Chapter 18: An Unexpected Visitor
Third Person's POV
"HINDI pa ba kayo uuwi guys?" Ang tanong ng studyante babaeng sa kanyang mga kaibigan na abala sa paglalangoy sa pool. Alas sais narin kasi ng hapon at kailangan pa nilang umuwi sa kani-kanilang mga dorm.
"Mamamaya na kami, Celine. Kailangan pa namin mag-practice para sa swimming competition bukas," ang sagot ng kanyang kaibigan na si Jade na nakalutaw ang katawan sa tubig. Nakasuot ito ng one piece at may suot itong goggle glass.
"Sure kayo?" Ang pagkokompirma ni Celine na nakatayo sa pool at pinapanuod ang kanyang mga kaibigan.
"Yes!"
"Okay, kayo ang bahala. Kailangan ko narin kasi magmadali. Ingat kayo, Jade, Freya," paalam nito sa mga kaibigan at kumaway naman pabalik ang mga ito sa kanya.
Nang makaalis ang dalagang si Celine, itinanggal ni Jade ang suot niyang glasses. "Kainis talaga si Celine! Palibhasa kasi, nagka-boyfriend na nga lang, i-under pa siya," Wika niya at hinarap si Freya na nakaupo sa gilid ng pool.
"Nagbalikan ba sila ni Hanns?"
"Napairap na lamang si Jade. "Marupok kasi ang isang 'yon, e! Ilang beses ko na siyang sinabihan na hiwalayan na niya ang lalaking 'yon, ayaw makinig. Kesyo mahal parin niya kahit alam naman njyang niloloko lang siya," Hindi mapigilan ng dalaga na makaramdam ng inis ng sabihin niya 'yon. Mahal niya ang kaibigang si Celine at natatakot siya na baka saktan ito ng nobyo.
"Hays, love nga naman. Eh, obsessed na yata 'yong guy sa kanya?"
"Yaks! Katakot!" Nagtawanan ang dalawa at nagpasya na lamang na mag-ensayo ulit para bukas. Swimming competition kasi nila bukas at ang mga kalaban nila ang kanilang mga kaklase. Ayaw nina Freya at Jade na magpatalo. Ang katunayan nga niyan ay lagi silang top 1 sa kanilang swimming class.
Nang mapagod at makuntento, umalis ang dalawa sa pool at nagtatawanan habang pumasok sa girl's room. Nagtungo sila sa kanilang mga locker at kumuha ng tuwalya. Pumasok sila sa banyo at nagbanlaw. Tanging lagaslas lang ng tubig ang maririnig sa banyo.
Sa oras na 'to wala ng mga studyante ang naglalakad sa mga hallway dahil narin sa gabi na ngayon. Ang iba marahil ay nasa kani-kaniya ng mga door. Kapansin-pansin ang katahimikan sa loob ng unibersidad. Nakapatay na ang iilang ilaw sa bawat room at ang iilang hallway lamang ang may ilaw na kadalasan dinadaanan ng mga studyante.
"Freya, may shampoo ka ba?"
"Manghihiram ka?" Balik nitong tanong. Kailangan pa nilang lakasan ang kanilang boses dahil sa ingay ng lagaslas ng shower.
"Pahiram naman. Nawala kasi 'yong akin. Hula ko, ninakaw iyon ni Vella," Naiinis na sabi ni Jade.
"O, sige. Iabot ko nalang 'to sa taas." Anito ng kanyang kaibigan at gaya ng sinabi nito, inabot nito sa itaas ang shampoo at agad niya itong kinuha.
Sa kabilang namang dako, may isang studyanteng babae ang naglalakad sa pasilyo habang diretso ang tingin sa nilalakaran. Hindi kita ang mukha nito dahil sa kadilimang bumabalot sa hallway. Sinadya pa nitong pagalan ang paglalakad upang hindi makalikha ng kakaibang tunog.
BINABASA MO ANG
Unspoken Murder Thing | BOOK 1 | COMPLETED
Mystery / ThrillerHianna, a girl with a speech impediment is trying to face her new life without her parents. However, when crimes begin in Hartlon University as the rumor spreads about a girl who escaped from mental instituition everyone was alarmed. Lenn, Hianna's...