Chapter 36: The Culprit
Lenn's POV
Nang makita ko si Celine sa entrada dito sa Coffee Shop ay agad akong kumaway ng makita niya kami.
"Hi, Celine." Bati ko sa kanya ng makalapit siya. Nakita ko rin si Kliff na nakasunod sa kanyang likuran. Nang magtagpo ang mata namin ay agad siyang nag-iwas ng tingin.
"Hi, ate Lenn. It's nice to see you, again." Aniya. Umupo siya katabi ni Maia habang ang katabi naman ni Maia ay si Ambrose.
Ngumiti ako.
"We heard from Kliff what happened." Sabi ni Havey na nasa tabi ko. "And we are here to same reason. About that fucking bitch Azi."
"I know." Sagot ni Celine. "Nakatakas siya."
"Wala ka bang ideya kung saan siya nagpunta? Or saan siya ngayon?" Tanong ko. Nagbabakasakali na baka alam ni Celine nasaan si Azi.
Napailing si Celine. "Wala, ate Lenn. Kanina ay pinunantahan ng mga pulis ang apartment niya. Wala siya doon."
"Wala naman kayong sinabihan di ba?"
"Wala, ate Maia. Kayo lang ang may alam dahil nag-text si Kuya Kliff kay Kuya Dalton."
"Baka alam na niya o nakatunog." Bulong ni Maia.
Napahigit ako nang hininga.
"She's nowhere to be seen. So, what should we do? Hindi tayo pwedeng umupo lang dito. Kailangan may gawin tayo lalo't may koneksiyon 'yon sa Pyscho Bitch Killer," Si Havey.
"Ano?" Gulat na wika ni Celine rason na mapatingin ako kay Havey na napakagat sa labi. "Totoo ba ang narinig ko?"
Napabuntong-hininga ako. Nakatingin sa 'ko ngayon si Celine, hinihintay akong magsalita. Wala naman akong magawa dahil nasabi na iyon ni Havey.
"Oo." Ang sagot ko.
"Kailan niyo pa nalaman?"
"Kahapon." Sabi ko. Nang may naalala ako ay napatitig ako kay Celine na ngayon ay bakas ang pagkagulat sa kanyang mukha. "May gusto lang sana kaming kompirmahin, Celine."
"What is it, ate Lenn?"
"Kahit na malakas ang loob namin na tama kami ay gusto parin namin makompirma." Si Maia na ang nagsalita, "No'ng araw na dinukot kami ng babaeng nakamaskara, kasama mo ba si Azi?" Tanong ni Maia kay Celine.
"Si Azi?"
Napatango kami.
"Oo kasama ko siya. Nag-mall nga kami no'n. May binili kaming art materials para sa exhibit namin na project. Alam 'yon ni ate Lenn."
Naalala ko nga ang araw na 'yon. Nang magkita kami ni Celine sa Mall. May hawak siyang biniling mga art materials.
Napakagat ako sa labi. "No'ng umaga, magkasama ba kayo?" Tanong ko ulit.
Gano'n nalang ang paglaki ng mata namin ng tumango si Celine. "Oo. Sa apartment ko siya nakitulog. Kaso... Kaso..." Natigilan si Celine sa pagsasalita rason na mangunot ang noo ko.
"Bakit, Celine? May problema ba?" Taka kung tanong sa kanya.
Agad siyang napailing. "Wala. Naalala ko lang kasi na nakatulog ako ulit no'n. Hindi ko na tanda, ate Lenn."
"Nakatulog ka?"
Napatango siya. "Oo. Bigla nalang kasi sumama ang pakiramdam ko no'n. Hindi ko alam."
BINABASA MO ANG
Unspoken Murder Thing | BOOK 1 | COMPLETED
Mystery / ThrillerHianna, a girl with a speech impediment is trying to face her new life without her parents. However, when crimes begin in Hartlon University as the rumor spreads about a girl who escaped from mental instituition everyone was alarmed. Lenn, Hianna's...