Chapter 37: Chase
Celine's POV
"Si Azi? Si Riri? Sa pagkakaalam ko ay matalik silang kaibigan. Alam 'yon ng mga kaklase nila. Para ngang magkambal ang dalawa. Lagi silang magka-dikit." Ang salaysay ni Ms. Ann, isa sa mga subject teacher nila Riri at Azi.
"Wala ka bang napapansin na kakaiba po sa kanila, Ms. Ann?" Tanong ko. Nagbabakasakali na may nalalaman siya upang makatulong sa imbestigasyon namin.
Napatingin sa 'kin si Ms. Ann at mukhang napaisip. Dumaan ang ilang segundo ay napailing ito. "Wala. When it terms in academics, palagi silang nangunguna. Sabi ko nga, they are closed to each other. Bukod sa matalino sila ay hinahangaan rin sila ng mga guro," salaysay nito. "Pero no'ng namatay si Riri ay nag-iba na si Azi. Marahil normal lamang iyon dahil matalik silang magkaibigan."
Napasulyap ako kay Ate Havey na nasa tabi ko. Bumalik ang tingin ko kay Ms. Ann. "Thanks, Ms. Ann."
"Kaibigan ba kayo nila?"
Napatango ako. "Yes po."
"Balita ko nga ay si Azi ay pumatay kay Riri. Susmaryosep! Hindi ko aakalain na magagawa niya 'yon." Gulat na komento nito na napa-sign of the crus pa si Ms. Ann.
Nang matapos naming interview-hin ito ay lumabas kami sa classroom at napasandal ako sa pader.
"This is not even working," Narinig ko ang reklamo ni Ate Havey na kagaya ko ay nakasandal din sa pader habang naka-cross arms.
"Maybe, we try again." Ang sabi ko.
"Ilang studyante na ba ang napagtanungan natin?" Aniya. "It's almost 20 na! Wala pa tayong nahanap. This is insane!"
Napahinga nalang ako nang malalim saka tinignan ang papel na hawak ko. Tama si ate Havey. Marami na kaming na interview na mga studyante kahit na teachers nila Azi at Riri pero wala parin kaming mahanap na matinong sagot.
"Ugh. Why should I agree with this? Yes, I feel excited but it's too tired! Pwede bang magpahinga muna tayo, Celine?"
Dahil pagod din ako ay sumang-ayon ako kay ate Havey. "Okay,"
"Yey! I'll treat you!" Nagulat pa nga ako ng iankla ni ate Havey ang braso niya sa 'kin saka niya ako hinila. Bakas sa mukha niya ang tuwa kaya napangiti nalang din ako.
Sa bilis niyang maglakad ay mahirap akong humabol sa kanya lalo't nakadikit kami. Sa sobrang pagmamadali ay hindi na namin napansin ang babaeng dumadaan kaya nabunggo ko ito rason na matumba ito.
Awtomatiko naman akong natigilan.
"Shit!" Nataranta ako. Mabilis akong humiwalay kay ate Havey saka inaalalayan ang babae na nakadapa. "I'm really so sorry, miss." Hingi ko ng paumanhin saka ko ito tinulungan na tumayo.
"I'm fine." Pinagpagan nito ang sarili niya habang napakagat naman ako sa labi. "Just be careful nextime, will you?"
Napatango naman ako. "Sorry."
"Hey, can you see it? It was just an accident." Sabi ni ate Havey dahilan na mapatingin sa kanya ang babae. Nakataas ng kilay ngayon si ate Havey habang tinitigan ang babae.
Naalarma naman ako. "It's fine. It's my fault, okay?" Hindi naman pala ako na-inform na may pagka-warfreak itong si Ate Havey. Mukha pa yatang awayin ang babae.
"Tsk," Napairap na lamang si ate Havey.
Humarap ako sa babae. "I'm really so sorry, miss. Pasensiya ka na." Ani ko saka ko siya ngitian. Hindi ito sumagot sa halip naglakad ito.
BINABASA MO ANG
Unspoken Murder Thing | BOOK 1 | COMPLETED
Mystery / ThrillerHianna, a girl with a speech impediment is trying to face her new life without her parents. However, when crimes begin in Hartlon University as the rumor spreads about a girl who escaped from mental instituition everyone was alarmed. Lenn, Hianna's...