Chapter 7: Surprise

14 8 0
                                    

Chapter 7: Surprise


Hianna's POV

NAPAHIGIT ako nang malalim na hininga bago ako umupo sa isa sa mga bleachers dito sa covered court. Walang tao kaya tiyak na
walang gulo. Mas mabuti narin na ako lang ang nandito. Hindi ko alam nasaan si Lenn. Wala naman akong mapagtanungan kung nasaan ito kaya ang naisip ko ay maglibot muna sa loob ng unibersidad hanggang sa mapadpad ako dito.

Maya-maya pa'y dumami narin ang mga nandito. Kadalasang kasama nila iyong mga kaibigan nila o kilala. Malaki ang covered court at nasa unahan ako nakaupo kaya walang mga studyante ang pumapansin sa akin.

Nagulat na lamang ako ng biglang nalang may umupo sa aking tabi at nang lumingon ako, agad na nangunot ang aking noo ng makita ang lalaking naikwentro namin ni Lenn doon sa soccer field.

Anong ginagawa niya?

Nakatitig ito sa malayo na para bang may malalim na iniisip kaya agad naman akong napaiwas ng tingin bago pa magkasalubong ang tingin namin.

"Kamusta na 'yong noo mo?" Bigla niyang tanong na ikatitigil ko. Ako ba ang kinakausap niya? Hindi agad ako makaimik, ang lingunin ito ay hindi ko magawa. Aminado akong hindi ako komportable sa presensya ng ibang tao—lalo na ang katabi ko ngayon.

Nang hindi ako makakibo narinig ko ang mahina niyang tawa. "Alam ko," parang sa sinabi niya hindi na ako magtataka kung alam niyang may kapansan ako. Kung kakausapin man niya ako, sayang lang ang oras niya dahil hindi naman ako makapagsalita bukod sa pagtugon gamit ang mga senyales. Saglit itong napatahimik. Ako naman ay napatitig lamang sa malayo. "Really, I'm so sorry what happened few days ago. Hindi ko talaga sinasadya 'yon, believe me." Aniya, hindi ko alam kung titingin ba ako dito at sasabihin ayos lang 'yon.

Napangiti na lamang ako.

"Gusto ko 'yong kaibigan mo. Matapang saka palaban." Wala sa sarili niyang tanong dahilan na mapalingon ako sa kanya na nagtataka, "Yup, she slapped me earlier in front of many people in case if you don't know," natatawa niyang balita na nakangiti nang kaunti. Ang katabi ko ngayon, hindi naman siraulo 'di ba?

Wala akong sapat na dahilan para paniwalaan ang mga sinabi niya. Kung totoo man 'yon marahil hindi na ako magtataka. Si Lenn pa tiyak na magagawa niya ang bagay na sinasabi niya.

"I'm not mad at her for what she did to me. I think I deserve her slapped for being shit," dagdag niya na medyo napatawa. Siraulo ba 'tong katabi ko? 

"Yna!"

Dali akong napalingon nang marinig ko ang pamilyar na boses na tumawag sa aking pangalanan. Nang tignan ko kung saan iyon nagmula, ang nakatayong si Lenn sa malayo ang una kong nakita.

Nang makita niya ako mabilis siyang lumapit sa akin. "sino 'yong kausap mo?" Tanong niya na nakatingin sa malayo na nakakunot ang noo. Tumingin naman ako at umalis na pala ang lalaki.  "Sino 'yon? May ginawa ba siyang masama sa 'yo, Hianna?" Tanong ni Lenn na agad akong napailing.

Ayaw pa niya akong paniwalaan kaya ngumiti ako nang malaki para hindi na siya mag-isip pa nang kung ano-ano.

"Debale nalang. Anyways, may gusto sana akong ipakilala sa 'yo!" Tuwang-tuwa ani ni Lenn na ikatataka ko. "Halika ka na? For sure, magkakasundo mo 'yong tatlo!"

Nang hindi ako makaimik agad niya akong hinila kaya wala akong magawa kundi ang sumunod sa kanya. Batay sa kanyang mukha pakiramdam ko masayang-masaya si Lenn ngayon. Hindi ko tuloy maiwasang magtaka kung ano ang gusto niyang ipakita.

"Hey, guys!" Napahinto ako ng makarating kami sa cafeteria. Tumuon ang atensiyon ko sa tatlong studyante na nag-uusap, nagtatawanan pa sila bago sumulyap sa amin ng maagaw ni Lenn ang kanilang atensiyon.

Unspoken Murder Thing | BOOK 1 | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon