thing | BOOK 1 | COMPLETED
Mystery / ThrillerHianna, a girl with a speech impediment is trying to face her new life without her parents. However, when crimes begin in Hartlon University as the rumor spreads about a girl who escaped from mental instituition everyone was alarmed. Lenn, Hianna's...