Chapter 22: The Threat
Lenn's POV
"Sige, lumapit kayo sa 'kin! Sasaktan ko kayong lahat! Subukan niyo lang!" Hindi namin inaasahan ang sitwasyon na nakita namin dito sa loob ng Cafeteria.
"Please, Ri! Ibaba mo 'yang kutsilyong hawak mo!" Umiiyak na pagmamakaawa ng babae na mukhang kakilala nito. "Pwede naman natin pag-usapan natin 'to 'di ba? 'Wag naman ganito, Ri!"
"Isa ka pa, Azi! Sinabi ko ng sa 'yo na sikreto lang natin ang lahat! Bakit mo sinabi sa kanila? Ha?!"
Napahagulgol ang babaeng Azi ang pangalan. "S-Sorry! G-Gusto ko lang na tulungan ka. Ayaw ko naman na masaktan ka ng babaeng 'yon!"
"Sinungaling! Ang sabihin mo, gusto mo lang na mapahamak ako! Pwes, heto! Ano, masaya kana?" May pagbabanta ang boses ng babae habang hawak parin nito ang matalim na kutsilyo.
Napatayo ako sa upuan. Agad na napalingon ako sa aking braso ng may humawak. Nakita ko ang mukha ni Hianna na nakikiusap dahilan na mapasinghap ako.
"Lenn, it's too dangerous." Narinig ko ang pakiusap ni Ambrose. "Just stay here, will you?"
"Oo nga, Lenn. Baka madamay ka pa." Singit ni Maia na alang-alala ang boses dahilan na mapahigit ako nang hininga na malalim bago napaupo.
"Layuan niyo ako! Kahit anong gusto niyong sabihin sa 'kin, hindi ako makikinig!" Umiiyak na wika no'ng babaeng Ri ang pangalan.
"Tutulungan ka namin—"
"Shut up! Tutulungan? Paano? Ano kayo superhero?"
"We're from Hunting Club. We can help you. Please, just cooperate with us." Naagaw ang atensiyon ko ng mapansin kung nandito ang babae na na-ikwentro ko kanina at kasali sa Club nilang ginawa.
"Hunting Club? Seryoso ba sila?" Hindi makapaniwang bulalas ni Maia.
"They are just playing a superhero huh?"
"Maybe they can help." Ani ko ng diretso. Napalingon sa 'kin sila na nagtataka ang mukha at hindi ko nalang iyon pinansin pa.
Umugong ang tensiyon ng lahat ng may lalakeng studyante na biglang lumapit sa babae at mas nakakagulat pa ay batuhin ito ng upuan. Bigla itong napatumba at nahulog sa sahig.
"Ahh!"
"Hawakan niyo ang kamay niya!"
Napahiyaw ang lahat ng may humawak sa magkabilang kamay nito habang patuloy itong nagpupumiglas. Bakas sa mukha ng babae ang magkahalong sakit at impit sa pagtapon sa kanya ng upuan. "Bitawan niyo ako! Ano ba!"
"Naneto mo girl! Attention seeker 'yan?" Salita ng babae na nakaupo malapit sa kanilang table.
"Dramatic mo naman, 'te! Gusto mog pa-Viral? Sumali ka nalang kaya sa Theater Club? Sayang ang acting mo!" Sari-sari ang komento na narinig ko bago bumukas ang entrance nitong Cafeteria at nang lumingon ako kung sino ang pumasok, natanaw ko ang mga pulis na galing sa Campus Police Department.
Nang posasan ang babaeng si Ri, umiiyak ito at nagpupumiglas. "Bitawan niyo ako! P-Please, ikakalat niya ang video ko!" Madami itong sinasabi bago ito napalabas sa Cafeteria kasama ang mga Pulis. Tiyak na doon ito dadalhin sa campus station.
"Sorry, Ri… Sorry…" Napahagulgol ang kaibigan nitong si Azi. Agad naman itong nilapitan ng mga taga-Hunting Club. Hindi ako pamilyar sa kanilang mga mukha at iisa lang ang pamilyado ko. Iyong babae na umalok sa 'kin na sumali sa kanilang club. Siya din ang nag-utos kanina na batuhin ng bangko ang babae at hawakan ang mga kamay.
BINABASA MO ANG
Unspoken Murder Thing | BOOK 1 | COMPLETED
Mystery / ThrillerHianna, a girl with a speech impediment is trying to face her new life without her parents. However, when crimes begin in Hartlon University as the rumor spreads about a girl who escaped from mental instituition everyone was alarmed. Lenn, Hianna's...