Chapter 23: The Killer is here!

37 7 0
                                    

    Chapter 23: The Killer is here!

   
    Hianna's POV
   
    ISANG MALAWAK na ngiti ang gumuhit sa 'king labi ng makatanggap ako ng email galing sa parents ko! Napakasaya ko! Nangilid sa 'king mga mata ang pagkatuwa at nag-uumapaw na kasiyahan ng mabasa ko ang laman.

   

    Dear Anak,
   
    Sorry kung matagal kaming nakapagdala ng mensahe para sa 'yo. Tinakbuhan kami ng investor rito sa Australia tangay pati ang mga pera namin. Nawala rin ang cellphone namin kaya hindi agad kami makatawag sa 'yo. 'Wag kang mag-alala, anak. Nasa maayos naman kaming lagay. Gagawa kami ng paraan para makabalik kami diyan ng mas maaga pa. Sana ay okay ka lang. Alam kung mag-isa kalang sa bahay pero alam ko naman na makakaya mo. Mahal na mahal ka namin ng mama mo.

   
    Sana ay matanggap mo 'tong mensahe.

From your Dad & Mom

   

    Pagkatapos kung mabasa ang mensahe ay hindi ko namalayang nag-iisa namang nagsituluan sa 'king mga mata ang aking mga luha. Kumirot ang aking puso sa sitwasyon nila ngayon. Hindi ko mapigilan na mag-alala ngunit sabi naman ni Papa ay wala naman dapat akong ipagkabahala. Nasa maayos naman silang sitwasyon pero kahit na... hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot.
   

    Agad na isinilid ko sa 'king bag ang papel bago ako lumabas sa bahay. Sinirado ko muna ang gate saka ako naglakad sa main highway. Agad na pumara ako ng masasakyan patungo sa eskwelahan.
   

    Hindi ko alam... Excited akong mabasa ni Lenn ang mensahe galing sa mga magulang ko! Hindi na ako makapaghintay pa kaya ng huminto ang jeep ay mabilis na akong bumaba. Nagbayad muna ako kay manong bago tumatakbo sa daan papasok sa Hartlon University.

   
    Pagkarating ko sa classroom, saglit akong napatigil ng matanaw ko si Lenn na may kausap. Si Kliff. Mukha yatang seryoso ang kanilang usapan kaya hindi ko alam kung papasok ba ako at disturbuhin silang dalawa. Tagaktak ang pawis sa 'king noo dahil sa pagmamadaling tumakbo. Hinabol ko pa ang bawat pagsinghap ko.

   
    Lihim kung naikuyom ang aking kamao. Pilit kung ipinakalma ang sarili ko. Huminga muna ako nang malalim bago pumasok sa loob.
   

    "Hi, Yna! Good morning!" Agad na bati ni Lenn pagkarating ko sa usapan. Hindi ko siya tinignan bagkos na inilagay ko ang aking bag sa upuan bago ako umupo. "Masama ba ang araw mo, Yna?" Aniya.

   
    Hindi na lang ako sumagot. Napansin kung nagkibit-lamang si Lenn at mukha yatang naiintindihan niyang wala ako sa mood na makipagsabayan sa kanya.
    

     Maya-maya pa ay pumasok na si Ma'am Grace na na tatlong linggo ring leave sa trabaho dahil namatayan ito ng mama. Huling kita ko sa kanya nakaraang-linggo pa.

   
    "Did you already finished the activities I left while I wasn't here?" Aniya na nagsitanguan naman ang iilan. Habang ako naman ay hindi makaimik. Ang totoo niyan, wala pa akong nagawa kahit ni isa. 

    Nandoon lang kasi iyon sa bahay at dahil
sa maraming nangyari ay nakalimutan ko na. Wala nga akong matandaan na may activities itong iniwanan.
   

    Pasimple akong napasulyap kay Lenn na nasa aking tabi. Wala itong reaksiyon. Tapos na kaya siya? Nanatili lang itong nakatingin habang si Ma'am Grace ay nagsasalita sa 'ming harapan.

   
    "Pass the activies in the front," madiin na utos ni Ma'am Grace at ang lahat ay nagkatinginan. Ang iba ay malaki pa ang mga ngiti-marahil tapos na sila habang ang iba naman ay kinabahan at namutla.

Unspoken Murder Thing | BOOK 1 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon