Chapter 5: About Yesterday
Third Person's POV
"Hahayaan ba natin siya doon?"
"Oo nga, Yam."
"Why not? Let her die there! Kasalanan naman niya kung bakit siya mabubulok doon!" Ang galit na wika ng dalagang si Yam habang nilisan nila ang bodega kung saan nila iniwan ang dalaga.
"Pero paano kung malaman ng council 'yung ginawa natin? Malalagot tayo! If my daddy will know what we did to her, for sure magagalit na naman si Daddy sa 'kin," Kinakabahan ang boses ni Loreen.
Humarap si Yam sa kanila at isa-isa silang pinukolan nang masamang tingin. "You guys are bitch! At sa lagay niyo magpipinsan makokonsensya pa kayo?" Sarkastiko nitong tanong. "Alam niyo hindi tayo mahuhuli ng council kung walang magsusumbong sa inyong dalawa. Atsaka isa pa, pipi 'yon. Sino ba ang bobong maniniwala sa taong may deperensya?"
Umirap si Aika na medyo natatawa. "Oo Yam, bobo 'yon. Pipi 'yon. Pero may isip si Hianna at kapag magsusumbong 'yon sa bruhang si Lenn, malalagot tayo pare-pareho," katuwiran nito na walang nakapagsalita agad sa kanilang tatlo.
"Ah, basta!" Naiinis na boses ni Yam. "Pwede ba, huwag na nating pag-usapan 'to? Nasa hallway tayo at tiyak na kung may makikinig man sa usapang nating ito, deadbools tayong tatlo."
"Yeah, right." Tumango sina Aika at Loreen na animo'y naiintindihan ang sinasabi ng dalaga.
"That's it. Let's go girls." Ngumiti ito sa kanila bago ito umunang naglakad na parang walang nangyari. Nagkatinginan naman sila Aika at Loreen bago sumunod sila sa dalagana noon ay medyo malayo na sa kanila.
Sa likod naman ng pader ay hindi nila agad napansin ang isang anino na nakatayo na noon narinig ang buo nilang pinag-uusapan. Nang masiguro nitong nakalayo na sila ay dahan-dahang itong umalis sa pinagtataguan.
Mag-isa lang nakatayo ito sa hallway na halos wala ng dumadaang mga studyante. Marahil ang iba ay nakauwi na o hindi naman baka nakatambay sa soccer field nitong campus. Malalalim ang kanyang paghinga dahil sa narinig kanina. Nanlilisik ang mga mata nito sa galit habang nakakuyom ang mga kamao niya sa inis.
Ilang beses nitong pinakalma ang sarili. Makalipas ang ilang minuto ay lumingon ito sa kabilang pasilyo kung saan naroon nakalagay ang bodega. Gusto niyang pumunta at tulungan ang nakakulong roon ngunit may dapat pa siyang puntahan. Ang maghiganti sa nanakit dito.
"Sure ka? Pwede ka namang sumabay sa 'min 'e." Pamimilit ni Loreen sa dalagang si Yam. Tumingin pa siya sa kanyang pinsan na si Aika na nag-re-retouch. "Diba, sis?"
"Yeah," maikling nitong sagot na hindi siya sinulyapan.
"No, ayaw kung sumakay na kasama kayo. Baka maaksidente pa ako sa second hand niyong kotse. Besides, paparating naman ang sundo ko kaya umuna na kayo," matigas na ani Yam na ikatatango naman ni Loreen. Kahit kailan talaga ay maarte ito saka mayabang ang ugali.
"Okay, take care of yourself," Hindi tumugon ang dalaga at tanging irap lang ang ginawa nito sa kanila. Maingat na sinarado niya ang kotse saka nila ito iniwan sa gilid ng poste ng parking lot. Habang nasa destinasiyon ay panay ang usapan nila ng kanyang pinsan tungkol kay Yam.
"Grabe! Nakaka-imbiyerna ang bruhang 'yon! Porket mayaman, lait-laitin lang tayo!" Hindi na mapigilan ng dalagang si Aika ang hindi mainis. Binaba nito ang salamin saka napatingin sa kanyang pinsan si Loreen.
"Tang*na niya." Mura ni Loreen. "Akala siguro niya 'e habang buhay lang tayo magiging alipin niya," Turan ng kanyang pinsan saka umiling-iling. Kanina pa silang nanganggalaiting saktan iyon ngunit kailan nilang pigilan ang sarili baka mas lalong ikapapahamak nila kapag ginawa nila iyon.
BINABASA MO ANG
Unspoken Murder Thing | BOOK 1 | COMPLETED
Mystery / ThrillerHianna, a girl with a speech impediment is trying to face her new life without her parents. However, when crimes begin in Hartlon University as the rumor spreads about a girl who escaped from mental instituition everyone was alarmed. Lenn, Hianna's...