Chapter 31: eliminated!

32 7 0
                                    

    Chapter 31: eliminated!
   

    Someone's POV

   

    (The Last Night)

   

    TONIGHT, I'm going to eliminate Riri's existence. I don't know how but I need to. In order to save your life, you must take someone's life to survive. This is about survival. I was scared but If I did not do this, that pyscho will going to kill me that I don't want to let happen.

   

    "Eto na ba? Baka binawasan mo 'to, ah." Nakangiwing tanong ng lalaking kausap ko. Aba, may lakas-loob pa siyang tanungin ako? 

   

    "Bilangin mo para sigurado." Sabi ko saka napatingin sa bag na hawak niya na may lamang pera.

   

    Napangisi ito. "May tiwala naman ako sa 'yo. Kaya na napapayag mo akong gamitin sa plano mo." Aniya.

   

    Napatawa naman ako nang mahina. "Tsk, sino pa bang hihindi kung pera na ang usapan lalo't sa mukha mong 'yan mukha kang pera," pang-iinsulto ko rito ngunit tinawanan lang ako.

   

    "Aaminin kung mukha akong pera. Atleast," he paused for a while. He's looking at me with disgust on his face. "Ako, hindi gaya sa 'yo. Mamatay-tao." Pagpapatuloy niya dahilan na manlaki ang mata ko.

   

    "You asshole!" Sigaw ko sa kanya. Muntikan ko pa nga siyang sugurin, buti nalang nakapagtimpi ako. Napahinga ako nang malalim at tinignan ito, "Nasaan siya?" Tanong ko.

   

    "Nasa loob." Sagot niya. Napasulyap naman ako sa bahay na nasa harapan namin. Madilim ngayon kaya hindi kami masyadong kita. "Ginapos ko na 'yon. Binusalan ko na rin ang bibig. Umiiyak nga 'e, nagmamakaawa." Sagot nito na ikasinghap ko.

   

    "Umalis ka na." Pagtataboy ko sa kanya, agad naman itong napangisi saka tumalima. Naiwan naman akong mag-isa habang nakatayo. Ilang beses pa akong napahinga nang malalim at kinontrol ang sarili ko bago ako pumasok sa loob para patayin si Riri.

   

    Hindi naman ako nagkakamali. Nang makapasok ako sa kwarto, nakita ko agad si Riri na nakagapos sa kama, nakabusal ang bibig habang nakayuko. Nang mapansin nitong nandito ako, dahan-dahang umangat ang tingin niya at namilog.

   

    Nagpupumiglas na siya. Umiiyak. Lumuluha. I want to feel pity on her situation but I tried to show emotionless face.

   

    "Hi, Riri. Are you okay?" Bati ko sa kanya saka ibinaba ko ang dala kung bag na may baril. Napalingon ako sa kanya na ngayon ay umiiyak.

   

    "Mm... Mmmm!"

   

    "Don't waste your energy, Riri." Pigil ko sa kanya saka napahinga nang malalim. "Sorry kung natagalan pa. May ginawa pa kasi ako kanina." Imporma ko.

   

    Napaupo ako sa tabi niya. Pinatitigan siya. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang kaawaan o hindi. Gayunpaman, iisa lang naman ang rason kung bakit nandito ako ngayon: ang tapusin ang nasimulan ko na.

Unspoken Murder Thing | BOOK 1 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon