Chapter 11: the crime
Lenn's POV
TUNOG ng siren na galing sa ambulansya ang umalingawngaw sa paligid habang ako nakaupo sa gilid habang inaalala ang nasaksihan namin kanina. Halos nagkalat ang mga studyante sa labas at gaya nila hindi rin makapaniwala sa nangyari.
Blangko ang utak ko at hindi ako makapagpokus ng maayos. Patuloy na naalala ko ang pugot na ulo ni Aika habang nagkalat sa sahig ang malapot nitong dugo. Ang walang buhay na katawan nito sa sahig. Ang ulo nitong nasa itaas sa kisame habang nakamulat ang dalawang mata sa takot.
Kapag naalala ko ang lahat para akong masisiraan ng bait sa ulo! Para akong masisiraan ng loob! Hindi ko na kaya!
"Lenn… Hey, Lenn—"
"Shit!" Napasigaw ako sa pagkabigla ng may tumapik sa aking balikat at ang nag-alalang mukha ni Maia ang bumungad sa 'kin.
"Ayos ka lang?"
Napalunok ako habang pilit na kumalma bago ako napatango kay Maia.
"Gusto ka raw kausapin ng mga pulis." Nag-aalangan niyang sabi saka ako napatingala sa kanya. "dahil sa nangyari. Kung ayos lang daw sa iyo," dugtong ni Maia.
"Sila Havey? Nasaan sila?" Tanong ko.
"They are okay, maybe... maliban kay Havey na hindi ko makausap. Na-trauma siya pero kami dalawa ni Ambrose, ayos lang kami. Honestly, you don't have to worry about us we can handle ourselves." Ani ni Maia na may kaunting ngiti sa labi.
"Si Hianna, kasama niyo ba siya?" Tanong ko ng maalala ko si Hianna. Alam kung gaya ko gulat din siya sa mga nasaksihan. Nakita ko kanina ang natatakot niyang mga mata at pagkabalisa.
Napatango si Maia na ikahihinga ko ng malalim dahil alam kung kasama ngayon nila si Hianna. Kahit papaano alam kung kasama nila ito ngayon.
Tumayo ako at napasinghap. Sinamahan ako ni Maia na lumapit sa mga kapulisan. Agad naman akong in-interview tungkol sa nangyari. Sinabi ko ang lahat-lahat nang nalaman ko at ang nasaksihan ko.
"Sa tingin niyo, may kakilala ba kayo na maaaring gumawa nito sa dalaga?" Tanong ng pulis habang hawak ang isang small notebook at ballpen.
Napalingon ito sa 'kin habang hinihintay ang susunod kung sasabihin. Marahan akong napailing dito, "wala... Wala akong kilala na maaaring gumawa no'n sa kanya." Sagot ko na wala sa sariling katinuan. "Bukod pa roon, hindi rin kami kaano-ano. Kaklase kami pero hindi kami close," salaysay ko.
"Gano'n ba?" Paninigurado nito kaya agad akong napatango.
"Maraming salamat, Miss Parker." Mabuti nalang ay hindi na ito nag-usisa pa. Napangiti ako ng tipid at niyaya ako ni Maia na puntahan sila Havey.
Nang makita ko sila Havey na nakaupo sa isa sa mga bench, agad ko silang nilapitan at agad na yinakap ko si Havey. "Are you okay, Havivi?" I asked her worriedly.
"I'm okay, Lenn..." She replied as she hugged me back. "Ikaw? Kamusta? Ayos ka lang ba?" Nag-aalangan rin niyang tanong ng humilay siya sa akin at hinawakan ang dalawa kung balikat.
"Ayos lang ako." Saad ko. Kahit ang totoo ay hindi. Sinong magiging maayos sa nangyari? Wala. Walang magiging maayos lalo't patuloy kung iniisip kung sino ang nasa likod ng karumaldumal na nangyari. Sino ang taong gumawa no'n kay Aika.
Agad din akong nagpaalam kay Havey at nilapitan ko si Hianna na natahimik na nakaupo sa gilid. Nang makita niya ako, mabilis niya akong yinakap nang napaka- mahigpit.
Imbes na magsalita yinakap ko ito pabalik. Napatingin ako kina Havey na nakatingin sa amin ngayon. Agad ko silang nginitian ng maikli.
"Sorry, Yna..." Hingi ko ng paumanhin dito. Humiwalay ito sa akin saka ako nginitian ng tipid.
BINABASA MO ANG
Unspoken Murder Thing | BOOK 1 | COMPLETED
Mystery / ThrillerHianna, a girl with a speech impediment is trying to face her new life without her parents. However, when crimes begin in Hartlon University as the rumor spreads about a girl who escaped from mental instituition everyone was alarmed. Lenn, Hianna's...